Chapter 5

334 19 11
                                    

             Unmasking the Night

     _____________ ⁠۝ ______________

Kyianna Point of View


Nasa kwarto kami, napapaligiran ng mga kasambahay na abala sa pag-aayos sa amin. Ang excitement ko ay lalong tumataas habang naghahanda kami para sa masquerade ball.

Matapos ang ilang oras na paghahanda, tinignan ko ang sarili ko sa salamin at hindi ko maiwasang magduda sa napili kong outfit.

Ito ba talaga ang dapat kong suotin?” tanong ko sa aking pinsan, kinagat ang labi sa kaba.

Tumawa siya at sinigurado sa akin,

Of course! You need to dress up for the occasion. A duster won’t do,” sabi niya na may kasamang kindat.

Lalo akong kinabahan at ibinulalas ko ang aking mga alalahanin.

Kinakabahan ako,” pag-amin ko. Tinanong ng pinsan ko kung bakit.  sagot ko,

"Kasi nga, first time ko pa lang siyang makikilala."

She quickly reassured me, saying,

Don’t worry, we’re here with you. Nasa likod mo kami ni Kieran, okay?” Ang kanyang mga salita ay nagdulot ng kaaliwan, at napangiti ako nang may pasasalamat.

Nang makapagbihis na kaming lahat, tinawag kami ni Mommy sa ibaba para magpa-picture. Nagsuot ako ng pink na princess gown na pinaresan ng floral mask, habang ang pinsan ko ay nakasuot ng puting strapless gown with matching white mask. Nag-pose kami para sa camera, halata sa mukha namin ang saya at excitement dahil kumpleto kami ngayon.

Hindi nagtagal, oras na para umalis papunta sa venue na nakasaad sa imbitasyon.

Pagdating namin, hindi ko maiwasang mabighani sa mga magarang maskara at nakamamanghang damit na nagpalamuti sa kwarto. Ang kapaligiran ay puno ng misteryo at kaakit-akit.

Sa gitna ng mga tao, nahagip ng aking mga mata ang isang matangkad at misteryosong pigura sa kabilang dulo ng silid. Nakasuot siya ng itim na amerikana at pilak na maskara, at ang excitement na dumaloy sa akin ay di mapigilan.

Si Luhence kaya ito?

Iniwan ko si Mommy at ang aking pinsan na abala sa pakikipag-usap sa mga kakilala at kasosyo mula sa kanilang kumpanya, nag-ipon ako ng lakas ng loob na lumakad sa gitna ng karamihan. Lumapit sa akin ang taong kanina ko pa pinagmamasdan, nanginginig ang boses ko sa kaba habang binabati siya,

Good evening, sir.” Agad siyang yumuko tulad ng isang prinsipe, tumugon sa isang kaakit-akit na ngiti,

Hello, my lady. I have been eagerly awaiting this moment. May I say, you look absolutely enchanting tonight,” sabi niya sa malalim na boses na tila may epekto sa akin.

Thank you, sir. Your words are too kind. I must admit, I was nervous about this meeting, but you have put me at ease,” sagot ko na parang lahat ng mata ay nasa amin.

Nervousness is only natural, my dear. But fear not, for tonight we shall embark on a journey of discovering each other’s souls, hidden behind these masks,” sabi niya sabay abot ng pulang rosas bilang kilos ng kanyang intensyon.

How poetic. I am eager to get to know the person behind the mask. Tell me, what brings you to this masquerade ball?” tanong ko, na parang gusto alamin ang sagot niya.

I was captivated by the allure of mystery and the chance to find my one true love. And destiny seems to have led me to you, my lady. But tell me, what drew you to this ball?” tanong niya pabalik.


I’ve always been enchanted by the allure of masquerades. There’s something undeniably freeing about meeting someone without the usual societal pressures and judgments, allowing us to truly be ourselves.” Sagot ko, ang mga salita niya ay nagparamdam sa akin na para akong nabubuhay sa isang panaginip, gumaganap sa mga papel ni Romeo at Juliet.


Gisingin mo ako sa magandang panaginip na ito,


Indeed, it allows us to be our true selves, hidden behind these masks. But I must confess, I am eager to remove mine and reveal my identity to you, my dear.” Sabi niya sabay halik sa kamay ko ng may lambing.

Isang ngiti ang sumilay sa aking labi nang maramdaman ko ang lambot ng kanilang pagdampi. “As am I, sir. Perhaps, before the clock strikes midnight, we can remove our masks and truly see each other for who we are,” sabi ko, na parang may nabubuong koneksyon sa pagitan namin.

Until then, let’s dance and let the night’s magic sweep us away. It’s here, in the secrecy of this masquerade ball, that our story starts.” Sabi niya sabay abot ng kamay ko.

Pagkatapos ng sayaw namin, nagpaalam ako sa kanya at agad na hinanap si Kieran. Nang makita ko siya sa isang table malapit sa buffet, bumulong ako,”Siguro may hidden stash ka ng pagkain sa loob ng jacket mo, ha? Lagi kang gutom! Halos puno na ang plato niya ng iba’t ibang pagkain.

Look at you! Parang ilang araw kang na-stranded sa dessert island, ah!” pang-aasar ko, at nakisabay si Cyrielle sa pagtawa.

Oh, come on! Admit it, kinikilig ka sa kausap mo kanina. Ang ngiti mo parang nagkaroon ng permanenteng upgrade!” Pa balik na pang-aasar sa akin ni Kieran, alam niyang halata ang excitement ko kanina. Kitang-kita sa mukha ko kung gaano ako ka-energetic, kaya hindi niya napigilang magbiro.

Aish! Manahimik ka na!” Mapaglarong sabi ko, sabay pakain kay Kieran ng kapirasong inihaw na balat ng baboy. “Kung gusto mo pang mag-asar, ito na lang ang makakain mo!

Salamat,” bulong niya na punong-puno ang bibig at nahihirapang intindihin.

Ha?” tanong ko, at mabilis siyang napalunok bago sumagot, “Hatdog.”

Ha?” sabay-sabay naming bulalas na naging dahilan ng pagtawa namin.

Halabyu,” Sabi ko sa gitna ng pagtawa, at ginantihan ni Kieran ang biro ko na parang walang bukas, na lalong nagpapatatag sa ugnayan namin.

Pagkatapos ng aming pagtatalo, nagbago ang kapaligiran at nagsimulang magsaya ang lahat. Pumunta sina Mom and Dad sa dance floor, habang sina Kieran at Cyrielle naman ay sumama sa kanila sa gitna. Samantala, natagpuan ko ang sarili kong mag-isa sa mesa, umiinom ng champagne.

Out of nowhere, lumapit sa akin ang isang estranghero na nakasuot ng matingkad na pulang tuxedo.

You’re all alone, my princess,” sabi niya.

Ang kanyang boses ay pumukaw ng isang pakiramdam ng pagiging pamilyar sa loob ko, ngunit hindi ko lubos maisip kung saan o kailan ko ito narinig noon. Lalo lang nitong nadagdagan ang kaba ko.

Would you like to dance?” tanong niya. Agad kong tinanggihan ang imbitasyon niya.

Pasensya na po sir, pero napagod na po ako sa pagsasayaw,” sagot ko. Agad naman siyang tumawa.

You’re quite adorable. I hope to catch a glimpse of the beautiful faces hidden behind those masks,” komento niya. I clinked my glass against his response.

Ano meron ba sa kasuotan na umaakit sa atensyon ng lahat?

Kasunod ng sayaw, isang lalaki, kasama ang kanyang asawa, ang sumama sa aking mga magulang sa gitna. Itinaas ang kanyang baso upang makuha ang atensyon ng lahat, ipinahayag niya,

Thank you all for joining us tonight to celebrate this special occasion. As you are aware, my son Luhence has been a source of immense pride and joy for our family. Tonight, I am thrilled to announce that Xandros Luhence Hawthorne and Kyianna Rhiannon Lancaster have decided to take a significant step forward in their relationship,” pagsisiwalat niya. Biglang, isang alon ng nerbiyos ang bumalot sa akin.

Ito na ba ang pagkakataon para ipakilala siya?

Naku! Hindi pa ako handa,” nag-aalala kong bulong.



--------

Follow me on my other social media accounts!

TikTok: @brielle_moon 
Facebook: MsspanckeDreame 
Discord: brielle.moon_87362 
Instagram: itsme_pancke

That Campus President is my Fiance (CAMPUS SERIES #1)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin