CHAPTER ONE

18.5K 271 23
                                    

"CHARLIE accepted my friend request on Facebook! Ahh!" tuwang-tuwang tili ni Amber pagkakita niya sa notification ng profile niya sa Facebook. Kasalukuyan siyang nakiki-Wi-Fi sa isang coffee shop kasama ang dalawang matalik niyang kaibigan.

"Psst, Amber. Hinaan mo nga 'yang boses mo. Pinagtitinginan tuloy tayo ng mga tao. Nakakahiya," pabulong na saway sa kanya ni Nicoletta. Luminga-linga ito sa paligid.

Hindi niya ito pinansin. Okay lang na pagalitan siya nito, sobrang saya naman niya. Wala siyang pakialam kung pagtinginan siya ng mga tao at mapagkamalan siyang nababaliw. Gusto niyang ipahayag ang sayang nararamdaman niya. Sabihin nang mababaw ang kaligayahan niya pero walang sino man ang makakasira sa magandang mood niya.

"OMG! Super O-M-G! Ang matagal ko nang inaasam na mangyari, sa wakas ay natupad din. I just can't help but scream. I've waited so long to have him accept my friend request on Facebook. Grabe! Ang saya-saya ko. As in!" nagha-hyperventilate na bulalas niya. Pinunasan niya ang imaginary tears niya, saka sunod-sunod na tumili. Naipukpok pa niya ang dalawang kamay sa mesa. Maagap namang nasalo ng isa pa niyang kaibigang si Julietta ang mga basong walang laman nang gumulong ang mga iyon sa ibabaw ng mesa.

"My God, Florence Amber. Shut your big mouth up! Maghunusdili ka. Baka madagdagan ang babayaran natin dito sa coffee shop. Muntik nang mahulog itong mga baso. 'Buti na lang, magaling akong sumalo," saway ni Julietta sa kanya pagkatapos nitong maiayos ang mga kawawang baso.

"Ano ka? Siya lang ang magbabayad ng mga nabasag 'pag nagkataon," pakli ni Nicoletta.

Nag-peace sign siya sa mga ito at sa mga customer na nabulabog niya. "Sorry. Hindi na ako sisigaw. Happy lang kasi ako, eh. Pagbigyan n'yo na ako." Nangangarap na tumingin siya sa asul na langit. "Lord, thank You po. Blessing po ito." Makakapag-stalk na rin ako sa day to day life ng tunay kong pag-ibig. Yay! Humagikgik siya.

"Oh, please, Amberdita. First year college pa lang tayo no'ng padalhan mo ng FR si Charlie. Eh, Diyos ko, 'day, two years na tayong graduate sa college pero ngayon lang niya in-Accept? Unbelievable!" umiiling-iling na sabi ni Julietta.

"Hindi ka namin masisisi kung talagang napakasaya mo ngayon. Years ang hinintay mo bago niya naisipang i-Accept ang nilulumot mong pangalan sa list of pending for approval niya. Naawa na siguro sa 'yo si Charlie kaya pinagbigyan ka na lang niya. Sorry na lang siya at ang makulit niyang manliligaw ay may pagkakataon nang istorbuhin ang nananahimik niyang profile. Poor him." Pumalatak si Nicoletta, sabay tawa.

Charlie Dale Santiago had been her ultimate crush since college. He was a campus heartthrob. He possessed charms that could make a girl's heart go crazy. At isa na siya roon. Para sa kanya, ito na ang pinakaguwapong lalaking nakilala niya sa balat ng lupa. Agad niya itong nagustuhan nang minsang iligtas siya nito sa dalawang pangahas na goons na lumapit sa kanya noong gabing wala siyang sundo sa school at kinailangang mag-commute. It was infatuation at first sight. Hindi man lang ito napuruhan nang makipagsuntukan ito sa mga goons, bagay na ikinabilib niya. Para siyang nasa action movie at ito ang prinsipeng magliligtas sa kanya sa kapahamakan.

Kumaripas ng takbo ang dalawang ungas na parehong bugbog-sarado. Nadapa pa nga iyong isa sa sobrang pagkataranta at takot. Pagkatapos ay niyakap siya ni Charlie upang patahanin siya sa pag-iyak. Sa totoo lang, ang amoy nito ang nakapagpatigil sa mga luha niya. Ang bango-bango nito.

Inihatid siya nito sa bahay nila sa isiping baka balikan siya ng mga goons. Nagpasalamat siya rito at nagpakilala. He saved her from danger at habang-buhay niyang tatanawin iyong utang-na-loob dito.

Mula noon ay hindi na ito nawaglit sa isip niya. Maraming beses din niya itong napapanaginipan sa gabi. Kinikilig siya tuwing nagpe-playback ang eksenang iyon sa isip niya. Ang sarap kasing balik-balikan iyon. Ang sarap isiping may isang guwapong tulad nito ang nagligtas sa isang cute na katulad niya.

FOR THE LOVE OF CHARLIE ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon