Chapter Two

15 0 0
                                    

---

Yes, I'm not against homosexuality. But the problem here is... straight ako! I'm a straight man and I truly liked girls! I'm only interested in girls! Oh my god!

---

Chapter Two

Pagkatapos nang pangyayari, hindi na ako nagkalakas ng loob na magpakita sa Hari.

Hindi ako lumabas ng silid. Mabuti nalang din at medyo busy ang Hari at nagpaalam na hindi raw muna siya makakabisita sa silid ko. That's a good thing though.

Nakatayo ako ngayon sa bintana at nakatitig sa labas ng palasyo. Malaki ang palasyong ito, katulad ng mga palabas sa telebisyon at sa mga librong piksyon.

Halatang nasa mataas na parte ng palasyo ang silid ko. May mga kawal din akong nakikitang naglilibot at nagbabantay at mayroong napakataas na pader na siguradong mapapagod ka sa kaka-akyat bago mo pa maabot ang ibabaw.

I was still thinking. How did I transmigrate? The last thing that I remembered was... I was on my room. At kakatapos ko lang maglaro nun sa computer ko and then... nakita ko yung blankong libro sa likod ng computer... tapos... tapos bigla nalang may liwanag na lumabas doon. Is that the reason why I'm here? O baka nananaginip lang ako. Pero hindi, ilang beses ko nang sinampal at inuntong ang ulo ko sa pader kanina pero wala eh. Sakit lang yung nadanas ko.

What the? Uso pa ba 'to? Transmigration rather than reincarnation? Karamihan sa mga anime na pinapanood ko reincarnation ang nangyayari eh. The difference between the two is if you were reincarnated, there's still a possibility na maalala mo ang past life mo and it is either you'll be reborn in the body of your descendant or you're soul would be brought to a different world. The transmigration is bigla ka nalang masasalin sa katawan ng ibang tao sa ibang mundo, just like what happened to me. Reincarnation happens when you're already dead but I'm not dead yet in my original world. I just triggered something that caused me to transmigrate o baka ang may ari ng katawan na to ang may na-trigger na naging dahilan ng pag transmigrate ko. Then... what happened to my body in my world? Nagkapalit ba kami ng kaluluwa ng may-ari ng katawan na 'to?

Damn it, my head hurts from thinking. This is beyond unbelievable, sa totoo lang. No one would believe me kapag sinabi kong natransmigrate ako sa mundong ito. This world is too different from my world. Moderno lahat doon samantalang dito, parang dating panahon pa. I mean look... these places still exist. The king, the kingdom, the palace and so on.

I heaved a long sigh after thinking, "Damn, kailangan kong makabalik doon. I need to do something. Pero hindi naman pwedeng magpahalata ako dito, maaari akong mamatay bago pa makabalik sa mundo ko."

I tried to look at my room. See, everything is antique and old-fashioned.

I was about to move back to my bed when the big door of my room opened.

"Mahal na Prinsipe," isang kawal ang bumukas ng pinto at nakayuko.

Napakunot ako ng noo, "Bakit?"

"Nandito po ang Mahal na Prinsesa at gusto kayong bisitahin. Papapasukin ko ho ba?" tanong nito habang nakayuko parin.

Prinsesa? Who? Heto ba yung sinasabi ng Hari na kapatid ko?

Shit! Wait! Hindi pa ako handa. Bigla akong kinabahan.

"U-uh... Let her in, then." Sinubukan kong kumalma at sumagot ng medyo matapobre. How should I act towards her? Should I show hostility? Malamig ba ang pakikitungo ng may-ari ng katawan na ito sa kapatid niya? The King said so. Ah! I don't know anymore!

After a while, a beautiful lady with a long green gown entered the room. Naka tirintas ng isang pares ang kaniyang buhok na kulay kayumanggi. Maputi siya at makinis. Her eyes were also brown, matangos ang ilong at kilay na hindi naman gaanong kakapal. Ngumiti siya sa akin na siya ring paglitaw ng dimples niya. It added an appeal to her mesmerizing appearance. A real Princess. Damn. I'm seeing it. Ganito ba kaganda ang mga prinsesa sa mga librong piksyon? Truly beautiful.

CLOAKED IN ROYALTYWhere stories live. Discover now