6.

2.5K 62 0
                                    

"Hon.. wakeup. Dadaong na tayo in half an hour." Natatawang ginising ni Lucas ang asawa. Pagod na pagod kasi ito. Hahalikan niya sana ito sa noo ng bigla syang yakapin nito at halikan sa labi.

"Lovebirds!" Naputol ang halikan nila ng marinig ang boses ni Julia na nuo'y kumakatok na. Ready na ito. "Nandyan na!" Kiniliti pa ni Lucas si Gemma kaya napilitan na itong bumangon.

Di nagtagal ay nasa daan na sila. Magkatabi ang magasawa sa harap habang si Julia naman ay nasa likod nila at abala sa kakaselfie. "Hon wala ba tayong nakalimutan?" Tanong ni Lucas.

Nilingon naman ni Gemma ang mga daladala at kinumpirma na nadala naman nilang lahat. "Papa Lucas, san nga ulet yong place mo?"maarteng tanong ni Julia. "San Bartolome. Dun ako pinanganak pero si Papa ang talagang lumaki dun. After a few months ng pinanganak ako lumipat na silang Manila."

"So hindi ka lumaking talaga sa lugar niyo Hon?"si Gemma. Umiling naman ito."..been there like a couple of times pero not really. Eto nga at kailangan pa tayong magtanong tanong. I dont really know the place anymore." Natatawang sabi nito.

"Ay ano ba yan! E pano kung maligaw tayo Hon?"nakasimangot na sabi ni Gemma. Natatawang kinuha naman ni Lucas ang kamay ng asawa para halikan."You got me here. Hinding hindi kita papabayaan." Namula naman si Gemma.

Umikot lang ang mata ni Julia. Well, he's happy at okay na ulit ang dalawa. Ayaw niya nang ungkatin ang kung anuman ang nagpabagabag dito the last few years. Sabi nga ni Gemma.. ituring nalang daw nila na para silang nagka lover's quarrel..

"Ilang beses palang talaga ako nakapunta dito as far as I remember around three palang. Naisip ko na kailangan natin ng ganitong ambiance hon, malay mo dito na tayo makabuo. Saka magugustuhan mo kasi maganda talaga yung lugar. " proud na pagbibida pa nito.

BLAGGG! "Ano yun?!?" Halos sabay sabay nilang sabi.

Galit ni ClarissaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon