CHAPTER 5

10 5 0
                                    

Lakad takbo ang ginawa ko para lang makalayo sa bahay, tangina naman lawak lawak nang village nato, ang layo pa ng entrance ng village mula sa bahay.

Sa sobrang iyak ko habang tumatakbo ay hindi ko namalayang may tao pala sa daraanan ko, nasubsob pako sa dibdib niya.

Tangina ang bango.

Agad ko itong tiningala.....pota si manong na nasa H&H band, nagka tinginan ulit kami sa pangalawang pagkakataon, pero iba ngayon dahil magka lapit kami.

"you're Rhian, right" tangina ang gwapo ng boses.

Tango na lamang ang naisagot ko, ewan ko ba ni hindi ko maibuka ang mga bibig ko.

"why are you crying?, is there something wrong?" tanong nito sakin.

"uh no, napuling lang ako manong"

"me?"sabay turo nito sa sarili niya."I'm not a damn manong, babae"

"oh my bad" I chuckle.

Mas gwapo pala siya sa malapitan, parang gusto ko nalang dukotin iyong mga mata niyang brown, sa tingin ko ay mga 6'3 siya, tangina ang gwapo na ang bango pa shit.

Inaya ako nitong mag lakad palabas ng village.

I don't know why, but I'm comfortable with him while we're walking here at village.

"you look like you cry, I can see through your eyes that you cry" umiling na lamang ako pero matigas ang bungo ng isang to. "damn women don't deny it fuck"

"yes, umiyak ako, ano masaya kana ha?"

"you cried because?" he asked

"f-family problem" mahina kong saad.

Ewan ko ba napaka raming taong ng isang to, hobby niya ata ang mag tanong nang mag tanong e.

"dito kaba nakatira?"

"uhh ngayon hindi, naka tira ako sa condo kasama ng mga kaibigan ko. Umalis ako ako sa bahay last year because of my mom."

"care to tell me"

Hindi narin ako nag dalawang isip na mag open up sakanya dahil sabi nga ng iba mas magandang mag open up sa stranger. Ayaw kong mag open up kila Amara dahil ayaw ko maabala ko pa sila.

"m-my mom hates me, ayos naman kami dati, not until namatay si Yanna, si Yanna ang ate ko." saad ko habang pinipigilan ang aking mga luhang kanina pa gustong kumawala. "namatay siya almost 3 years narin ang nakakalipas, nalunod siya sa pool, ako ang sinisisi ni mommy sabi niya ay nilunod ko daw si Yanna dahil inggit na inggit ako sakanya, pero malayo ako sa pwesto niya noong malunod siya"

"sorry to hear that" saad nito at iniba na lamang ang usapan. "bat pala Rhalaer ang naisipan niyong name ng banda niyo?" he asked, confused.

"secret, baka may makuha kang idea at palitan mo ang pangalan ng banda niyo" pagbibiro ko.

"I'm not like that, babae" saad nito at diniinan ang pag bigkas sa babae.

"fine, R is from my name, H A is from Amara's name because her name was Amara Hope so pinag baliktad namin, and L is from Liam's name, the A is galing sa pangalan ni Axel, E is from Elden's name and the last R is from Rexus" saad ko habang tinitignan siya.

"okay" tanging saad nito.

"tarantado kaba" bulyaw ko.

Haba haba nang sinabi ko okay lang ang sasabihin.

"I'm not"

Sa sobrang tagal naming naglalakad ay hindi ko namalayang nasa entrance na pala kami ng village. Tinawagan ko si Elden para sundoin ako kaso ang gaga ay hindi sinasagot ang tawag ko, sinubukan kong tawagan si Amara kaso hindi niya rin sinasagot ang tawag ko.

Napilitan tuloy akong mag byahe mag isa. Kinakabahan ako pero buti na lang at kasama ko si Sayious, siya ang nag tawag ng taxi para sakin.

Hindi ako sanay mag byahe dahil nakalakihan ko ng may nag hahatid sundo sakin kahit san man ako mag punta. Pero yon ang pinag sisihan ko.

Sinabi niya sakin ang pangalan niya bago pako makasakay sa taxi, hiningi niya rin ang ig account ko.

Tangina ang gwapo niya na nga ang gwapo pa ng pangalan.

Nalaman ko din sa taxi driver na mayaman pala sila Sayious, pinag kamalan pa kami na nito na ma boyfriend at girlfriend.

Nang makauwi ako ay naabutan ko si Amara at Elden sa sala na taimtim na nag dadasal. 8 pm narin pala ng makauwi ako. Hindi nila napansin ang pagdating ko, paalis na sana ako pero natigilan ako ng marinig ang dasal ni Elden.

"God, we pray Rhian gets through her silent battles she doesn't speak about, we hope she knows we're very proud of her and that she is never going to be alone, kasama niya kaming mga kaibigan niya sa lahat po ng mga pagsubok na darating sa buhay niya, kasama niya po kaming malalagpasan lahat ng pagsubok nayon. Amen."

How lucky am I to have this kind of friends.....I mean family.

Nang maimulat na nila ang mga mata nila ay nagulat sila dahil nakatayo nako sa harap nila.

"Rhian, tinawagan kami ng mommy mo kanina, pinag bantaan niya kami na pag susundoin ka daw namin sainyo, isusumbong niya raw kami sa parents namin" nag aalalang saad ni Amara.

Nginitian ko sila. "ayos lang kasama ko naman si Sayious"

"gaga sinong Sayious?" takang tanong ni Elden.

"yong nasa H&H band" maikling saad ko na ikina tili niya.

"omg si brown eyes, yong naka titig sayo no'ng may gig tayo" saad nito.

"kilala ni Rexus yon" saad ni Amara at naupo sa sofa. "mayaman daw sila, sakanila daw yong sikat na hotel dito sa Manila, at sakanila daw ang isang private school dito"

"diba may hacienda kayo, Rhian?" tumigil ito saglit. "tapos sainyo din yong Villafuerte resort, tsaka may company din kayo"

"oo nga, bagay kayo sis, pareho kayong mayaman" saad ni Amara at kinindatan ako.

"bakit sakin ba ipapamana lahat ng yon?" tanong ko.

"hindi, baka nga wala pang ipamana sayo ang mommy mo e" sagot ni Elden habang pumapalakpak.

"dumbass, sakanya naka pangalan yong resort tsaka hacienda" saad ni Amara at nag lahad ng kamay sakin.

"anong gagawin ko diyan?" takang tanong ko.

Sakin ipinangalan ni daddy ang hacienda at resort namin dahil ang iba naming ari arian ay naka pangalan kila kuya at Yanna, no'ng una ay ayaw pa sakin ipangalan ni mama ang hacienda at resort dahil baka pag napunta na daw sakin ng tuloyan ay baka daw malugi.

"uutang lang ako" saad nito at ngumuso

"tanga hindi mo bagay para kang pato" saad ko at dumiretso sa kusina.

"tama" dinig kung saad ni Elden.

Pag pasok ko palang sa kusina ay nakita ko agad ang fries, burger, spaghetti at fried chicken na galing mcdo. Nasisiguro kong tinamad na naman sila mag luto.

"kain kana, hindi kana namin naantay dahil gutom na gutom na kami kanina" saad ni Elden at nagpa alam na sakin na papasok naraw sila ni Amara sa kanilang silid.

Nang matapos akong kumain ay naisipan ko ng pumasok narin sa kwarto ko, para mag mag shower lang saglit, pagka tapos kong mag bihis ay binuksan ko agad ang cellphone ko.

Nakita ko pa ang 8 missed calls and 35 messages ni mommy, pero hindi ko na lamang iyon pinansin.

9 pm na kaya naisipan ko naring matulog kaso icha-charge ko palang sana ang cellphone ko ng makatanggap ako ng message galing kay Sayious.

Sayious Salazar

hey, are you at home
now?

yes, how about you?

gtk, night.

Abat bastos hindi manlang sinagot ang tanong ko, dahil sa nawala ang antok ko ay in-stalk ko na lamang ito, nalula ako sa dami ng followers nito 17.9k, nahiya yong 4,403 followers ko.

Tears On My Guitar (Music Series#1)Where stories live. Discover now