Prologue

12 2 0
                                    

"Maizie! As a sports writer, ano ang palaging nilalaro?"

Bungad sa akin ni Sav pagdating ko ng cafeteria. Nakatutok pa ang ballpen niya sa akin na para bang mic at nasa isang interview.

"Feelings ko." Matamlay kong sabi at pumunta sa malapit na silya para makaupo.

"Who hurt you? Tell me kasi aabangan ko sa gate." Sabi ni Sav, ready na manakit. Umupo siya sa harapan ko at puno ng pag-aalala ang mukha niya.

Bakit ba kasi palagi na lang pinaglalaruan ng mundo ang feelings ko? Kahapon I was happy because Mommy asked about my day tapos ngayon binigyan ako ng trouble that will surely wreck the development of our mother-daughter relationship.

"Inanunsiyo kanina ang ranking namin." Singit ni Xien at kaagad naintindihan ni Sav kung bakit ganito na lang ang expression ko.

I ranked fifth, lower than my previous rank. Mommy probably will be disappointed at ikukumpara naman ako kay Kuya. Ganyan naman palagi, he always win. While I suffer from the high expectations that people set.

I'm such a brat. Bakit parang sinisisi ko si Kuya? Wala siyang kasalanan. It's my fault kasi hindi ko binigay ang best ko. Why am I even making this a big matter? Magiging disappointed lang naman si Mommy, it's not like she'll hurt me.

"Hoy, mga beh! Bakit nandito pa kayo? Magsisimula na ang laro!" Napalingon kami kay Vine na siyang tumawag. Kapwa sports writer ko siya pero nasa filipino ito.

Nagkatinginan kami ni Sav at kaagad na tumayo. Nalimutan namin na cocover kami ng practice game ng sepak takraw.

"Una muna kami, Xien!" Pagpaalam namin sa kaibigan. Editorial writer kasi ito kaya iba ang inatasan sa kanyang gawin.

Lumakad kami papuntang gym ngunit napahinto ako ng makitang nahulog ang wallet ng isang athlete na naglalakad papunta sa likuran ng gym.

"I'll be back, Sav. You can go ahead first." Paalam ko kaya napahinto naman ito.

"Ha? Saan ka pupunta?" Nagtataka niyang tanong.

"May kukunin lang." Dahilan ko at tumango naman siya, tsaka umalis. Photojourn si Sav at kailangan niyang makahanap ng magandang angle kaya pinauna ko na siya.

Tumakbo naman ako papunta sa nahulog na wallet at tinawag ang lalaking walang kaalam-alam na wala na pala ang yaman nito sa bulsa.

"Kuyang naka-green jersey!" Mahina kong sigaw nang medyo makalapit na sa kanya kaya huminto naman ito. Kahit nakatalikod ay nakikita kong tinignan nito ang suot niya and when he confirmed that he was indeed the one I was referring too ay lumingon siya.

I took some more steps at kaagad na nilahad ang wallet niya. "You need to be conscious. Akala mo na sa'yo pa pero nawawala na pala. Mabuti na lang hindi isang greedy na tao ang nakapulot."

Napatingin ako sa mukha nito nang hindi niya pa rin kinukuha ang wallet mula sa akin. Mali ba ako? Hindi ba sa kanya 'to? But I clearly saw it falling from him.

I flinched when I saw him staring na para bang hindi makapaniwala sa nakikita. Do I look like a ghost or something?

"Uh, can you respond? May pupuntahan pa po ako." I asked at namula naman ang tenga nito. Is he shy? Hala, sorry po.

"T-Thank you." Sabi niya at kinuha ang wallet sa kamay ko.

"Don't lose it again, okay?" I scold him in a nice way at kaagad na umalis.

Pagpasok ko ng gym ay hindi pa nagsisimula at parang may hinihintay pa. Kaya laki ang pasasalamat ko at pumunta na sa tabi ng scorekeeper. Kinuha ko ang mga names ng players at kung ano ang pangalan ng bawat teams. Nagsulat na rin ako ng mga sports lingo habang naghihintay na magsimula ang laro.

A Writer's Game Where stories live. Discover now