Chapter IX: Balik Capiz

1.1K 24 1
                                    

Samantalang nasa bakasyon, patuloy na nagtawagan at nag-uusap sina Angelo at Chloe araw-araw, kahit na sila ay magkalayo. Ang koneksyon nilang dalawa ay patuloy na lumalalim, at nagiging mas matatag ang kanilang ugnayan. Sa bawat araw na lumilipas, mas lalong nagiging malinaw sa kanilang mga puso at isipan na ang isa't isa ay may espesyal na puwang sa kanilang buhay.



Sa ikalawang linggo ng kanilang bakasyon, Nagpasyal sina Angelo at Chloe sa iba't ibang lugar. Si Chloe ay kasama ang kanyang mga kaibigan sa isang malapit na beach na kilalang kilala sa Capiz at tawag dito ang Bay-bay Beach, habang si Angelo naman ay nagpapraktis sa isang shooting range.



Habang nag-eenjoy si Chloe sa kanyang mga kaibigan sa beach, nag-usap-usap sila tungkol sa relasyon ni Chloe at Angelo. Pinuri nila si Angelo dahil sa kanyang kagwapuhan, kasikatan, at higit sa lahat, sa pagiging mapagmahal niya kay Chloe. Nakita rin nila ang masayang litrato nila sa Instagram story ni Chloe habang sila'y nagde-date.



Sabi ni Rhea ang kaibigan ni Chloe "Kagwapo gali sang migo kag kacute sang mga myday niyo Instagram

(Translations: "Ang gwapo nang boyfriend mo at ang cue niyo sa myday niyong dalawa")


"Grabe gid Angelo sis, 1k followers sa Instagram" biglang gulat naman ni Trisha na isa din na childhood friend ni Chloe

(Translations: "Grabe si Angelo sis, 1k followers sa Instagram!")



Samantala, si Angelo ay nagpapraktis ng pag-aim ng kanyang baril sa local shooting range. Hindi niya mapigilang isipin si Chloe habang ngumingiti at tinitira niya ang mga target. Matapos ang ilang oras ng kanyang praktis, dumeretso siya sa isang café para bumili ng kape.


Habang iniisip niya ang mga alaala nila ni Chloe sa café na iyon habang nag-aaral at umiinom ng iced latte, biglang bumagsak siya nang hindi inaasahan at natapon niya ang kanyang kape sa sahig. Nag-alala ang mga tao sa café at sana ay tawagin ang ambulansya.


Ngunit sinabing ni Angelo na siya'y okay kahit hindi pa siya ganun kabuti. Sinabihan pa siya ng barista na biglaan siyang bumagsak at dahil doon dinala na lang niya ang sarili sa kanyang bahay at nagpahinga.



Habang nag-dadrive nasa isip niya "Ano to man? Ngaa natumba ko to?" pero kahit blanko parin ang pangyayari kalmado parin siyang nagdrive papunta sa bahay niya

(Translations: "Ano yun? Bakit ako natumba ako kanina?")



Pagkatapos ng insidente, hindi sinabi ni Angelo sa kanyang ina ang nangyari sa café at agad na pumunta sa kanyang kuwarto para magpahinga sa kanyang higaan upang hindi maulit ang pangyayari kasi ang nasa isip niya ay baka over fatique lamang to'


Pagkagising niya, tumawag si Chloe sa kanya at nagtanong kung kamusta ang kanyang araw. Sinabi ni Angelo na okay naman ang araw niya, ngunit hindi niya sinabi kay Chloe ang nangyari sa café. Sinabi na lang niyang magiging masaya siya sa pagbabalik ni Chloe sa Iloilo kinabukasan.


"San-o ka mapuli? Namiss ta naka daan" sabi ni Angelo habang nasa telepono

(Translations: "Kailan ka uuwi? Na miss na talaga kita")


Sagot ni Chloe "Nahidlaw ka sakon no?" habang nilalandi si Angelo

(Translations: "Na miss mo talaga ako no?")


Sabay tawa ni Angelo "Ako haw way mo namiss?" nagpapacute kay Chloe sa telepono UwU

(Translations: "Ako ba? Hindi mo ba'ko namimiss?")


Kinabukasan, umuwi na si Chloe sa Iloilo at agad na nagkita sila ni Angelo. Nagkuwentuhan sila tungkol sa kanilang bakasyon at mga bagong karanasan. Sinadyang hindi na lang sabihin ni Angelo kay Chloe ang tungkol sa kanyang insidente sa café, upang hindi siya mag-alala.



Habang patuloy ang kanilang pag-uusap at pagkakataong magkasama, mas lalong lumalalim ang kanilang pagmamahalan at pagkakaunawaan sa isa't isa. Ngunit may lihim din si Angelo tinatago kay Chloe at ito ang pagtago ng insidente nito sa loob ng coffee shop, na maaaring magkaroon ng malaking epekto sa kanilang magandang samahan.


Sa paglipas ng mga araw, patuloy pa rin ang masayang pakikipag-usap at tawagan nina Angelo at Chloe. Hindi nila napansin na sa bawat oras na kanilang iniuukit ang mga alaala at mga saloobin sa isa't isa, mas lalong nagiging mahalaga ang bawat araw na kanilang pinagsasama. Hindi lamang nagiging mas matatag ang kanilang pagmamahalan.


Sa isa pang pagkikita nila, sinorpresa ni Angelo si Chloe sa kanyang boarding house. Dala-dala niya ang isang bouquet ng mga bulaklak at munting regalo para sa kanya.


"Para ni gali simo kay balan ko favorite mo gid ang strawberry shake" sabi Angelo kay Chloe na may dalang bulaklak

(Translations: "Para pala sayo to, kasi alam ko favorite mo talaga ang strawberry shake")


Hindi na rin niya napigilang sabihin kay Chloe ang tungkol sa kanyang insidente sa café, ngunit nagalit din ito dahil ngayon niya lang ito nasabi pero pinatawad niya din ito dahil sinabi ni Angelo at yun ang importante Mula noon, naging mas bukas na sila sa isa't isa tungkol sa kanilang mga tinatagong mga sekreto.


To be continue.

It's Raining In Iloilo | by Anthony BuenoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon