"Rosie, ano ba?!" Sigaw niya.

Itinigil niya ang kabayo at kinuha ang magkabilang kamay ko. Siya na mismo ang pumulupot nito sa baywang niya.

"Kapit pa!" Wika niya.

"Huh?"

"Ano bang nangyayari sayo?"

Uminit ang pisngi ko at sinubukang kumapit ng maayos.

"Much better."

At agad niyang pinatakbo ulit ang kabayo. Siguro mga limang minuto kaming nakasakay doon. Wala akong nararamdaman kundi ang makisig na likuran niya sa dibdib ko at ang lakas ng pintig ng puso ko. Panira! Wa'g kang traydor ah! Kainis ka diyan! Tumigil ka at baka itakwil kita!

"Andito na tayo, Rosie!" Aniya.

Kumalas ako at bumaba sa kabayong itinali niya sa isang puno. Nasa harap ko na naman ang mga bukid ng Alegria at isang ilog.

"Ganda dito, Jacob!" Namangha talaga ako sa ganda ng Alegria.

"Alam ko." Ngumiti siya habang nakatingin sakin.

Hindi ako sigurado kung nag fefeeling ako o ano pero tingin ko talaga ako yung sinasabihan niyang maganda. Tapos naalala ko nung sinabi niyang di ako maganda noon. Grrr.

"Magsimula na tayo." Sabi ko at nag indian sit sa damuhan.

Lumapit naman siya sakin at tinulungan ako sa lahat ng mga pwedeng gawin. Natapos namin ang lahat sa loob ng isang oras. Maaring mayroon pang kailangang ipolish pero talagang natapos namin ang Chapter 1-3 ngayon. Swerte nga eh! Bukas na ang deadline nito at next week ay finals na kaya buti at natapos namin 'to ngayon. Next term, uubusin namin ang buong thesis na natitira, Chapter 4-5 na!

"Hay! Ang init!" Aniya at agad nag hubad ng t-shirt sa harapan ko.

"Jacob!" Uminit ang pisngi ko.

Napatingin siya sakin, "Ano?"

"Wa'g ka ngang ganyan!"

Grabe! Yung abs niya talaga ang nakakatawag pansin. Wala nabang mas peperfect sa hubog ng katawan niya? At apg titignan mo naman ang mukha niya, perpekto din. Pinaglihi yata ito kay Adonis.

"Maliligo lang ako." Sabay turo niya sa ilog.

"Huh?" Nanlaki ang mga mata ko. "Wala bang buwaya diyan?" Sabay tingin ko sa ilog na malinaw naman.

"Wala! Asus! Meron siguro doon sa unahan, pero wala dito!" Tumawa siya sa ekspresyon ko.

Naglahad siya ng kamay.

"Maligo tayo!?" Aniya.

Baka Sakali 1 (Alegria Boys Series #1) (Published under Pop Fiction, and MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon