CHAPTER 4

12 5 0
                                    

Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil kailangan ko pang mag luto para sa umagahan namin, hindi ko nadin mo na ginising sila Amara dahil 4:45 palang naman.

I just cooked bacon and hotdog, muntik ko pang makalimutang mag luto ng kanin. Kaya minsan ayaw kong nagigising ng maaga dahil lagi akong lutang.

Nang natapos akong mag luto ay pumasok nako sa kwarto ko para maligo na, kinakabahan ako para sa exam namin mamaya. Kaya naman ay nag review ulit ako and after that I took a bath.

I just wore a black blazer, black trousers and a white sleeveless crop top, and my shoes were white sneakers.

Nang matapos nako mag ayos ng sarili ko ay lumabas narin ako para mag umagahan, naabutan ko pang nag titimpla ng hot choco si Elden, at si Amara naman ay nag m-make up. Katulad ko ay naka handa narin sila. Pareho silang engineering ang course at ang fresh parin nila tignan parang hindi stress sa course nila. Sabagay matalino nga naman pala.

Ako lang kasi bobo samin tsk tsk.

"sasabay kaba samin?" tanong ni Amara.

"anong oras ba kayo aalis?" tanong ko pabalik.

Nag kibit balikat ito"uhmm maybe 6:30"

Gusto ko sanang mas maagang pumunta sa school kaso 6:30 pala sila aalis e medjo malayo pa naman ang University dito samin. Balak ko sanang mag commute nalang kaso naalala ko hindi pala ako marunong mag byahe mag isa.

Nang matapos na kaming kumain ay si Elden na lamang ang nag hugas.

Si Elden lang ang may kotse samin, si Amara ay binawalan gumamit ng parents niya dahil sa muntik itong ma disgrasya, ako naman ay dating may sariling sasakyan kaso ibinigay iyon ni mommy sa pinsan ko. Nagalit ako kay mommy no'ng ginawa niya yon pero ako pa ang napasama.

"Rhian, gora na" saad ni Elden.

"okitnas nat toyen, mabiit lang atoy, agpapintasak pay ah" pasigaw kong saad dito.

Lumapit ito at sinabunotan ako "aydamo kakatak kang kakatak, ng kinaba mu. Nya bubuluk e"

"what the fuck, mag tagalog or english nga kayo punyeta" naka kunot noong saad ni Amara.

6:32 narin kaya naisipan na naming umalis, habang nasa daan kami ay naisipan kong mag review nalang ulit.

"hindi kaba napapagod kaka review?" takang tanong ni Amara.

Umiling ako " hindi naman"

Napabuntong hininga na lamang ito at itinuon na lamang ang pansin sa cellphone niya.

Nang makarating kami sa school ay agad na akong nagpa alam sakanila para pumunta na sa room namin. Bumungad sakin ang mga kaklase kong nag tatawanan at mukhang kinakabahan. Nagulat nalang ako ng lumapit sakin ang isa kong classmate na may dalang cellphone na naka video.

Agad naman nitong in-explain kung anong gagawin ko.

"hi, I'm Rhian and this is me before law exam" saad ko at ngumiti sa harap ng camera.

"your so damn pretty talaga Rhian" pagpuri nito sakin. Maganda rin siya at may katangkadan.

Mga five pm narin ng maka uwi kami, hindi narin ako naka sabay umuwi kila Amara dahil nag text sakin si kuya na susundoin niya raw ako dahil kailangan daw akong kausapin ni mommy.

Pag dating namin sa bahay ay sinalubong agad kami ng mga maids.

"welcome back ma'am" sabay sabay na saad nila. Sabi ko noon sakanila na tawagin na lamang ako sa pangalan ko kaso ayaw naman nila.

Tears On My Guitar (Music Series#1)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt