PROLOGUE

16 3 1
                                        


[DISCLAIMER]

Ang nilalaman ng kuwento ay isang historikal na umiikot sa isang kathang-isip lamang. Ang lahat ng mga karakter, lugar, at kaganapan ay nilikha lamang ng manunulat.

WARNING!!

Ang genre na nilalaman ay sa pagitan ng dalawang lalaki o may parte ng LGBTQ. Kung hindi angkop sa iyo ang ganitong genre ng kwento may kalayaan kayong magbasa na lamang ng iba. Kung angkop naman ay maari itong naglalaman ng mga maling grammar na posibleng iaayos ng manunulat.
























Alejandro POV;

KALAGITNAAN akong nakasilip sa biyak ng kahoy habang binabantayan ang bawat kilos ng mga sundalong hapon mula sa labas. Kailangan kong maghintay ng ilang sandali at tamang oras para makatakas.

"Sandro? ''

Tawag sakin ni Isagani mula sa likod nang mapansin kong gising pa pala siya kaya agad ko syang nilapitan.

'' ano ang gagawin mo Sandro? balak mo bang tumakas? sasama ako sayo. ''

Kita ko sa kanyang mga mata ang namumuong takot, kahit gustuhin ko man ding huwag siyang madamay sa pagtakas ko alam kong madadamay parin si Isagani.

"hindi kita maaring iwan dahil baka ano ang gawin nila sayo rito. Huwag kang mag-alala Isagani ipagtatanggol kita at pakinggan mo lang ang sasabihin ko maliwanag?" saad ko at hinawakan ang kanyang pisngi. "masusunod Sandro"


Ilang sandali din ang itinagal nang makalabas kami mula sa kampo ng mga hapon, hawak hawak ko ang kanyang mga kamay habang tumatakbo sa gitna ng kagubatan nang biglang may isang malakas na pagputok ng baril mula sa di kalayuang likuran. Dun ko na napagtantung nasundan kami ng mga kastilang nagsimulang sumakop sa aming bayan.

Mas lalo naming binilisan ang pagtakbo dahil ilang metro nalang tiyak na mahuhuli na kami ilang sandali lang ay napahinto si Isagani at hingal na hingal. "Sandro, hindi ko na kayang tumakbo, nawawalan na ako ng lakas"

"pero Isagani kayanin mo, ilang sandali nalang kailangan nating kayanin. Halika na!"

"gaano paba katagal ang ating tatakbuhin, pilitin ko man hindi ko na iyun kakayanin. Paumanhin Sandro, naging abala lang ako." bigkas nito.

"huwag mong sabihin iyan, kailanman hindi naging ganyan ang pagtingin ko sayo. Halika."

"sandali, ano ang iyong ginagawa?!" madali ko siyang ipinasan sa aking likuran bago paman ito magsalita.

"Hindi mo kailangan gawin ito, hindi mo kakayanin."

"kakayanin ko, magtiwala kalang sakin. Isagani" singit ko.

Nagsimula nang humakbang ang magkasunod kong yapak at unti unting tumakbo habang pasan pasan sa likuran ko si Isagani. Sinubukan kong huwag nalang isipin ang pagod at panginginig ng pareho kong tuhod sapagkat buhay namin ang nakasalalay kung hihinto ako tiyak na pareho kaming mahuhuli ng mga sundalong hapon.

Subalit umabot ng ilang hakbang ang huling nagbitiw sa aking lakas dahilan para sabay kaming naitapon sa lupa. nilakbay ko ng aking tingin si Isagani na nakahandusay sa lupa at unti unting nakabangon.

*BANNGGG!!

"やめろ!あなたが死んでしまう!TUMIGIL NA KAYO!! MAMATAY KAYOO!!!" nakikita ko na sa likuran ang maliit na imahe ng mga hapon habang papalapit samin.

Muli akong napabaling kay Isagani nang mapansin kong pinipilit ako nitong itayo. "Sandro halikA naaa tumakbo na tayooo"

Ngunit muling pumutok ang isang bala ng baril at agad na sinalubong nito ang katawan ko dahilan nang ako ay matamaan.

"UMALIS KANA!! ISAGANI PABAYAAN MUNA AKO DITO AT TUMAKAS KANAAA!!!"

"S-sandro Hindi maaari! ayaw kong iwan ka Sandro" ang sakit isipin na nakikita ko ang takot ni Isagani at dumagsa ang pagpatak ng mga luha habang nakatingin sakin. Sinubukan niya akong itayo ngunit itinulak ko lang siya papalayo sakin.

"UMALIS KANAAA!!"
"I-sagani. Kailangan mo akong iwan, hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag ika'y nadadamay. K-kaya umalis kana!"

"Sandrooo"

"PABAYAAN MUNA AKOO! UMALIS KANAAAA!!"

'' babalikan kita Sandro, hihingi ako ng tulong"

Sa huli pilit siyang humakbang papalayo habang di mapigilang tumingin ang mga mata nito na puno ng mga luha. Ayoko siyang mapahamak at madamay mas pipiliin ko pang ako nalang ang mamatay para mailigtas siya.

Nawala nadin siya sa aking paningin dahil nakalayo na siya mula sa akin. Hindi ko maigalaw ang katawan ko subalit ang aking mga mata ay nakabukas parin na nakahandusay sa lupa.

Huminto sa kinatutunguhan ko ang tatlong sundalo na hapon at ilang saglit bago ito umalis. subalit agad kong nahawakan ang isang paa nito para mapigilang sundan si Isagani.

Isang hablot ng ispada mula rito ang mabilis na ipinaslang saking katawan ang sandaling pumutol saking buhay bago paman tuluyan nilang sundan si Isagani.






Ilang sandali nang magawa kong magising sa loob ng kagubatan, may tama ng baril at sugat ng ispada ang patuloy na dumurugo subalik unti unti ko paring nagawang tumayo at pilit na humakbang papaalis. Sa sandaling yun ilang minuto nalang tuluyan na akong maubusan ng dugo pero mas pinili kong labanan ang sarili ko para kay Isagani.

Nang mapahinto ako sa isang napaka tahimik na sulok ng lugar at agad na napahawak sa isang puno nang hindi ko sadyang mapatingin paharap.

Tila tumigil ang enerhiya ng paligid habang sumasalubong sakin ang simoy ng malamig na hangin sa nakikita ng aking mga mata.

Huli na ang sandaling hindi ko inaakala nang makita ko si Isagani habang nakatutok sa kanyang nuo ang baril ng mga sundalong hapon hanggang sa ang tanging boses lamang ng pagputok ng baril ang aking naririnig at kong paano ko napapanood ang pagpatay nila kay Isagani sa aking harapan.

Hindi ako makagalaw sa aking nakikita nang bumagsak ang kanyang katawan na duguan at wala nang buhay bago paman nila ito iniwan.

Pilit akong umalis sa likod ng kahoy at unti unting inihakbang ang mga paa papalapit sa katawan ni Isagani.

Napabagsak ako sa kanyang katawan na walang buhay at unti unting naglakbay ang paningin ko papunta sa kanyang mukha bago ko paman nailabas ang lahat ng sakit sa aking nakikita.

Ang sabi ko sa sarili ko p-protekthan ko si Isagani habang nasa tabi ko siya pero sa huli ay wala akong kwenta dahil hindi ko nagawa.

"Patawarin mo ako Isagani. Pangako hindi ako aalis sa iyong tabi, magkasama nating hinarap ang lahat hanggang sa dulo. Kung mayroon pa mang susunod na buhay, hahanapin kita para muling makasama." huli kong pangako.

Nakasandal ako sa kanyang katawan at doon na ako tinuluyang mawalan ng buhay.

Sa dulo pareho kaming namatay sa iisang lugar na yun nang magkasama. At...



napa bangon ako sa aking hinigaan nang mapansin kong may luha na palang tumulo sa mga mata ko.

Ang Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak habang natutulog, hindi ko maintindihan kung bakit parang totoo talaga ang lahat ng nakikita ko sa panaginip.

Simula nang lumipat ako ng pinagtatrabahoan ko madalas na nangyayari sa akin 'to. Lagi kong nakikita ang dalawang tao mula sa nakaraan at ako ang gumaganap sa isa sa kanila, ako daw si Sandro dahil yun ang tawag sa akin ng lalaking nakasama ko na nag-ngangalang "Isagani".

"pero sino nga ba si Isagani? Ano ba ang naging koneksyon niya sa buhay ko? at bakit madalas akong nakakita tungkol sa naging buhay ng sinaunang panahon?"










ISAGANI in 1939 (historical fiction) Historias para obsesionarse. Descúbrelo ahora