Yup! That's my name! Hindi ko alam san napulot ng mga magulang ko yang pagkahaba-habang pangalan na yan na kung minsan, di ko na rin mabigkas. Kainis. Kaya, Candace Park nalang pwede?
Eto, napagalitan nanaman, bwisit kasi yung gatas na yun eh, hindi tuloy ako nakapagpasa ng homework sa English. Ang strict pa naman ni Ma'am Lea. Bwisit talaga. Kapag hindi ka active sa klase nya kahit may ma-miss ka lang na activity o homework e pinapatawag agad magulang o kaya naman nagrereport agad. Kainis talaga.
Alam mo yun? Yung pagkauwi na pagkauwi mo sa bahay, kakatapos lang ng misa nung Sunday, may sermon nanaman? Bwisit. Dyan magaling Mommy ko eh, maggala, magtrabaho at manermon. Full package diba? San kapa?!
Though mapagalitan is a bad thing, feeling ko ang sarap sa pakiramdam. Minsan kasi yung panenermon nalang yung way para mapansin ako nila Mom at Dad. Lungkot no? Pero, pwe! Bahala sila sa gusto nilang gawin.
Kung pwede lang sana na walang pakielamanan dito sa bahay na to e kung saan-saan na ko makakarating. Hindi yung Bahay-School lang. Nakaka-uta na kaya.
-----
"We'll be having a visitor later this evening. I want you to be prepared and look fine as possible, okay Princess? Get Yaya Lhin to fix your dress, pick whatever you want, okay?" Sabi ni Dad, nung bisitahin nya ko sa kwarto ko. Nagulat pa nga ako kasi parang once in a blue moon lang sya pumupunta sa room ko.
Well, I do have my privacy but I still want visitors to come and check me. Hindi yung si Yaya Lhin lang palagi, nakakasawa din kaya minsan no. Buti nalang at may visitor kami mamayang gabi. Matagal-tagal na rin na wala kaming visitor dito sa bahay e nung baby naman ako, halos araw-araw may bisita kami.
Unfair naman. Utak talaga ng mga tao, oo. Di ko talaga maintindihan. Porket lumaki lang kelangan di na bibisitahin? Anu akala nila nung baby ako, di na ako lalaki tulad ng trato sakin ni Yaya Lhin? Hay buhay. Palibhasa minor pa kasi ako.
Dahil excited na ko for later, hinanda ko ng maaga yung mga dress na susuutin ko, dahil kung sa walking closet ako mamimili, baka hindi ako matapos. Kaya naglabas nalang ako ng 5 dress.
"Yaya Lhin! What do you think is the most presentable?" Sabi ko kay Yaya Lhin habang tinapat ko sa kanya yung mga dress. "Yung pink, para cute baby.." Eww. Ba't nga ba kumuha pa ko ng pink, no choice tuloy. Dahil ako naman magsusuot, yung Black nalang yung sinuot ko.
Taste ko kasi Korean fashion, I have a thing for korean idols kasi e. Fangirl din kaya ako no. Hindi naman ako sobrang naiiba sa ibang girls. Kaya yay me!
-----
Habang pababa na ko sa napakahaba naming hagdan, naisip ko na bakit hindi sila nagpagawa ng elevator dito? Ma-suggest nga minsan, nang matuwa naman ako. So ayun nga, pababa na ako nang may makita akong dalawang taong kausap nila Mom at Dad. Siguro yun yung bisita.
I have a feeling na about their business partnership lang naman 'to and hindi ko maintindihan bakit involved pa ako. Sayang lang oras ko dun sa boring nilang pag-uusap na kahit anong pilit ko di ko naman maintindihan.
Wala pa naman kasi sa loob ko yung business kahit na ako ang natatanging tagapagmana. Aba, ginusto ko ba? Di naman. No choice lang talaga ako. Pero since wala naman akong ibang gagawin kundi manood ng movie sa kwarto ko, might as well meet new people, di ba?
Kahit na hindi ako yung social-type, yung tipong nakikisalamuha sa iba, gusto ko rin namang i-try minsan. Wala lang, para malaman yung feeling saka para malaman kung gagawin ko pa ba 'to sa susunod o hindi na, base sa magiging resulta.
Choosy kaya ako. Hindi makapal ang mukha ko dahil hindi ko naman mapagkakaila na maganda ako. Ang ganda kaya ng nanay ko no. Sumobra lang talaga yung sakin. /evil laugh/
-----
Pagkatungtong ko sa salas, nagsalita si Mom nung makita ako... "Oh, Candace... Meet Mr. & Mrs. Goodrich."
YOU ARE READING
Rich Girl's Diary
Teen FictionThis is a story of a rich teenage girl na kahit nasa kanya na lahat, feeling nya di pa rin sya kumpleto. She's the type of girl na loud and short tempered kaya mahirap pakitunguan. Dahil mayaman sya, laking bahay at madalang lumabas. Hindi niya pa n...
