Treasured Memories ||

0 0 0
                                    

Days past and we're happy but I can feel that there's something wrong.

Mas naramdaman ko ang pagiging clingy ng asawa ko sa'kin na 'yung tipong nakayapos lang siya sa'kin na para namang mawawala ako, na halos hindi na kami makakain dahil gusto niya sa kuwarto lang kami habang magkayakap.

Kahit naninibago ako sa kilos niya ay hindi ko na lang kinompronta dahil pabor naman sa'kin ang paglalambing ng asawa ko.

Maaga akong gumising ngayon dahil anniversary na namin at gusto kong umpisahan na magluto ng mga handa para mamayang pagdating nila ate ay may makakain na.

Nagpresinta rin sina ate na sila na raw ang bibili ng cake para hindi na ako mahirapang mag bake.

" Love bihis na tayo, mayamaya ay nandyan na sila ate " aya ko sa'king asawa.

I wore my above the knee sleeveless white dress and paired it with white pumps. While my husband is wearing his barong that he wore on our wedding day na siyang ipinagtaka ko.

" Come on. Baka nandyan na sila, and by the way, my wife is so gorgeous " saad niya habang ang kaliwang braso niya ay nakaalalay aa baywang ko, hindi ko tuloy maiwasang pamulahan dahil sa sinabi niya.

" My husband is so handsome also!! " I exclaimed.

"Happy 5th anniversary my love!! "
I greeted him but he just gave me a painful smile.

"Nasa kusina na 'yung cake
Shine " bungad ni ate pagkababa namin.

"Thank you ate, tara na sa kusina para makakain na tayo baka gutom na rin ang mga bata " nanguna ako sa paglalakad habang kibin ko si Zuhaire.

Excited kong inilabas ang cake sa lalagyan nito pero halos matulos ako sa kinatatayuan ko nang mabasa ang naka-imprinta sa cake.

" Ate iba yatang cake 'yung nakuha niyo, hindi yata ito 'yun " natatawang ani ko.

" Tama 'yan Shine " malamlam ang matang saad niya.

" A-anong tama e h-hindi na- "

" -Shine please... " pagputol nito sa sinabi ko.

" Ate b-bakit naman g-ganito!?! "
naluluhang tanong ko dahil sa halip na ' Happy 5th anniversary Love ' ay ' 2 years in heaven, 2 years without you' ang nakalagay.

" Shine tanggapin mo na.... Dalawang taon ng p-patay ang a-asawa mo " humikbing saad ni ate.

" A-anong p-patay ang p-pinagsasabi mo?! Buhay ang a-asawa ko!! " sigaw ko.

" Shine naman... "

" Umuwi na muna kayo, umalis na kayo!! " pagtataboy ko sa kanila. Agad din namang inalalayan ni kuya Luke si ate palabas ng bahay.

Pagka-alis nila ay agad kong hinarap ang asawa kong ngayo'y nasa sala na.

" Love, pasensya ka na kay ate ah? " saad ko habang pilit na ngumingiti.

" Wife your sister is r-right, y-you should l-let go na love" he said. But there's only two words that I understood, and it's 'LET GO '.

I don't underatand why is he telling me those things and... I think I will never want to understand it anymore.

" I-It's been two years since that a-accident happened kaya t-tama na mahal ko, let go of the past na... G-gusto ko na ring magpahinga at a-ayaw kong nakikitang nahihirapan ka " tuluyan na akong napahagulgol nang bumalik ako sa reyalidad.

Realization hits me.....

Kaya pala gano'n nalang ako pagbulungan at pagtawanan ng mga taong nakakakita sa'kin sa tuwing lalabas kami dahil para akong baliw na nagsasalitang mag-isa.

Kaya pala gano'n nalang 'yung takot sa'kin nv mga anak ni ate,
kaya pala ganito ang suot niya dahil hindi lang niya ito isinuot noong kasal namin maging sa kanyang burol ay ito rin ang suot niya at ang iniisip kong anniversary namin ay death anniversary pala niya.

Two years ago ay bumangga ang sinasakyan niya sa isang malaking truck at nahulog ito sa bangin na siyang ikinamatay niya pero hindi ko matanggap dahil hindi ko kayang wala siya sa tabi ko, hindi ko kaya kase masyado na akong nakadepende sa kanya.

" P-pero love h-hindi ko kaya, hindi ko k-kayang w-wala ka " saad ko habang nakayakap at umiiyak ako sa kanya.

" Love k-kaya mo, kayanin mo para sa a-anak natin. Please k-kailangan ka rin niya hmn? " biglang pumasok sa isipan kong may anak kami.

" Nasaan ang anak natin, g-gusto ko siyang m-makita. Sorry h-hindi ko siya n-naalagaan, sorry,
sorry..." paulit-ulit kong paghingi ng tawad.

Napaka-pabaya kong ina, hindi ko man lang naalala na may anak kaming nangungulila rin at kailangan rin ng pagmamahal at aruga. Ang makasarili ko.

" He's under your sister's c-care, remember his name? Y-you choose that name for him " I suddenly remember.

Zuhaire, yeah it's Zuhaire!!

" K-kaya pala ang gaan-gaan ng pakiramdam ko sakanya, kaya pala k-kamukha mo siya dahil a-anak natin siya " si Zuhaire anak ko siya, ang baby ko!!

He's just two year-old when my sister decided to take care of my son for the mean time because that time I coudn't even take care of myself.

" Mahal na m-mahal ko kayo ng anak natin a-asawa ko, p-puwede bang ihingi mo na lang ako ng tawad kay Zuhaire, sa anak natin, kase hindi man lang niya n-nakasama ng matagal ang d-daddy niya? " tanong niya na paulit-ulit kong tinatanguan.

Alam kong ito na ang huli at kailangan kong tanggapin para kay Zach at sa anak namin.

" Alam kong maiintindihan 'yon ng anak natin, bibo kaya ang baby natin at alam kong mahal na mahal ka rin niya." I told him while my face was wet with my own tears.

" Love pasensya na kung umabot ng ilang taon bago ka tuluyang mamahinga, sorry dahil ang selfish ko p-pero love o-okay na. K-kakayanin ko para sa a-anak natin at pangako, n-no man a-after you kundi si Zuhaire l-lang. I will be f-forever your M-mrs. Deuthine S-shine Mariano- De Silva, I-i will forever treasure o-our memories. Sana sa s-susunod na b-buhay natin maging m-masaya na t-tayo at m-mabuo na tayo.. " ang sakit sakit sa pakiramdam na palayain siya pero gusto na niyang magpahinga at sino ba naman ako para hindi tuparin ang kahilingan niya..

" Kaya mahal ko p-pahinga ka n-na, M-mahal na mahal na m-mahal kita asawa k-ko.... S-susunod ako kapag k-kaya na ni Zuhaire, h-hanggang sa m-muli mahal ko.... " mariin ko siyang hinalikan sa labi bago siya tuluyang mawala sa paningin ko, bago siya tuluyang sumama sa puting liwanag.

" Mahal pangako aalagaan ko ang sarili ko at ang anak natin kaya wala kang dapat pang alalahanin, gabayan mo kami ng anak natin ha? I love you... " bulong ko sa hangin habang nakatingin sa labas kung saan matatanaw mo ang maaliwalas na kalangitan.



END

Thank you po sa mga nagbasa...

Du hast das Ende der veröffentlichten Teile erreicht.

⏰ Letzte Aktualisierung: Apr 23 ⏰

Füge diese Geschichte zu deiner Bibliothek hinzu, um über neue Kapitel informiert zu werden!

Treasured MemoriesWo Geschichten leben. Entdecke jetzt