Kabanata 9

1K 27 8
                                    

Amount

"Sige, Vio." Narinig kong sabi ni Audrey bago lumapit sa akin, may kung ano silang pinag-usapan ni Vio at hindi ko na rin naman tinanong kung patungkol saan ba iyon.

I already asked Audrey what's the real score between them, but Audrey is not why I thought. Akala ko ay makukuha na nito ang mga senyales ngunit nagkakamali ako, she still thinks that Vio is her friend when it's clearly not the other way around.

I could sense that this Villaflor boy likes my friend, no doubt, iyon rin kasi ang pinapakita nito. Manhid lang talaga si Audrey para hindi mapansin ang ipinapakita ng kaibigan niya.

"K-Kamusta na kayo...ni Kyros?"

Hindi ko siya sinagot, hindi ko rin naman talaga siya pwedeng bigyan ng kahit anong paliwanag. I don't have to explain for myself, and I don't want to take her to our mess. Mahirap na kung madamay pa siya, kung malaman niya ang totoo, lalo na't anak siya ng Gobernador.

Malaki ang galit ng mga politiko sa amin—sa mga Sinclair. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung bakit, lubog na lubog na ang pamilya namin pero may mga tao pa ring ayaw kaming tantanan at gusto pa ata na ibaon na ang pamilya ng tuluyan sa hukay.

Audrey, I hope you'll understand. I might tell you soon, but not now.

Nakakapagod mag-aral at mas lalong nakakapagod magtrabaho. Hindi ko tuloy lubos maisip ang kalagayan ni kuya. He's got a double degree course of accountancy and engineering, sa parehong kursong iyon ay maliit lamang ang binabayaran niya dahil scholar siya.

May ilang bayarin pa rin kasi ang pinaglalaanan niya ng pera kahit pa wala siyang tuition na binabayaran. Nag-aaral siya ng dalawang kurso habang nagtatrabaho. Bihira lang magkasakit si kuya ngunit kahit ganon ay nag aalala pa rin kami ni papa.

Napapabuntong hininga ako na nagtungo sa klase, hindi ko alam kung may natutunan baa ko ngayong araw. Lubog kasi ang isip ko sa pagkarami raming problema.

Una ay ang pagkakuryoso ni Audrey sa amin ni kuya, akala niya ata ay may relasyon kaming dalawa. Pangalawa ay ang panibagong trabaho na pinag iisipan ko, magandang raket rin kasi yon at dagdag sweldo.

Nasa daan ako papunta ng trabaho ng maalaala ang regalo sa akin noon ni Iverson. The gift card, matapos niyang ibigay sa akin iyon ay binuksan ko rin agad. He told me to buy everything that I want but the gift card has no digits.

Nandito iyon sa bag ko, lagi kong dala dala iyon. Kahit pa sa tingin ko ay walang laman, itinago ko pa rin kay kuya. Masunurin ako kaya ginawa ko ang sinabi sa akin ni Iverson.

Ako:

What does it mean if the gift card has no digits? No money is that it?

Pagtetext ko kay Mavi habang papasok ako ng mall. Paniguradong alam ni Mavi ang mga bagay na ito dahil isa ang pamilya niya sa mga kilala sa mundo ng pinansya. Ilang segundo pa ay nagreply naman agad ito.

Stupid Mavi:

Gift card? Bakit may gift card ka?

Naparolyo ako ng mata sa pagkachismoso nito.

Me:

Just answer my question, stupid.

I hit the sent.

Maya maya pa ay nakita ko na itong tumatawag. Napapabuntong hininga ko iyong sinagot at tinignan ang orasan sa palapulsuhan, mayroon pa naman akong fifteen minutes bago pumasok sa trabaho. I guess it won't hurt.

"Ano na, bakit may gift card ka?" Pang uusosyo niya.

"It's not mine, I saw a friend holding one, but it has no digits and I think it's weird." Pagdadahilan ko.

𝐑𝐄𝐒𝐓 𝐌𝐘 𝐒𝐎𝐔𝐋 | Bloodline Series #2 𝓐𝓻𝔂𝓷𝓿𝓮𝓵Where stories live. Discover now