" Pinadaan Niya sa ilalim! " Bulalas ni Kyota ulit Nang mapanood Ang ginawa Yun ni Fudjima.

" Ibang klase talaga kung magdala Nang bola itong si Fudjima, pag nasakaniya talaga Ang bola walang nagagawa Ang nagbabantay sakaniya." Usal ni Maki Nang Kainan habang makikita Ang pagkaseryoso sa pinapanood.

" Nalusutan si Ryota! " Bulalas Rin ni Ayako.

" Wats da materr kulot!!! Bat nalusutan ka Nang substitute nayan! " Tila nagwawala Naman bulyaw ni hanamitchi habang nanonood.... Kanina pa talaga ito naiinis dahil sa kanina pa siyang first half naka-upo, mukhang Hindi balak papaglaruin.

Nagulat nalamang Ang lahat Nang ipasa ni Fudjima Ang bola sa direksiyon ni Hanagata, mabilis itong lumundag para Kunin Yun sa ere....

" Hindi." Wika nalang ni Sendoh Nang maisip nito Ang play na gagawin Nang dalawa...

" Wag, wag sabihing..... " Utal Namang Turan ni Maki.

" Y-yung play nayan! Yan Yung..." Putol na wika narin ni Kyota, na Si Jin Naman Ang nagtapos...

" Ginawa ni Miyo at Hanagata kanina..." Dugtong ni Jin.... Seryoso namang nakatingin si Rukawa sa bola na sa Ngayon hindi pa napapasakamay ni Hanagata.... Mas mabilis pang tumalon si Rukawa at mabilis na inunahan si Hanagata sa pagkuha nito sa bola... Halos mamangha Ang lahat sa ginawa Nang number 11 Nang shohoku.

" Rukawa/Ang bilis/Naunahan Niya." Magkakasabay na wika nila Akagi, Maki, at Sendoh habang nanonood.

" Rukawa..." Ang nabigkas nalamang ni Miyagi Nang Makita Ang ginawa nito... Maging si Hanagata ay hindi Rin maiwasang Hindi magulat. Tagumpay Kasi nitong nakuha Ang bola, sumenyas pa ito Kay Mitsui na para bang may binabalak... Nakuha Naman kaagad ni Mitsui Ang tingin niyang Yun at mabilis na tumakbo papunta sakanilang court. Malakas na ibinato ni Rukawa Ang bolang Yun papunta sa gawi ni mitsui....

" Fast break! " Ang nasigaw nalamang ni Hanagata.... Na Ngayon isa na sa humahabol Kay Mitsui.

Tagumpay na nakuha ni Mitsui Ang bola at walang pakundangang tumira ito kaagad Nang tress.

" Si Mitsui! " Bulyaw ni Fudjima.

" Ano? Hindi pa Siya nakakababa Mula sa pagkakatalon pero itinira na Niya agad Ang bola sa ring." Manghang wika ni Ikoichi, maging si sendoh ay namangha Rin.

" Sira ka ba preh?! Hindi papasok Yan unggoy! " Anas Naman ni Kyota dahil sa biglaang pagtira na Yun ni Mitsui.

" Naku! Pag pumasok Yan..." Putol ni Jin.

" Paniguradong lamang Sila." Dugtong Naman ni Maki sa sinabi nito.

" Wag Kang magmadali Mitsui! " Ang naisigaw narin ni Akagi Nang Makita niyo Ang pagbitaw ni Mitsui sa bola.

" Mitchi! Hindi ka talaga nag-iisip! " Nakisigaw naring banat ni hanamitchi rito... Samantala, Wala Namang reaksiyong nakatingin si Rukawa sa ginawang Yun ni Mitsui... Para bang naniniwala itong papasok Ang bolang Yun sa ring.

" Ibang klase, tinira na Niya agad Ang bola habang Nasa ere pa Siya."

" Kung maipapasok Niya Yan paniguradong lamang na Sila."

" Si Isashi Mitsui, para siyang Nasa Junior high kung maglaro."

Samo't saring usapan Nang mga manonood.... Mas Lalo pang nawindang Ang lahat Nang pumasok ito...

" Ano?/panong?/Hindi/pumasok/ " Ang magkakasabay na Saad Nina Fudjima, Hanagata, Takano at Kasigawa... Nabigla Namang napatingin nalang si Akagi sa ginawa nito.

" Yeheyyyy! Lamang na Tayo! " Malakas na sigaw nila Ayako sa bench.

" Ang galing mo Mitchi! Kahit bungal ka napakagaling mo parin! " Si hanamitchi Naman na sinasakal si Yasuda sa saya... Nakangiti, at seryoso Namang nagkasalubong Sina Mitsui at Rukawa sabay malakas na apir pa Nang mga ito...

' Rukawa, Mitsui...'

Ang nasabi nalamang ni Akagi sa mga ito.... Saka seryosong bumaling sa Shoyo... Mahinahon subalit may diin Niya itong sinabi Kay Fudjima....
















































" Ang pagkadeterminado Nang bawat player Ang nagdidikta sa laro, Fudjima."

THE LAST CHAPTER ( Slam Dunk)Where stories live. Discover now