Yes si Reemas wala ng iba. Wala siyang suot pantaas. Kitang kita ang mga hulmado niyang ABS...bigla akong napa Wow! Papa P kaw ba yan? in silence.

Alam ko naman na gwapo siya noon pa man pero self dapat hate mo siya wag mong e appreciate nakow be consistent gurl!. Bakit kaya biglang nagbago ang paningin ko sa taong ito? Kung dati'y manyakis ba't ngayon hotness overload na.

"No! Di pwede to! Florenz kagigising mo lang kaya ka nagkakaganito!" Nasabi ko sa sarili at Nagmamadali na ako papunta kung saan ng di ko namalayang may bato sa dinadaanan at natapilok ako.

"Aaaa araaaayyyyyy" Ang tanging nasambit ko. Nagulat ako ng biglang may humawak sakin at kinandong ako. Mas lalo na ng malaman ko kung sino.

"Bitawan mo nga ako ok lang ako." Medyo galit na sabi ko.

"Talaga? ok ka lang ba talaga? Pwede kitang dalhin sa clinic o hospital. " Tingin ko ay sincere naman ito. Pero tinitigan ko lang siya ng masama kaya dahan dahan niya akong binitawan.

Ngunit ng pagtapak ko sa lupa ay napa aray na naman ako kaya kinarga niya ako ulit at wala na akong nagawa ng dalhin niya ako sa malapit na clinic.

Iniwan niya ako saglit habang tinitignan ako ng doctor ng resort. Nang bumalik ito ay kasama na niya sina Vieve at ang asawa nitong si Dan na nagpaiwan naman sa kotse.

"Anong nangyari saiyo akala ko natutulog ka pa?" Pag alala nito.

"Aalis na sana kaninang madaling araw kaso nakatulog ako ulit. Akala ko rin kanina umalis na kayo kaya nagmamadali ako saka may trabaho pa diba...ayun natapilok" sambit ko.

"Naku pasensiya na di kita ginising kanina kasi ang sarap ng..." Di na natapos ni Vieve dahil may sumingit.

"Ahem...ahem... hello may iba pong tao rito" . Singit ni Reemas.

"Naku pasensiya kana Reemas anjan ka nga pala. Ahmmm siyanga pala naaalala mo pa si .." buti na lang at di na nasambit ni Vieve ang name ko dahil sumingit na naman si Reemas.

"Lelith right? Naalala ko na kung san kita nakita kaya ka pala pamilyar sakin. Siguro di mo na ako maalala kasi lima kami nung kumain sa pinagtrabahuan mong restaurant. Pero ako naalala kita. Dun kapa rin ba nagtatrabaho kasi kumain ako minsan dun di kita nakita. I did not expect to see you here." Paglilitanya nito.

"Ahhhhhh" . Sabay na sambit namin ni Vieve at nagkatinginan kami. Buti na lang at yon ang naalala niya. Bigla kong hinila si Vieve.

"Ah nice meeting you Reemas right? Kami kasi ang nag cater sa inyo kagabi. And thank you pala sa pagtulong mo sakin. Pasensiya na sa abala. May pag -uusapan lang kami ni Vieve saglit kung ok lang" . Medyo pagtataboy ko rito.

"Oh sure no probs mukhang ok kana naman. And hinahanap na ako siguro ng tropa. Anyway if you need me you know my number naman Vieve diba so call me when needed ok? Sige I have to go". At nakahinga na ako ng matiwasay ng makaalis na ito.

"Nong drama mo ha ...Lelith? Dimo naman ako na inform na nagpabinyag kana pala ulit." Pang-uukray ni Vieve.

"Hay naku mahabang istorya mamaya ikukwento ko. Buti nalang di niya talaga ako maalala. Thank You Lord!".

Pero diko rin napigilan si Vieve sa pangungulit. Nang makabalik na ako sa kwarto ko kanina ay nakwento ko na kay Vieve ang pagtatagpo namin ni Reemas.

"Bruha ka ba't wala akong kaalam alam ha?". Tanong nito.

"E kasi naman po busy akong tao taz akala ko di na kami magtatagpong muli. Pero alam mo mabuti narin yon at di niya ako nakilala." Pagkukumpisal ko.

"E sino ba namang makakilala saiyo e ang laki ng pinagbago mo. Naalala mo nung una kitang nakita after you transformed,? Diba di rin kita nakilala. Pero seriously Flong di kapa rin ba nakapag move on sa mga nangyari noon?" Seryosong turan nito.

"Never Ving. Never!" Pagtatapos ko sa usapang yon.

Iniwan ulit ako ni Vieve para makapagpahinga. Tinawagan ko na lang ang katiwala ko na di na muna ako makakapasok. Pinauna ko nalang ang mga staffs ko. Di na ako sumabay sa dala naming van.

Napagpasyahan kong antayin sina Vieve at sasabay nalang ako sa kanila. Diko mapigilang isipin si Reemas. Bakit ba pumasok na naman siya sa isip ko.

Sa wakas ay nagyaya na ring umuwi ang mga ito. Malas naman at nasiraan ng sasakyan sina Vieve at pinagawa pa sa shop. Mukhang matatagalan pa daw.

"May problema ba?" Biglang sumulpot si Reemas.

"Naku Reemas our savior hulog ka ng langit. Kanina pa kami nagtatalo kasi nasira yong dala naming sasakyan. Napagpasyahan naming bukas na umuwi. Kaso kawawa naman tong disabled kong friend. Atat na atat pa namang umuwi "

My lips parted. Wow naman...Wala akong nasabi sa tinuran nito.

"Yon lang ba? Ako wala akong kasabay...Sina June may kanya kanya namang kotse. Ok lang sakin may kasama. I can give a free ride." Pag aalok nito.

"Ganun ba naku di namin tatanggihan yan!. Ok Fl...este Lelith mauna kana wag mo kaming alalahanin. Ok ingatan mo siya Reemas huh bye..." Sabay tulak sakin papasok sa kotse nito. Muntikan pa akong masubsob.

"Aray!. Hoy teka lang... ok lang sakin kung bukas pa ako makakauwi kasabay niyo Vieve. Really". I was trying to walk away.

"Tong friend ko talaga nahiya kapa. I know how you really value your work kaya you should go with him na. Ito mga gamit niya Reemas oh pasuyo nalang huh.Thanks bye! Inaantay na ako ni Dan. Ingat kayo sa biyahe".

Hinalikan ako ng traydor kung friend saka nagmamadaling umalis. Wala na akong nagawa.

"Ahmmmm... Lelith halika na. Kaya mo na bang maglakad ? Pwede kitang kargahin." Alok nito.

"Naku wag na. I can manage ." Pero pilit parin niya akong inalalayan hanggang makapasok sa magara niyang sasakyan.

Habang nasa loob na kami ng sasakyan ay panay tanong niya sakin. Ang dami kong naimbentong mga sagot muntik pa nga akong mabuking sa iba kaya kunwari nagtulog tulogan na lang ako hanggang sa nakatulog nga ako.

Nang magising ako ay nakita ko siyang nakatitig sakin. Sobrang lapit ng mukha niya sakin kagaya nung nasa panaginip ko. OMG! Hahalikan ba niya ako? Bakit parang gusto ko? Bigla akong napapikit nang biglang...

"Ahmm... Lelith oh tissue. Kanina pa kasi...". Di niya matapos sabihin na may muta at tumutulo ang laway ko kaya senyas niya nalang.

NAKAKAHIYA! Bigla kong hinablot ang tissue at nagpahid.

"Wag kang mahiya it happens you know. Siyanga pala kanina pa tayo Andito sa may Cubao . Di na muna kita ginising ang sarap kasi ng tulog mo. Bumili pala ako kanina ng makakain baka nagugutom kana? Kumain ka muna bago kita ihatid sa inyo. San kaba nakatira?" Mahaba niyang turan.

Biglang nagpanting ang tenga ko ng banggitin niya kung san ako nakatira. Para akong na ice bucket challenge. Bigla kong binuksan ang pinto ng sasakyan niya at lumabas.

"Ah.... hanggang Dito na lang ako. Salamat sa pagsabay sakin. Sige bye ingat!" At mabilis akong umalis walang lingonan kahit paika ika.

***
A/N:

Nakatapos na naman ng isang chapter. Thank You Lord Jesus!

What do you think about this chapter? please let me know by commenting down below

Amping pirme! Ingat!

When love and hate conniveМесто, где живут истории. Откройте их для себя