Base sa postura niya, parang kanina niya pa kami hinihintay. Nasa tapat kami ng main building palang at dito niya naisipang maghintay. Ano na namang kailangan niya??

Mag-isa lang siya kaya mukhang hindi away ang ipinunta niya. Wala din kasi akong nakikitang armas na hawak niya. Nakapagtataka sa isang tulad niya na mag-isa lang at wala ni isang kasama.

Ang nagmamagaling na executive ng Hunter Org.

"The Villainness..." Nawala lang ako, kung ano-ano ng tinatawag sakin.

Hindi ba niya naisip na pwede siyang tambangan ng mga kaaway niya? O sadyang nagpapakitang-gilas lang siya sa mga alalay niya. Oh naalala ko, ako lang yata ang may kaaway rito.

"Buhay ka pa pala. Kala ko naman totoong binawian ka na ng buhay." Mukhang disappointed pa siya habang tinitignan ako. Sa dinami-dami ng pwedeng sumalubong sa akin, kaaway ko pa. Mas na-miss pa nila ako kaysa sa sarili kong mga ka-miyembro.

"Mag-cecelebrate na sana kaming lahat," at sumimangot ito.

Alam ko naman yon, lahat sila mabubunutan ng tinik sa lalamunan kapag namatay na ako.

Hindi ko napansin na nasa tabi ko na pala si Kimberly. Nasa harap lang ang tingin niya at nakahanda sa kahit na ano mang gawin ng taong nasa harap namin ngayon.

Wala pa sa tamang kondisyon ang katawan ko ngayon at may iniinda parin akong sakit sa kaliwang kamay ko. Kapag may masamang gagawin ang babaeng yan, hindi ako makakalaban ng husto. Buti na lang nandito si Kimberly.

"Hindi ka nga namatay pero sa tingin ko, mukhang hindi mo magagamit ang kaliwang kamay mo kapag sinugod kita." Tumatapang na talaga ang babaeng ito. Tama siya, hindi ko kayang gamitin ang kaliwang kamay ko ngayon. Pero hindi ako masisindak ng sinabi niya. Hindi ako kailanman matatakot sa isang tulad niya.

"Kayang-kaya kitang patayin gamit ang kanang kamay ko." Kalmado pero may halong pagbabanta, sapat na ito para takutin siya.

Ang kaninang nang-iinis na mukha niya ay naging seryoso. Nilingon niya ang paligid at sinigurong walang tao maliban samin. Naalarma siya sa sinabi ko. Sabi ko na nga ba, nagpapanggap lang siyang matapang.

"Naalala ko nga pala, may itatanong ako sayo. Sabihin mo sakin, paano mo napapasok yung lason sa office ko? Spy? O hinacked mo ang computer namin?" hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon at diretso na siyang tinanong.

"Ako ang una mong suspect, huh?" pinilit niyang ngumiti pero bakas sa mukha niya ang gulat.

"Lahat ng ebidensya, ikaw ang tinuturo." Nakatingin lang ako ng diretso sa mga mata niya para malaman niyang hindi ako nagbibiro.

"Porket ba sobrang kinamumuhian na kita, magiging dahilan na ba yon para pagsuspetyahan mo na ako ang lumason sayo. Inosente ako."

"Walang inosente dito. Alam ko kung anong kaya mong gawin. Alam ko kung anong kayang gawin ng mga alalay mo. Hindi na ako magtataka kung utusan mo silang lahat na patayin ako," sagot ko naman.

"Alam ko, duh. At alam ko din ang nag-iisang patakaran ng paaralang ito. Nagsasabi ako ng totoo at hindi ko na problema yun kapag hindi ka naniwala." Naka-cross arm siya at mataray na inirapan ako.

"At pinapaalala ko lang sayo na hindi lang ako kundi buong eskwelahan ang gusto kang patayin. Lahat sila may rason para lasunin ka," dagdag pa niya.

"Ayaw mo talagang umamin? Andami mo pang sinasabi. Pwes natuklasan ko na ang dahilan kung bakit gustong-gusto mo akong patayin."

"Ha?" Kumunot ang noo niya.

Mukhang magandang pagkakataon ito para masagot ang matagal ng tanong sa isip ko. Ang matagal ko ng hinala magmula ng magkasalubong ang landas namin. Ngayon ko na malalaman ang tunay na kulay ng taong ito.

"May kinalaman ba ito sa aksidenteng nangyari tatlong taon na ang nakakalipas? Gusto mong maghiganti sa akin? Dahil sa lalaking yon? Kaano-ano mo ba siya, kapatid mo ba ang lalaking yon?" Inobserbahan ko ang naging reaksyon niya sa sinabi ko. Gusto kong masiguro kung tama ba talaga ang hinala ko.

"Ano bang pinagsasabi mo? Wala akong kapatid na lalaki!"

"Huwag ka ng magsinungaling. Alam ko na ang tinatago mong sikreto," nakangising saad ko.

Hindi ito sumagot. Binalot ng katahimikan ang paligid. Lumamig ang simoy ng hangin. Nagpasya akong hindi na magsalita at hintayin na lang ang susunod niyang gagawin.

Nagsimula siyang maglakad papalapit sa akin at tumigil din nang mga isang metro na lang ang pagitan namin. Hindi ko alam kung ako lang ang nakapansin pero para siyang zombie habang naglalakad kanina.

Sa unang pagkakataon ay tumawa siya ng pagkalakas-lakas. Walang bahid na takot. Parang baliw at wala sa sarili. Pinanood namin siyang tumawa ng mahigit anim na minuto. Nang mahimasmasan ay bumalik ang tingin niya sa akin.

Nagbago na ang awra niya. Para talaga siyang napossessed at ang creepy nito.

"Gusto mo ng sagot sa mga tanong mo? May clue ako para sayo." Hindi ko siya makilala sa tono ng pananalita niya. Nababaliw na siya. May halong pagbabanta ang boses niya.

"Blood is thicker than water but a broken heart is all that matters." Pagkatapos niyang pakawalan ang mga katagang ito ay bigla na lang may bumula sa bibig niya.

Napaluhod siya at tumingala sa langit. Gumagalaw ang bunganga niya at tila may sinasabi pero wala naman akong naririnig.

Isang matamis na ngiti ang pinakawalan ko habang pinapanood siyang unti-unting matumba at mawalan ng malay.

Malapit na, malapit ko ng mahuli ang buntot ng dagang matagal ko ng hinahanap na nakatago sa anino ng iba. Humanda ka na dahil nagbalik na ako.

Assasino Playground (Completed)Where stories live. Discover now