Chapter 10

245 18 4
                                    

Chapter 10:

"Sometimes, our past crushes can still stir up unexpected emotions, but it's how we handle them that truly defines our growth."

_____________✧✧✧✧_________________

Chapter 10

Kyianna Point of View

Pagkatapos naming kumain kasama ang mga kaklase namin sa room, pumasok si mayor para mag-announce.

"Everyone, go to the gym right now. Magsisimula na ang pageant," sabi niya.

Na puno ng pananabik naman si Cyrielle, ay agad akong hinila palabas ng kwarto.

"Hoy, dahan dahan lang" sabi ko.

"Sorry, beh! Excited lang akong makitang naglalakad si Luhence sa runway," sabi niya .

"Tch! Uuwi na lang siguro ako," I said, trying to free myself from her grip, pero mas lalo niyang hinigpitan.

"Asus, tara na! Nagpapanggap ka na ayaw mo siyang makita, pero high school crush mo siya dati diba?" pang-aasar niya.

"Shut up, ang ingay-ingay mo," sabi ko.

"Well, it's true. You're just pretending, and it's okay if we are heard. At least you're officially engaged," sabi niya.

Hinampas ko agad siya ng folder ko na naglalaman ng attendance.

"Ayan ka na, sa sakit mong walang lunas," sabi ko habang papasok kami sa gym, kung saan nandoon halos lahat ng department.

Nandoon lahat ang College of Business Management, College of Engineering and Industrial Art, College of Management of Tourism, College of Arts and Science, at College of Criminal Justice and Education (CCJE), at panghuli, ang aming departamento, ang College of Teacher Education.

Halos lahat ay nakaupo sa gym, bawat departamento ay may kanya-kanyang designated area. Ang departamento ng engineering ay nasa kanang bahagi sa mga pulang upuan, ang mga upuan ng CBM ay nakalaan sa dulong kanan, ang kaliwang bahagi ay nakalaan para sa mga mag-aaral sa turismo, at ang dulong kanan ay nakalaan para sa mga mag-aaral ng CAS. Ang gitna ay nakalaan sa amin, o in short, ang mga estudyante ng CTE, at ang mga estudyante ng CCJE ay nakalaan sa likod malapit sa hagdan.

After a few minutes, lumabas na ang mga emcees para sa pageant.

"Ladies and gentlemen! Welcome to the acquaintance party 2023," sabi ng lalaking emcee, na kahawig ni Kuya Sam, na kakilala ko mula elementary hanggang high school.

"I'm your host, my name is Kael," sabi niya. "And I'm Cassy," sabi ng babae sa tabi niya.

"Hindi ba siya yung babaeng kasama ni Luhence noon at natsitsismis na nanliligaw sa kanya?" tanong ni Cyrielle.

"Paano mo nalaman?" Itinanong ko.

"Nabalita sa internet dati," sabi niya, pero hindi ako nakinig ng biglang dumating si Keiran.

"Sino ang nag didate?" tanong niya na kunwari alam ang pinag-uusapan namin habang nakatingin din sa stage. "Masyado kang madaldal," sabi ko.

"Ang tsismosa mo rin kaya, at ang bilis mong maglakad kapag may tsismis," aniya na ikinatawa ni Cyrielle sa sinabi nito.

Tinignan ko siya ng masama, at ng tinanong ng lalaking emcee n kung sino ang bet ni Cassy, kaya nakinig na lang kami.

"Sinong bet mo Cassy sa pageant?" tanong ng lalaking emcee, at halos lahat ng tao sa gym ay nagchi-cheer.

"Lusie!, Lusie," sigaw ng mga estudyante, at nagkatinginan sina Cyrielle at Keiran.

That Campus President is my Fiance (CAMPUS SERIES #1)Where stories live. Discover now