The Start

41 2 5
                                    

Kelvin's POV

Miyerkules ngayon at nagsisilabasan na ang mga estudyante sa aming unibersidad.

Ngayon ay naglalakad na ko palabas ng school namin. 3rd year college na nga pala ako at BS Medical Technology ang Course ko sa WattyPaddy University. Ako nga pala si Kelvin Torre 18 years old na ko at NGSB (No Girlfriend Since BIrth) Ewan ko ba! Hindi naman ako bakla eh tsaka gwapo ko kaya! HAHAHAHAAHA!! (natawa lang ako sa isip ko kasi kapag nilakas ko baka mapagkamalan akong baliw dito ng mga estudyante remember naglalakad ako palabas dito layo kasi ng exit mula sa building namin -_-") 

Nagaabang na ako ng masasakyan kong bus ngayon. At eto rin yung lagi kong sinasakyan sa kadahilanang may gusto ako laging nakikita.

Paparating na ang bus at papunta na rito at isa isa na rin sumasakay ang mga tao. Nakatayo lang ako kasi siksikan na pero ayos lang. Pwede pa naman akong magkwento sa inyo kung bakit gusto ko dito sa bus na to.

Isang bus lang ang sinasakyan ko pauwi galing sa eskwela.. kahit abutin ako ng gabi, pilit kong hihintayin ang bus na ito.. oo nga at luma na itong bus.. halos mabagal na magpatakbo.. pero umulan man o umaraw,puno man ito o hindi.. pilit ko itong hahabulin para lang makasakay..

Isa lang ang dahilan sa kahibangang ginagawa kong ito at dahil ito ang bus na sinasakyan NIYA.

Doon ko lang kasi siya nakikita.. Ilang buwan na din akong sumasakay sa bus na ito, at nakikipagsiksikan sa mga tao, at sa araw-araw, napansin ko na isang upuan lang ang inuupuan NIYA.

Doon 'yon sa may sulok, kanang bahagi, habang nakatanaw sa malayo.

Malimit dumaan sa bahay namin ang bus na ito kahit malayo pa ang aking lalakarin pauwi, ay baliwala lang sa akin basta makita ko lang SIYA.

Hibang na nga ako siguro, pero ganun talaga pag in-love ka. 

Maganda siyang dalaga, tahimik nga lang at mukhang malungkot. :( lagi siyang nakatanaw sa malayo at minsan ay parang iiyak pa..

Gusto ko sana siyang kausapin, alukin ng panyo pero naduduwag ako.

 Una siyang bumababa ng bus sa akin. Minsan nga naisip ko na sundan siya.

Kaya lang hindi ako nagtagumpay dahil ang bilis niyang mawala.

Ayoko namang takutin siya kaya naghintay na lang ako na magkakilala muna kami..

Pauwi na ako samin .. di ba nga malimit lang dumaan ang bus na yun sa bahay namin kaya eto ako naglalakad at iniisip SIYA. Haaaaayyyyy  buhay nga naman.. Nakaabot naman ako sa bahay ng matiwasay dahil nga sa wala ako sa sarili ko ngayon at SIYA lang ang laman ng isip ko. Sumalubong sakin si Mama.

"Oh anak! kumain ka na muna tapos pahinga ka na.. Mukha kang pagod eh." Sabi ni mama 

"Sige po ma." sabi ko habang papunta sa dining room.

"Oh damihan mo ang pagkain mo ha? para tumaba taba ka naman :)"sabi ni mama habang naglalagay ng pagkain sa plato ko. Pansin niyo ba hindi pa ko nagpapalit ng damit? HAHA sanay na kasi ako pagkauwi ko eh kakain muna ako tsaka magpapalit ng damit.

"Opo." sabi ko habang nasubo na ng pagkain.Ang bait talaga ni mama.

"Osige. Anak akyat na ako ha? at sasamahan ko muna papa mo sa library alam mo naman yun. Ilagay mo na lang yang pinagkainan mo sa lababo hayaan mo na si Inday maghugas ha?" Bilin ni mama.

"opo ma. Sige akyat na po kayo baka naiinip na po si papa dun at wala syang kasama habang nagttrabaho. hehe." sabi ko

"Sige maiwan na kita dyan. Pakabusog ka!" Sabi ni mama habang naglalakad na palabas ng kusina.

"opo!" sabi ko.

Mag isa akong kumakain ngayon. Bakit ba kasi mag isa lang akong anak eh.Haaayy.. 

Subo*

Subo*

Subo*

"Hmmmmm... sarap naman!" sabi ko sa sarili ko hehe.

At ayun nga nagpakabusog ako. Nilagay ko na yung pinagkainan ko sa lababo .. tinatamad ako maghugas ng pinggan ngayon eh hehe. 

"Ate Inday, tapos na po ako kumain!" Sigaw ko para marinig niya ko hehe andun kasi siya sa Sala at naglilinis sya.

"Sige po sir, ako na po bahala dyan" Sabi ni Ate Inday

"Salamat po. Tinatamad po akong maghugas ngayon eh." sabi ko

"Okay lang po sir. Bihis na po kayo" Sabi ni Ate Inday

"Slamat po ulit" sabi ko. napailing na lang si ate Inday habang nakangiti at nagliligpit na.

Punta na ko sa room ko para makapagbihis at makagawa na ng mga assignments ko at makapagpahinga na rin. 

Hmmmm.. Gusto ko na ulit syang makita. Hindi ako titigil sa kakasakay sa bus na yun hangga't hindi ko siya magiging close o friend man lang. Iniisip ko habang nagbibihis ako at nagtotoothbrush. 

Gumawa na ko ng assignments ko kasi madami pa 'to eh... mas maganda nang matapos ko to nang maaga para makapagpahinga na rin ako agad. *buntong hininga ng malalim* Kakapagod naman sa utak =_= Dagdag pa SIYA sa iniisip ko. Hindi ko SIYA maalis sa isipan ko nalaglag pa sa puso ko kaya ang lakas ng kapit. HAHAHAHA! Ang corny ko XD Matapos na nga to! 

Basa*

Solve*

SIYA habang nakatingin sa labas ng bus* Aist! hindi ako makapagcontrate. 

Basa*

Solve*

Basa*

Solve*

Solve*

Solve*

SIYA habang may iniisip ng malalim.* waaaaaaahhhh!! CONCENTRATE. CONCENTRATE. CONCENTRATE!!

Malapit na kong matapos heheehe.. kahit nasisingit SIYA,. :)

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Natapos ko rin sa wakas!!! *unat ng kamay* makakatulog na rin ako. hehe.

.

.

.

.

.

Nakahiga na ko ngayon sa aking kama at nag iisip. :) Hanggang sa nakatulog na  ko kakaisip.. 

AlaalaWhere stories live. Discover now