Para bang dinaanan ako ng napakalamig na nyebe at nagbabagang apoy ng maproseso ang aking ginawa kanina lamang.

Ang napakalambot niyang kamay...


Amoure POV

Sinilip ko si Ion na ngayon ay nakatulala ng nakatingin sa akin na ikinapula ko naman lalo.

Hindi ko parin makalimutan ang pangyayari kanina. Kung paanong dumaan sa kaniyang labi ang aking hintuturo at kung paano nito ito dilaan.

Lalong nag-init ang aking mukha at nakaramdan ng hindi pamilyar na init sa aking katawan.

Kalma Amoure. Kumalma ka.

"Ion." Tawag ko dito ng hindi pa siya gumagalaw sa kaniyang pwesto. Anong nangyari naman sa kaniya?

"Ion!" Malakas ko nang tawag dito na ikinabalik naman niya sa huwisyo.

"Pa-pasensya na." Ani nito matapos tumikhim.

Nabalot kami muli ng katahimikan. Pinipigilang mapatitig sa isa't isa, hindi naman mapigilang panaka naka ko siyang tignan.

Tumikhim ako at umayos ng upo. Inabot ko ang mansanas na kanina'y binabalatan ko at ang kutsilyong nakasugat sa akin.

"Ako nalang. Baka masugatan ka na naman." Rinig kong ani nito at kinuha sa akin ang prutas at ang kutsilyo. Muli ay nagdampi na naman ang kamay niya sa likod ng aking palad na nakapagpabilis ng tibok ng aking puso.

Narinig kong tumikhin siya at tuluyan ng inilayo ang kaniyang kamay sa akin.


Nakaramdam ako ng lungkot ng mawaglit ang init ng kaniyang palad sa akin. Iniling ko na lamang ang ulo at kumuha nalang ng dalandan upang balatan.

Magiging mahaba ata lalo ang gabi ngayon.


Ulap POV

Mahinhin akong naglalakad habang nagtatago patungong kusina. Sinasadyang hindi makagawa ng kahit anumang ingay.

Gabi na at alam kung halos lahat ng mga nagtatrabaho dito sa palasyo ay tulog na, syempre liban sa mga Guwardya na nagbabantay sa gabi.

Hinintay ko ang pagkakataon na ito upang makalusot papuntang kusina ng walang nakakaalam. Alam niyo kung bakit? Dahil gutom na gutom na ako.

Kulang ang kinain ko kanina kaya ito ngayon ang ginagawa ko.

Hindi ko naman kasalanan kung bakit kulang pa ang pinapakain nila sa akin. Hindi ko naman masasabing kulang pero para sa akin kasi napakakulang talaga.

Mamamatay ata ako sa gutom dito eh. Ang punto ko lang naman ay makita araw araw ang Mahal kong Reyna bakit napunta pa sa ganito.

Parang gusto ko na tuloy umuwi ng aking tahanan ng may mabigat at wasak na puso. Pero, hindi ako susuko dahil ang pagmamahal ko sa aking Reyna ay sing tibay ng isang gintong pader.

'Yon ang aking insperasyon. Pero, talagang ginugutom nila ang isang tulad ko dito.

Kaya, magnanakaw ako ng pagkain sa kusina.

Nang makapasok ay agad kong inimbestigahana ang buong paligid at nang makompermang walang tao ay agad na akong umayos ng tayo.

Maghanda na kayo mga alaga ko sa tiyan sapagkat bubusugin ko kayo ngayong oras.

Agad akong pumunta sa lamesang malaki sa gitna ng kusina. Agad na kuminang ang aking mga mata ng makakita ng mga iba't ibang prutas na nakalagay sa isang baskit doon.

Sa wakas.

Lumapit ako at kinuha ang kumpol ng ubas. Kumuha ako ng isang piraso at kinain ito.

At para bang lumutang nalang ako bigla ng malashan sa muling pagkakataon ang ubas na talagang sinasabiksabik kong matikman muli.

Maraming salamat!

Kumuha pa ako ng isang tangkay at agad ng umalis doon bago pa may makahuli sa akin.

Dumiretso ako sa harden ng palasyo at umupo sa ilalim ng isang punong nadaanan ko. Mabubusog talaga ako ngayong gabi.

Inilagay ko ang isang tangkay ng ubas sa aking kandungan at patuloy na kinain ang isa pa.

Napakasarap.

"Ah."

Nataranta ako ng may marinig na tinig ng babae. Teka, mag nag aanuhan ba dito?

Agad kong iwinaglit sa aking isipan ang hindi kaaya ayang emaheng nabubuo ko. Inilibot ko ang paningin at pilit na hinahanap ang taong gumawa ng tunog na iyon.

Sa tulong ng liwanag ng buwan ay nakita ko na kung sino, o sino sila.

Si Ion at Ang aking Mahal na Reyna.

A-ang aking puso.

Agad akong napatigil sa pagkain ng ubas. Bumagsak ang balikat at naiyuko ang aking ulo.

Napanguso ako.

Bakit sila nandito? At bakit si Iony, bakit niya kasama ang aking Mahal na Reyna? BAKIT?!

"Nakakaawa ka naman Ulap huhu." Nagulat ako ng may biglang nagsalita sa aking likod.

Nang tingnan ko ay ang nakakairitang mukha ni Hazel ang bumungad sa akin.

Ito na namang babae na ito.

Iwan ko ba pero napakalaki ng galit ko dito, wala naman siyang kasalanan sa akin— Meron pala! Ang nakakapikon niyang mukha!

Bakit ba kasi nakilala pa siya ng aking kaibigan na si Iony? Ha?

"Umalis ka nga dito? At isa pa, bakit ka nandito eh gabi na. Hindi ba dapat tulog kana?" Tanong ko dito.

"Hindi ba dapat iyN ang itanong ko sa'yo?"

Nagsisimula na naman akong mairita sa babaeng ito. Kalma Ulap.

Babae lang iyan.

Babae.lang.iyan.

Ngayon ang pagtuunan ko ng pansin ay paano ko makakalimutan ang mahal kung Reyna.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 24, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ROSAS (GxG | Intersex)Where stories live. Discover now