Chapter 1

1 0 0
                                    

Lumaki ako sa bahay ampunan. When I was six years old, a couple wanted to adopt me. Sister said na mababait raw sila at nais nila akong maging anak and they promised me na hindi nila ako pababayaan. Noong marinig ito ng mga batang kasama ko lahat sila ay nagalit. May mga nag walk out at may mga masamang tumingin sakin. Naiintindihan ko naman ang sitwasyon lalo na't walang gustong makipag kaibigan sa tulad ko. Pinipilit ko namang pakisamahan sila ng maayos ngunit lagi nila akong inaaway.

Mayaman ang mga nag aruga sakin at itinuring talaga nila akong anak. Naramdaman ko ang pagmamahal sa kanila. Nakapagtapos naman ako ng kurso sa business sa isa sa mga magandang university dito sa Pilipinas. Maraming nagkakagusto sakin ngunit wala akong interest sa kanila.

My father wanted me to handle our company so right after the graduation, pinapasok na nya ako para mag trabaho. After 6 months of training, my father, the chairman, appointed me as the new CEO of our company. Of course maraming hindi gusto ang announcement ng papa. Marami akong naririnig na porket anak ako ng chairman ay naging CEO na ako. Bakit daw hindi sila ang na promote since sila ang mas may experience sakin. Well, my father knows my potential and father believes that I can do the job well. Kaya walang magawa ang mga ito.

After 3 months of being the CEO, marami na rin akong nagawa para sa kumpanya. Kung kaya nabawasan na rin ang mga taong hindi ako gusto.

Ngunit isang araw ang normal na buhay ko ay bigla na lang nagbago. Habang nag mamaneho ako pauwi galing sa opisina may isang malaking truck ang biglang nawalan ng preno. Sinubukan kong ibangga ang kotse sa unang punong nakita ko. Then suddenly everything went black.

Nagising ako sa isang napakadilim na lugar. Sa sobrang dilim wala nakong makita. Naisip kong maglakad at baka makakita ako ng liwanag. Ngunit napapansin ko halos 20 minutes nakong naglalakad ngunit wala pa rin nagbabago sa paligid ko. It seems like I am in the Limbo. A place in between of heaven and hell.

Nagsimula nakong umiyak. Natatakot na talaga ako. Hindi ko alam kung bakit ako nandito. Sinubukan kong alalahanin kung anong huling nangyari sakin. Lumaki ang mga mata ko.

"Shit! Patay na ba ako? Talaga bang patay na ako?" tanong ko sa sarili ko. Hindi ako makapaniwala naiiyak ako na hindi ko alam.

Niyakap ko sarili ko at kinurot ko ang sarili ko nasaktan naman ako.

"You are very lucky, Freya."

"Huh? Sino yun? Hello! May tao ba rito? Paano mo nalaman ang pangalan ko?" Tumingin ako sa likuran ko ngunit wala namang tao at puro itim lang ang nakikita ko.

"Child, I am Themis, the Goddess of Justice, Law, and Order. I shall bring you to your rightful place. You're not supposed to live to that world but for some naughty God nag karoon ng soul switching. Maibabalik ko lamang kayo sa mga tamang katawan nyo kung may isang mapapahawak  sainyo. But do not fret, both your body are still alive especially your previous body." Aniya.

Naguguluhan ako sa mga sinasabi nya pero isa lang ang naunawaan ko. Yun ay mabubuhay pa ako ngunit hindi ko alam kung saan?

"Goddess Themis, may I know where is my original body? Am I not able to go back? Please I wanna go back. I don't want to go anywhere other than my previous world" pakiusap ko sa kanya

"Your soul doesn't belong to that place. You must return to your original world." Aniya

Nagulat ako sa isang nakakasilaw na liwanag at hindi ko na alam ang mga sumunod na pangyayari.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 05, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Freya: WarrioressWhere stories live. Discover now