September 19, 2014.
Masaya. Hindi ko malilimutan yung saya na naramdaman ko nung araw na yun. That was the day na naging kami nung lalaking crush na crush ko ever since. Yung taong tinuturing ako na "kafated", sa wakas, naging kasintahan ko rin. Sobrang saya. I consider it as one of the happiest moments of my life. It felt surreal. Kahit yung nanay ko, support na support nung naging kami. Ganun rin sa family niya. Masaya, lahat. Niraos namin yung studies together, and naka-graduate rin nung Marso.
2015. Though we have to part ways dahil sa college, hindi pa rin nawala yung connection namin. Madalas pupunta siya sa dorm ko since sa Maynila ako nag-take ng Nursing, while Lance took engineering sa school namin dati. Bale di na siya umalis dun. Aminado ako, nahirapan ako sa relasyon namin. It's fun kasi you're with the person you always loved, pero nandun pa rin talaga yung hirap to keep that person. Tumagal kami ng months, alam ko sa sarili ko na masaya pa rin ako. Si Lance na yun e, ang pinangarap ko ever since.
2016. Putanginang taon 'to. Sorry for the word. Pero alam nyo, kung pwede lang i-skip ang 2016, I already did. Second year college. Nadama ko na yung pagka-stress ng sobra kaysa last year. Nawalan ako ng connection sa kanya since naging busy siya plus nanakaw pa phone niya. Dinaig pa ko, ako yung taga-Maynila ang school pero di ako nanakawan. Joke. Pero ayun, ang hirap. Halos twice a week ko lang siya makausap. Minsan nga di na talaga e. Yung twice a week, twice a month nalang siguro? Haha basta tangina. Di na nga yun dumadaan sa dorm ko eh. Wala daw siyang pamasahe kasi sariling pera gamit niya sa materyales para sa course niya. Naintindihan ko naman. Yun nalang ginawa ko, intindi. Minsan, ako nalang pumupunta sa alma mater ko para lang makita siya. Pero alam mo yun, hindi na kami tulad ng dati kung magsama.
Yung mga mahabang lakad kung saan-saan, nagiging lakad nalang papunta sa pila ng jeep para makauwi na rin ako sa dorm. Yung mga panonood ng dance tutorials noon sa phone niya, nagiging pabigat niya lang sa phone kaya dini-delete niya na para ma-install niya yung mga ibang apps/games. Yung "Never Let Me Go" na theme song namin na lagi kong kinakanta sa kanya, wala na. Ayaw niya na pakinggan. Umay na daw siya. Next song naman daw. Alam kong nag-iba na lahat, pero diba dapat importante pa rin to sa amin? Sa kanya? Ewan ko lang. Mahalaga pa rin kasi sa akin lahat eh. Siguro ako yung problema. Masyado ko kasing pinapahalagahan lahat. Akala ko maganda yung ganun, hindi pala. Masakit. Sobrang sakit.
2017. Third year college. Second semester, tinawagan ako ng mama ni Lance.
"Hello Maui anak, si Mama Beh ito"
"Bakit po Tita?"
"Ah, eh kasi ano, si Lance, di na umuuwi sa bahay simula nung bumagsak siya last year"
Hindi ako umimik.
"Maui, nak, di mo pa ba alam?"
"Ano po yun?"
"Hindi na nagseseryoso sa pag-aaral si Lance, panay bagsak na yung mga grado niya, puro nalang siya barkada tapos billiards. Maui, di ko talaga alam kung bakit 'to nangyayari sa kanya eh. Nagkakalabuan na ba kayo? Baka kasi yun yung rason kung bat niya sinisira buhay niya..."
"Tita, ako na po bahala kay Lance." Iyon na lamang ang nasabi ko sabay end ng call. Hindi ko na talaga alam ang nangyayari kay Lance. Akala ko okay siya. Akala ko okay ang pag-aaral niya. Akala ko okay kami. Hindi ko alam kung saan ko siya sisimulan na hanapin pero sinimulan ko agad ang paghahanap sa kanya.
Ilang tawag na at texts ang ginawa ko pero walang nagrerespond. Cannot be reached ang laging response ng carrier. Pumunta ako dun sa alma mater namin at tinanong ko siya sa mga kaibigan at kaklase niya.
