Sasahh gave her a warm smile. "Nakapaswerte ko nga. Sa 'kin lang niya iyan shinare. Ang sabi niya, ipapamana niya raw sa anak niya ang recipe na 'yan. Gustong-gusto raw ng anak niya 'yan." Gumuhit ang lungkot sa mukha ni Sasahh matapos magkuwento.

"I was just very sad about what happened to that family. Nadamay ang mag-ina sa ka-iresponsablehan ni Garry." Mabilis na tumibok ang puso ni Montana nang marinig ang pangalan ng kanyang ama kahit hindi pa niya sigurado kong iyon ang tinutukoy nito.

"Actually, nagsisimula pa lang sana ang pagkakaibigan namin ni Evelyn. Minsan niya akong iniimbitahan kapag nagkikita-kita silang magkakaibigan. Minsan ko na rin siyang naimbintahan sa bahay at ako sa bahay niya. I've met her beautiful daughter...si Klouber." At this moment she could feel her entire body trembling. Hindi niya matandaan na dumalaw ito sa kanila. Sa dami kasing pumupunta roon na kaibigan ng kanyang mama siguro ay hindi na niya pa napagtuunan ng pansin si Sasahh dela Fuente. May isa siyang natatandaan na kaibigan ng kanyang mama. Clara. Iyon ang natatandaan niyang pangalan. Iyon ang madalas sa kanila. Minsan din ay sinasama pa nito ang dalagang anak nito. Iyon ang best friend ng kanyang mommy pero matapos mamatay ang kanyang mommy ay hindi na niya iyon nakita pa. Halos lahat naman. Ang ilan ay nangumusta pa naman pero ng mga sumunod na araw ay hindi na dumalaw pa hanggang sa may mga taong dumating sa kanilang bahay ilang araw matapos mailibing ang kanyang mommy. Inabisuhan sila na kailangan na nilang lisanin ang kanilang bahay dahil pag-aari na raw iyon ng bangko—ang bangkong pag-aari ng Dela Fuente. Nang araw ring iyon ay inatake ang kanyang papa at higit pang naging mahirap ang sitwasyon nila.

"Sayang...Evelyn ended her life. Hindi niya kinaya ang mga nangyari sa buhay nila. At the end, ang bata ang naging kawawa dahil naiwan. Kumusta na kaya ang batang iyon?"

"Maayos naman siguro siya." Ang muhi ay mabilis na kumalat sa kanyang puso sa narinig mula kay Soft. Paano nitong naisip na maayos siya? Wala siyang matandaan na naging maayos ang buhay niya. Ang lungkot-lungkot ng buhay niya. Araw-araw malungkot.

Nagyuko si Montana. Ipinagpatuloy ang pagkain ng lasagna. Pilit na tinigasan ang puso para hindi malaglag muli ang mga luha sa kanyang mga mata. Napakaswerte. Pati ang paborito niyang pagkain—ang mismong recipe ng kanyang mama ay masyadong in-enjoy ng mga ito. Hindi lang ang pera nila.

***
NAPAPITLAG si Montana nang hawakan ni Soft ang kamay niya. Mula sa pagtanaw sa labas ng sasakyan ay napabaling siya rito.

"Parang nawala ka sa mood?"

"Sumakit lang ang ulo ko." Hinila niya ang kamay mula sa pagkakahawak nito. Sumilip siya sa bintana ng sasakyan. Nasa tapat na pala sila ng kanyang apartment.

"Nandito na pala tayo. Salamat sa paghatid." Inalis niya ang pagkakabit ng seatbelt, bumaba ng sasakyan bitbit ang pinadalang lasagna sa kanya ng mama ni Soft at ang kanyang shoulder bag sa kabilang kamay. Agad namang bumaba si Soft, umikot ng sasakyan patungo kay Montana. Kinuha nito mula sa kanya ang bag na naglalaman ng lasagna. Bumagsak ang paningin niya sa kanyang kamay na kinuha ni Soft. He held it with so much gentleness. With his gesture, she couldn't help but experience the sense of safety and affection that she had previously only experienced with her parents. How could she feel it with the man who had made her life a living hell? Safety and affection talaga? But then, he let him hold her hand as they walked toward her apartment.

Walang imik na inakyat nila ang hagdan. Hinayaan siya ni Soft. Nirespeto nito ang katahimikan na nais niya mula pa man kaninang nasa sasakyan sila. Pinisil nito ang kanyang kamay nang nasa tapat na sila ng pinto ng apartment. Ginantihan niya iyon ng magaan ring pagpisil bago hinila ang kamay mula sa pagkakahawak ni Soft.

"Salamat sa paghatid. Pakisabi rin sa mommy mo salamat sa lasagna."

"Sunduin kita sa school bukas? Bigay mo sched mo sa akin."

Bachelor's Inferno 2: Venomous Seduction Where stories live. Discover now