" Captain." Ang tanging na iusal lamang nito.

" Hindi ko alam kung Ano Ang pinagdaanan, at kung gano naba katagal ang pinagsamahan niyong dalawa Nang Miyong Yun? Pero sana isipin mong Nasa laro ka parin... Kahit practice game lang to wag nating hahayaang mapunta pa Ang panalong ito sakanila. " Mahabang katwiran ni Akagi sakaniya, sa tinagal-tagal Nang paglalaro Niya sa basketball, naabot na Niya Ang pinapangarap Niya noon pa. Ang makasali at Ang makapaglaro sa Interhigh, Hindi naging madali para sakaniya Ang pinagdaanan Nang team nila... Kaya kahit sabihing practice game lang to? Mahalaga parin ito sakaniya.

" Captain/Akagi/Gori/ " magkakasabay na wika Nina Miyagi, Mitsui at pati narin si Sakuragi. Alam nila Ang pinupunto nito... Kahit Anong  laban Ang nagaganap sa team Nang shohoku mahalaga Yun para Kay Akagi.

Samantala, Hindi mapigilang Hindi panggigilan ni Rukawa Ang hawak-hawak nitong mineral water.... Hindi man Makita Nang marami, pero nanginginig sa galit si Rukawa dahil sa ginawang play nayun ni Miyo. Pakiramdam Niya Dito palang kailangan na niyang galingan at magpakitang gilas sa harapan ni coach Anzai.

Nanlilisik Ang mga mata Niya habang nakatingin sa gawi ni Ishikawa, paulit-ulit niyang inaalala Ang ginawa Nang mga ito kanina. Pakiramdam Niya para siyang binastos Nang sobra-sobra. Napansin Naman kaagad ni Sendoh Ang kakaibang awra ni Rukawa, Hindi ito gaya Nang kanina... Kahit nakaupo lang ito at para bang may malalim na iniisip Hindi parin maikakailang nag-aapoy ito sa galit.

' Ganyan nga Rukawa, ipakita mo kung sino ka ngang talaga... '

Bulong ni Sendoh sakaniyang sarili, inaabangan nito Ang mga susunod pang Mangyayare... Sa paghaharap nila ni Rukawa noon Hindi Malabong matapatan nito Ang kalidad ni Ishikawa sa paglalaro. Hindi man masabi o maikuwento ni Sendoh sa iba subalit Bukod Kay hanamitchi, si Rukawa Rin Ang Isa sa pinaka paborito nitong manlalaro. Humahanga Siya taglay na determinado nito para manalo. Kahit Isa si Rukawa sa mga nakalaban niya naniniwala parin Siya sa kakayahan nito.

Nabalik lamang sa reyalidad Ang lahat Nang tumunog na Ang bell hudyat na mag-uumpisa na Ang laro...

" Isang minuto nalang para matapos Ang buong First half, lamang Nang anim na puntos Ang Shoyo Ngayon... Kahit Hindi Tayo makalamang sa mga oras nato, atleast pilitin parin nating maibaba sa tatlo lang lamang nila." Wika ni Ayuko... Tiningnan lamang siya ni Miyagi Nang direkta, napansin kaagad Yun ni Ayuko kaya Naman inalok Niya ito Nang Isang malakas na high five.

Sakabila Nang mga nararamdaman ni Miyagi Sapagitan nila ni Miyo, atleast Meron Isang ayuko na nagpapagaan Nang loob Niya kapag mabigat ito.

" Team! Maghanda na! " Ani Akagi kaya sabay-sabay Namang nagsitayo Ang mga ito.

" Hoy Rukawa, hahayaan mo bang talunin kanalang Nang ishikoy nayun? Kung nakakapaglaro lang Ako baka kanina pa natalbugan Ang mga shokoy nayan. Puro kalang salita, kulang kanaman sa gawa... " Bigkas ni Hanamitchi na nakapagpatigil Kay Rukawa saglit. Bahagya pa itong lumingon sa gawi Niya, naramdaman ni Hanamitchi Ang kakaibang tingin nito sakaniya... Wala man itong isinagot sa sinabi Niya atleast sinagot Naman Siya Nang mga mata nito.

' Yung mga mata Niya? Parang nag-aapoy, nag-aapoy sa galit.'

Aniya sakaniyang isip habang pinasadahan Nang tingin Ang papalayong imahe ni Rukawa....

Umpisa na ulit Nang laban, Nasa shohoku Ang bola dahil naka basket kanina Ang team Nang Shoyo. Si Mitsui Ang may tanang nito, drinibble drinibble lang Muna Niya Ang bola habang binabantayan Siya ni Kasigawa...

THE LAST CHAPTER ( Slam Dunk)Where stories live. Discover now