CHAPTER THREE

6.2K 167 6
                                    

ANIMO kasimbilis ng cheetah na lumapit si Amber sa bagong dating na si Charlie. Natisod pa siya pero maagap na nasalo siya nito. Nakaramdam kasi siya ng pagkahilo ngunit kaya pa naman niya ang sarili. Nasa tamang huwisyo pa siya.

Simpleng white long-sleeved polo at itim na pantalon ang suot nito pero exceptional pa rin ang kaguwapuhan nito. Iyong mag-i-stand out pa rin sa gitna ng maraming tao.

Nakakunot-noong tinitigan siya ni Charlie na tila inaalala kung sino siya. Sinipat siya nito mula ulo hanggang paa. He seemed to be enchanted.

"Uy!" Pumitik siya sa tapat ng mukha nito. "Bakit ganyan ka makatingin sa akin? Naengkanto ka?" pukaw niya rito. Hindi kaya niya nagustuhan ang outfit ko kaya nabigla siya? Oh, no! Bawas ganda points ito sa akin. Sinasabi ko na nga ba. Hindi na lang sana ako nagsuot ng ganito. I'm doomed!

Kumurap ito, saka umiling. Walang salitang nilampasan siya nito. Lumapit ito kay Dustin na masayang nakikipagkuwentuhan sa mga kaibigan niya.

Wala siyang comment. Hindi tumalab sa kanya ang pagpapaganda ko. 'Saklap!

Nakabusangot na sinundan niya ito.

"Pare, happy birthday," narinig niyang bati ni Charlie sa pinsan. "Hmm, nice party. Pasensiya ka na kung ngayon lang ako dumating. May tinapos pa kasi ako sa opisina."

"It's okay. Thanks," ani Dustin, saka binigyan si Charlie ng isang baso ng alak. "Ikaw naman kasi. Masyado kang absorbed sa trabaho. Sigurado namang sa 'yo pa rin mapupunta ang posisyon ng CEO, eh."

"You know Dad. Masyadong strict. Kahit anak ka pa niya, pahihirapan ka pa rin niya. Kaya ako, hinding-hindi ko aatrasan ang challenges na ibinibigay niya sa akin. I'll prove to him that I deserve to take over the company."

"That's why I wouldn't want to be in your shoes. Nakaka-stress."

Charlie grinned. "Hindi ka pa rin talaga nagbabago, pare."

"Huwag mo akong itulad sa 'yo, 'no. Anyway, pansinin mo naman si Amber. Kanina ka pa niya hinihintay. Ang ganda niya, 'di ba?" Dustin winked at her.

Nginitian niya ito.

Saglit na tinapunan lang siya ni Charlie ng tingin. As usual, snob pa rin ito sa kanya. Napalis ang ngiti niya. Nanlumo siya. Mabuti pa ang pinsan nito, marunong mag-appreciate. Manhid talaga ito.

Mayamaya ay niyaya ni Dustin si Julietta na sumayaw na ikinagulat ng huli. Ganoon din si Nicoletta na nakatagpo ng bagong kaibigan. Naiwan silang dalawa ni Charlie sa couch. Mukhang wala itong balak na kausapin siya kaya umisod siya palapit dito.

"I miss you, Charlie. Dalawang araw rin tayong hindi nagkita," malambing na sabi niya rito, sabay kawit ng isang braso sa braso nito.

Inalis nito ang kamay niya. "Dalawang araw ring natahimik ang mundo ko. Keep it up." Inisang-lagok nito ang natitirang laman ng alak sa baso.

"'Sungit."

Hindi ito sumagot.

"I have an idea. Alam ko kasing hindi mo ako yayayaing sumayaw. Let's just have a contest. A drinking contest. Ano, game ka?" hamon niya rito.

"Ayoko. I don't have time for silly

games

. Uuwi na ako."

"Ha? Wala ka pa ngang thirty minutes dito, aalis ka na agad?"

"May kakatagpuin akong importanteng kliyente bukas ng umaga. Hindi ako puwedeng mapuyat. Baka ma-late ako. Dumaan lang ako rito para batiin si Dustin at para hindi nakakahiya sa kanya. Nasabi ko na rin ito sa kanya bago ako dumating dito. Wait. Bakit ba ako nagpapaliwanag sa 'yo? Excuse me." Akmang tatayo na ito.

FOR THE LOVE OF CHARLIE ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon