18

6 3 0
                                    

klea my bff🌻💛

7:32 am

happy birthday my bff!🥳🎊 You're officially a 12-year-old.
you're like a sister to me already, since parehas naman tayong only child lol
please enjoy your day today, and wish ko na pumunta ka na ulit dito sa house since palagi ka na lang na sa house nila mavi

salamat klea!🥰💜
I love you so much my bff!💜

I love you always lauvi😘💖
saan ka nga pala magcecelebrate mamaya?

hindi ako magcecelebrate
tsaka may trabaho si mama ngayon

alam naman ni tita na birthday mo ngayon☹️

ayos lang klea
nakakahiya rin kung aabsent si mama sa trabaho

dapat man lang sinabi ni tita kay tita adrienne😕

hayaan mo na
ayaw ko maging pabigat kay mama
lalo na't lagi siyang pagod pag umuuwi

gusto mo pa rin ba na icelebrate yung birthday mo?

syempre naman klea

I'll tell mommy then
you can celebrate your birthday sa house namin kung gusto mo
you know that you're always welcome here

maraming salamat, pero hindi na kailangan
sapat na sakin na binati mo ako ngayong birthday ko
at nagpapasalamat ako dun

sure ka talaga lauvi?☹️

oo klea
salamat ng marami bff!🥰💜

you're always welcome my bff!😘💖

🎸 🧁 🎸 🧁

mama🌷💗

7:38 am

Lauviern anak ko happy birthday anak!🎉🎂🥳 Masaya ako na malungkot kasi lumalaki ka na anak. At pasensya na anak dahil maaga ka namulat sa mga nangyayari sa buhay natin, alam kong nahihirapan ka rin anak ko. Makakaraos din tayo sa pinagdadaanan natin, pangako yan anak. Mag aral ka ng mabuti anak, at piliin mo lagi yung magpapasaya sayo basta't alam mo na tama ang pinili mo. Lagi lang ako nandito para suportahan ka anak!😘 Mahal na mahal kita palagi anak ko💝🥰

mama maraming salamat po🥺💜💜
mahal na mahal po kita palagi mama🥰
salamat po sa walang sawang pag aalaga at pagmamahal mo po sakin ma💜

Hindi mo ako kailangan pasalamatan anak
Mahal na mahal din kita palagi Lauvi💝😘
Pumunta ka na rito sa bahay nila Mavi, pinaglutuan ko kayo ng almusal dito

papunta na po ako ma
maganda po kasi sa pakiramdam maglakad sa umaga
kaya hindi po ako sumakay ng tricycle papunta po jan

Sige anak magingat ka papunta

opo mama

Strings of Melodic Fondness Donde viven las historias. Descúbrelo ahora