"Muntik ko ng makalimutang sabihin sayo, may kaisa-isang rule ang Assasino University: You can be a ruthless monster or whatever you want to be, but killing is strictly forbidden."

"This is ASSASINO UNIVERSITY which the founder also called it, HIS ASSASINO PLAYGROUND... Tumindig ang mga balahibo ko sa katawan. Ngayon ko lang narinig ang katawagan na ganyan.

Anong ibig-sabihin ng founder nang tawagin niya itong ASSASINO PLAYGROUND? Ano kami, mga batang naglalaro lang sa eskwelahan niya?

"May welcoming party mamayang gabi para sa mga freshmen. Heres my advice, lock your room and don't let anyone in no matter what they do."

Welcoming party ba ang tawag don? Ang weird naman nun. Anong ibig-sabihin ng advice niya? Parang babala naman na ito.

Hindi siya mukhang nagbibiro kaya totoo siguro ito.

"It's 9:00 AM na. I have a meeting to attend kaya iiwanan na kita. That's all for the orientation. Anyway, just choose only the ones you can trust. Welcome to Assasino University and see you later." Sa unang pagkakataon ay ngumiti siya sakin. Hindi ito pilit at alam kong totoo ang ipinakita niyang ngiti sa akin.

Hindi na ako nagsalita pa at hinayaan na siyang umalis. Naiwan ako dito na hindi alam ang susunod na gagawin.

Mag-submit na ba ako ng application? Pero saan ako sasali sa tatlong org? Tatlo? Tatlo?! Akala ko ba apat?!

Sa pagmamadali niya, nakalimutan niyang sabihin ang panghuli na organisasyon. Nasabi niya na walang tao ngayon dito kaya wala din akong mapagtatanungan.

Tatalikod na sana ako nang may lumabas na babae mula sa room na nasa harapan ko. Multo? Hindi e. Hindi naman nakakatakot ng mukha ng babae. Nakakagulat nga lang dahil hindi namin siya napansin kanina.

Tumingin sa pwesto ko ang babae at nagtatakang lumapit sakin.

"Naliligaw ka, Miss?" tanong nito sa akin. Mukha naman siyang approachable kaso mukhang mahiyain. Mukhang hindi sanay makipag-usap sa hindi niya kilala.

"Hindi naman."

"Magsa-submit ka ba ng application?"

"Hindi rin." Nahihiya na tuloy akong makipag-usap. Bakit pa kasi kami nagpunta dito kung wala rin namang sadya?

"Mawalang-galang na po pero pwede bang tanungin kung anong organisasyon ito?" Nagpakapal na ako ng mukha para magtanong dahil wala rin akong mapapala kung tutunganga lang ako dito.

"Ahh. Bagong estudyante."

Tumango naman ako bilang sagot.

"Ang kinatatayuan mo ngayon na gusali ay pagmamay-ari ng RED Organization. Ako nga pala si Kimberly Yohannes, ang assistant ng executive nitong organisasyon."

Bigla kong naalala ang sinabi ng sugatang lalaki kanina sakin.

"Papatayin ako ng organisasyon nila!"

"R-red... Red organization."

Hindi ko alam ang mararamdaman ko nang maalala ito. Dumadami na naman ang mga tanong sa isip ko. Nagdududa na tuloy ako kung nagsasabi ba talaga ng totoo ang taong yun.

Kaharap ko ang assistant ng lider ng RED Org pero wala akong nakikitang panganib sa kanya. Parang normal na estudyante lang siya. Wala akong makitang dahilan para matakot sa kanya.

Nagkamali lang ata ng akusasyon ang lalaking yun? Nawala na sa katinuan ang pag-iisip niya dahil sa mga sugat na natamo niya.

"Miss?" Napalalim yata ang pag-iisip ko. Nakatingin siya sakin na parang nag-aalala.

"Pasensya na, may naalala lang." Napahawak ako sa batok ko habang sinasabi ito. Nakakahiya, natutulala na lang ako bigla.

"Ayos lang. Ano palang pangalan mo?"

"Zeta... Tawagin mo na lang akong Zeta."

"Masaya akong makilala ka, Zeta. Kapag gusto mong sumali sa organisasyon, magsabi ka lang. Ako ang magbibigay ng application mo sa executive namin." Nakaramdam ako ng tuwa nang marinig ito. Nabuhayan muli ako ng loob at nagkaroon ng pag-asa para makasali sa isa sa mga organisasyon.

Dalawa kasi ang nasa isip ko kanina na sasalihan ko: Sa Prime Org na disente ang mga members dahil officers sila o sa Seeker Org na mukhang maayos din naman.

Nagkataon lang na nandito ang assistant ng Red Org kaya nahikayat din ako na bigyan ito ng pagkakataon.

Itinuro sakin ni Kimberly kung paano gumawa ng application form kapag sasali sa alinmang organisasyon. Madali lang naman pala ito. Wala silang masyadong hinahanap na impormasyon mula sa mga estudyante. Meron nga lang silang hinahanap na dapat meron sa isang estudyante para matanggap.

Napabuntong hininga na lang ako nang maalala ang sinabi ni Kimberly. Strikto raw ang executive nila at hindi basta-basta tumatanggap. Bumababa na naman ang kumpiyansa ko sa sarili ko na matatanggap.

Dinala ako ng mga paa ko sa canteen dahil mukhang kailangan ko na lang ikain ang problema ko.

Umorder ako ng fries, spaghetti, softdrinks at empanada. Madami talaga ang kakainin ko dahil andami ng problemang pinapasan ko ngayon.

Nagsimula na akong kumain para makalimutan ang mga iniisip ko.

Hays. Napapapadyak na lang ako ng malakas kapag naalala ko yung lalaking lumapit sakin kaninang umaga. Ibig-sabihin may konting pag-aalala akong nararamdaman sa taong yun kahit hindi ko naman talaga siya kilala. Maayos na kaya siya??

Malayo dito ang hospital kaya hindi ko rin siya mabibisita. Teka, bakit ko siya bibisitahin? Hindi naman kami magkakilala. Nagpapagaling naman na siguro yun.

"Ikaw! Wala ka bang kasama?" Nagulat ako nang may biglang tumabi sakin na babae. Ang laki ng ngiti niya. Mukhang sanay na siyang makipag-usap sa di niya kilala.

"Ayos ka lang ba?"

"Oo."

"Huwag kang mag-alala, mahilig talaga akong makipagkilala sa mga bagong estudyante. Napansin ko kasi na mag-isa ka lang kaya nilapitan kita." Nakatitig lang ako sa kanya habang nagsasalita. Para siyang manika na nagsasalita. Ang liit ng mukha niya. Ang ganda niya tapos halatang madaldal.

"Anong sinalihan mong organisasyon? Ay! Bago pala yan, ako si Magi. Ikaw?" Masyadong mabilis ang mga pangyayari para sakin. Parang walang sinasayang na oras ang taong ito.

Napapaisip na tuloy ako kung anong meron sakin ngayon dahil kada oras ay may nakikilala akong bagong tao. Hindi naman ito masama pero parang nadaragdagan lang ang mga iniisip ko.

Pinoproblema ko pa nga kung saan ako sasali. Magmula nang sabihin kasi ng Casano na yun na dapat akong sumali para maka-survive raw ako. Nag-aalala tuloy ako na delikado ako hangga't wala akong sinasalihan.

Tama naman kasi siya, mag-isa lang ako ngayon at wala pang kaibigan. Bago lang ako dito at hindi ko alam kung anong pwedeng mangyari sa akin.

Assasino Playground (Completed)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz