Minsan, tulad ngayon, oras ang ginugugol ko sa pagsisimula ng pagsusulat. Honestly, mas masarap mag Facebook mag-twitter, magbasa sa Wattpad, magtext, manood ng downloads. So bakit nga ba ako magsusulat pa? Magpapakahirap ako tapos P30,000 lang ang kikitain ko kapag naging movie yung pinaghirapan ko. Shet.
Knowing na hindi ko mapipilit sarili ko magsulat for now, nag-internet na lang ako. Nagcheck ng FB, nagcheck ng Wattpad, nag-download ng TV series na papanoorin ko mamaya kapag bored. Nagcheck na rin ako ng Jobstreet just in case may mga pumasok na sa applications na sinend ko.
Minsan nakakatamad na rin mag-Facebook. Lahat naman ng nasa Facebook, napapanood ko na rin sa Kapuso Mo, Jessica Soho—ang on-air FB group ng bayan. Iniisip ko, buong araw kaya walang ginagawa si Jessica Soho kundi mag-FB? "Eto, may bagong pinagkakaguluhan sa FB, gawan natin ng segment," sabi siguro nya. "Tapos kain tayo sa may UP, madaming kainan dun." Sarap naman ng buhay niya. Sana ganun na lang din buhay ko, walang ibang gagawin kundi mag-FB at kumain.
Nagcheck uli ako ng Jobstreet. Jut in case within 15 minutes eh may employer na nakatalisod sa profile ko at nagsend ng invitation for interview. Grabe, ang hirap talaga mag-hanap ng trabaho ngayon.
Tapos nagcheck uli ako ng FB. Ang galing ng FB no, five minutes ka lang mawala ang dami ng pwedeng mangyari. Kanina pag-check ko, ang daming links tungkol sa naglabasang nude pics ni Jennifer Lawrence. After five minutes, madami ng links tungkol sa mga blog articles na nagsasabing masama daw ang magshare ng nude pics ni Jennifer Lawrence kasi para mo na rin siyang ni-rape. Then, after five minutes, ang dami ng links tungkol sa mga blog articles na nagsasabing isang form of empowerment ang pagshare ng nude pics ni Jennifer Lawrence dahil bilang isang babae, wala siyang dapat ikahiya sa body parts nya. "Power to the Pekpek," sabi nung isang feminist article. Minsan, hindi ko na alam papaniwalaan dito sa FB na to eh. Check ko na lang later, kasi sa dami ng nagsasalita tungkol sa nude pics ni Jennifer Lawrence, ang hindi na lang nagsasalita eh si Jennifer Lawrence.
Nagcheck ako ng Twitter. Unlike FB, ang Twitter parang ref namin. Maya't maya ko chinecheck, pero wala pa ring interesting na pagbabago, puro latak at tira-tira lang. Daming requests for fan signs, daming shared quotes na pitumpu't pitong beses ko na nakita tulad ng "If you won't have me at my worst, you don't deserve me at my best" atsaka "Not all those who wander are lost".
Pero dahil wala pa rin akong strong feeling na makakapagstart ako sa new book ko, nagcheck uli ako ng FB. Minsan sa FB, alam nyo yung may friend kayo na sobrang nakaka-irita ang post, pero hindi nyo tinatanggal sa News Feed nyo kasi ang sarap sundan ng mga ka-epalan niya sa buhay? Don't get me wrong, friend ko naman talaga si Rhovibert, alam nyo yan. Buong high school life naming kami nina Jedelyn, Danimae, at Rhovibert ang magkakasama. Tatlo kaming girls, si Rhovibert ang beki. Siya yung nakakainis sa barkada, pero love nyo pa rin. Ganun for us si Rhovibert.
Pero now that we've all graduated from college, and may kanya-kanya ng adult life, parang raised to tenth power ang pagiging annoying netong baklang to. Two weeks ago kasi nakipag-break sa kanya bago niyang jowa after three days of being together, so si bakla todo post ng mga kadramahan tulad ng:
"Letting go is part of growing up." Tapos may selfie niya na nakangiti.
"Stronger. Happier." Tapos may selfie niya sa gym, pero ang taba-taba niya pa rin kahit araw-araw siyang nagpopost ng selfie sa gym. Sabi ko nga sa comment "Hoy bakla, walang nabuburn na calories ang pag-post! Baklang to, ampanget! Love you."
YOU ARE READING
That's So Meta!
HumorThis isn't the book "That's So Meta" (it's published already), but this is the story about my book "That's So Meta" so I'm calling this story "That's So Meta" too. This is the story of what happens after an author writes "THE END" at the end of her...
