"Kamusta kayo diyan Ma? Si Papa kumakain ba ng healthy foods? Si Sophia, wala namang problema sa school niya diba?" I asked my Mom. We are currently videocalling each other on messenger. It's been years since I started working here in Japan as a Language teacher.  Ang masasabi ko lang tungkol sa experience ko dito is ang hirap sobra. Ang hirap malayo sa mahal mo sa buhay. 




Working abroad is not what other people always expect na magkakaroon ka agad ng maraming pera. Magkakaroon ka ng pera kung paghihirapan mo. Hindi siya tulad ng mga nakikita mo sa social media na aesthetic and luxurious na agad ang lifestyle mo once nandito ka na.  Working abroad is being away with your loved ones because it is for the best. Nakakahomesick at nakakalungkot pero kailangan labanan para sa kinabukasan ng buong pamilya. Mahal ko ang pamilya ko kaya ako nagsasakripisyo dito at higit sa lahat may pangarap akong gusto ko makamit. Isa na doon ang makabawi sa lahat ng paghihirap ng magulang ko at sa lahat ng pinagagawa nila sa akin. Ako na rin ang nagsisilbing breadwinner ng pamilya at nagpapa-aral ng bunso kong kapatid. 



"Okay lang kami dito Belle, ikaw kamusta ka naman? Nakakain ka ba ng tama sa oras? Parang pumayat ka naman ata," nag-aalalang sabi ni Mama. 





"This is nothing ma. Sinasadya ko talaga magbawas ng timbang dito ano ka ba," pagbibiro ko, "Natanggap niyo na ba yung package na pinadala ko?" dagdag tanong ko. 





"Oo nak, kakadating nga lang kanina. Binuksan namin agad. Salamat ha, ang daming chocolates, perfumes, sapatos, damit at mga japanese snacks." nakangiting sabi ni Mama.



"Ateee!" naeexcite na singit ni Sophia at kumakaway sa screen. 




"Hi Sophia! Kamusta? Nagustuhan mo ba ang Iphone14?" tanong ko. Regalo ko yun sa kanya kasi honor student siya. 






"Yes ate sobra. Thank you ha. Gagamitin ko siya ng maayos. Kahit si Papa nagustuhan rin ang sapatos. Ginamit na nga niya kanina e," masayang sabi ni Sophia at tinapat ang phone kay Papa. Kumaway kaway naman si Papa at nagpasalamat rin sa mga pinadala ko. Masaya ako na masaya sila sa mga binigay ko. Pangako ko na magsisikap pa ako para mas maibigay ko pa kung anong gusto niyo. 




"Yung mga chocolate kainin niyo. Masarap yun Hershey's ang brand," sabi ko.





"Oo  nga nak. Masarap siya. Thank you talaga ha. Dahil sayo medyo nakaka ahon na tayo. Babawi kami ng papa mo sayo." kinuha ni Mama ang cellphone sa kanila Sophie at kinausap ako. 





"Sus Ma, wala yun. Tsaka matagal na kayong nakabawi sa akin. Diba nga napagtapos niyo ako ng pag-aaral ng dahil sa pagbebenta ng fishball? Malaking bagay na yun. Hindi ko yun ikakahiya," napangiti si Mama sa sinabi ko. 




"I love you anak, Proud ako sa mga narating mo. Miss ka na namin." naiiyak na sabi ni Mama 





"I love you too Ma, kayo ni Papa at Sophie. Wag ka umiyak. Ang emotional mo talaga lagi." natatawa kong sabi sa Nanay ko. "End ko na to ha. Late na diyan ngayon. Matulog na kayo para makapagpahinga na kayo. Ingat kayo diyan. Miss you," sabi ko at inend na ang call. 





Napangiti ako. Ang saya sa pakiramdam na nakakabawi ako sa magulang ko sa munting paraan. Napalingon ako sa Hershey's chocolate na binili ko rin para sa akin at kumain nun. Naalala ko pa noon nung bata ako, nagpapabili ako nito kaso hindi kayang bilhin nila Mama at Papa para sakin. Pero, ito ako ngayon nakakain ko na anytime. Guess, this Hershey's chocolate will always be part of my small wins. Kasama ko rin ang chocolate na to sa pagheal ng inner child ko ngayon. Kumagat ako dito at ninamnam ang tamis na dala niya. Iba talaga ang dala nito sa bawat kagat napapangiti ka na lang.







Ako na Ma,Pa #Hersheysmode (A piece of you)Where stories live. Discover now