"Ang daya bakit ang ganda mo pa rin!"  ani Seri sa 'kin habang pinupunasan ang luha niya. Natawa na lang ako.

Seri aged but she aged beautifully. She looked more simple than when we're younger and it really suit her. Bumitiw sa pagkakayakap sa 'kin si Chloe at pinunasan ang luha niya. She too aged, her looks matured and become more fiercer.

"Bakit ba tayo nag-iiyakan," ani Chloe habang pinupunasan ang luha niya.

"Ewan ko sa inyo!" ani ko at muli silang niyakap dalawa. "I miss you girls!"

"Magtatampo talaga ako kapag wala akong pasalubong galing sa 'yo. Ang tagal mong hindi nagpakita grabe ka!" angil ni Seri.

"Napaka-ghoster mo! Kung hindi lang kita na-miss hindi talaga kita papansinin," himutok naman ni Chloe.

"Matagal nang bumalik ang communication natin may hinanakit pa rin kayo?" natatawa kong ani.

Pagkatapos naming mag-iyakan ay agad na nila akong inaya na pumunta na sa hotel. Nandoon na rin daw kasi ang ibang kaibigan namin. I thought of Yijin, I secretly texted him na huwag na akong sunduin dahil pinuntahan na ako nina Seri at Chloe. Kami na ang sabay pupunta roon.

His reply was, "Okay, I'm sure the girls miss you so much and you to them as well. I'll see you there."

"Dalian mo kumilos at marami kaming chika sa 'yo!" ani Seri habang nakahiga sa kama ko, gano'n din naman si Chloe na binato pa ang tuwalya sa 'kin. They are wearing formal outfits pero kung maka-asta sa kwarto ko akala mo may sleep over.

"Inaantok pa 'ko, ang aga n'yo!" angil ko.

"Aba nagreklamo pa! Kung hindi pa namin nalaman mula kay Rio na nakauwi ka na, hindi namin malalaman na nandito ka na sa Lusiento!" ani Seri. Kumunot naman ang noo ko.

"Kay Rio?" I asked. Nagkatinginan naman silang dalawa.

"Oo nga 'no, paano nalaman ni Rio?" tanong ni Chloe kay Seri.

"Huh?" lito kong ani sa kanilang dalawa.

"Eh, kasi nasa resort na kami. Tapos nandoon na rin si Rio, bigla na lang niyang sinabi na uy, nakauwi na pala si, Chantal. Eh, nanlaki na lang mga mata naming dalawa! Tapos sabi pa nito kay Rio, hindi ka scam? Tapos sabi naman ni Rio, oo nga raw at nasa bahay ninyo ka na! Kaya ayon, tumakbo na kami papunta rito."

"Papatayin ko talaga si, Rio kapag nagsinungaling siya, buti na lang at nandito ka talaga," dagdag ni Chloe.

Natawa naman ako sa kwento ni Seriah at na-imagine ko talaga ang facial expressions nilang dalawa ni Chloe.

"Maligo ka na! May naghihintay pa sa 'kin sa resort," ani Seriah. Nanlaki naman ang mga mata ko at naalala iyon. Mas naging excited tuloy ako na pumunta na sa resort.

I immediately took a bath and fix myself. Ginaya ko lang ang mga suot nina Chloe at Seri na formal casual attire. Tinulongan din nila akong mag-pack ng mga kailangan ko, madali lang iyon dahil nasa bagahe pa ang mga gamit ko.

"Ano'ng sasakyan natin papunta roon?" tanong ko nang palabas na kami. Ngumisi naman si Chloe at ipinakita sa 'kin ang car key niya.

"Woah! Asenso, ah!" biro ko.

"Oo, pwede na nga siyang sugar mommy ko, eh!" biro ni Seri.

"Yucks! Kay Yorrick lang 'no!" ani Chloe sabay irap.

"Ang bata pa ni Yorrick para sa sugar Mommy!" ani Seri sabay pabirong tapik sa balikat ni Chloe.

"Pake mo naman?" sagot ni Chloe.

 
"Gawin ba akong driver?" reklamo ni Chloe nang pareho kami ni Seri na sa backseat umupo.

"Mag-drive na lang kasi!" ani Seriah. Walang pinagbago, ang kulit pa rin nilang dalawa. Or should I say na mas makulit sila ngayon?

Lost In The Weather (Lusiento High Series 01)Where stories live. Discover now