"Nakss naman, prepared si idok" sabi ko, natawa naman siya sa sinabi ko. Inaamin ko, ang gwapo niya, matangos ang ilong, maputi, matangkad tapos pag ngumingiti lumalabas yung malalim na dimple niya. Kaya hindi nakakapagtaka kung mag kakagirlfriend toh agad dahil sa gwapo ba naman eh tapos matalino pa. pakak full package si accla.

"Tara na" pagyaya niya sa akin, Tumango naman ako sakaniya at sinundan siya.

Tahimik kaming nakaupo dito sa may damuhan at tinitingnan ang ganda ng kalangitan. Hanggang sa binasag ko ang katahimikan naming dalawa. Ayoko talaga ng tahimik nakakabingi. Pero bago pa ako makapag salita ay nauna na siya.

"Mahal mopa?" tanong niya na ipinagtaka ko.

"Bilib din ako sayo eh. Niloko kana ng harap-harapan pero minamahal mo parin." Ngayon alam kona kung ano ang ibig niyang sabihin.

"Sabi nga nila, kung mahal mo gagawin mo lahat para sakaniya. Kahit na ubos na ubos kana. Kahit na durog na durog kana. Kahit na pagod na pagod kana, mamahalin mo siya hanggang tuluyan kanang sumuko." Saad ko. Napatingin siya sa kalangitan at ganon din ang ginawa ko

"Alam moba kung gaano ka kaganda?" tanong niya na ikinatawa ko.

"Kasing ganda mo ang kalangitan nathalia" Saad niya na nagpatigil sa akin sa pag tawa

"Kung gaano kaganda at makulay ang kalangitan ay ganon din ang ginawa mo sa aming tatlo." Hindi ko maintindihan.

"Ang madilim na bahay ay ginawa mong makulay. Ang simpleng buhay nila ay ginawa mong maganda. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit pati ako nagkagusto sa isang kagaya mo nathalia" Teka tama ba naririnig ko? gusto ako ni aiden?

"Anong-"

"Tama ka ng narinig nathalia. I like you-No i mean, I love you..."

"Pero alam mo namang mahal ko siya diba?"

"Yes i know, pero mapipigilan mo ba ang puso?" Natigilan ako sa sinabi niya. Tama naman siya, hindi napipigilan ang puso lalo na sa pag ibig.

"Paano mo ako nagustuhan?"

"I don't know. Ganon naman talaga eh. Hindi ko alam kung pano nagsimula lahat ng ito. Ang alam ko lang gusto na kita nung unang makita kita. Hindi dahil sa maganda kalang. Nathalia, matapang kang babae." Natawa siya saglit na tila may biglang pumasok sa isip niya. "I still remember na pinilipit mo yung kamay ni duke kaya umiyak siya samin dahil sobrang sakit daw ng buong kamay niya dahil sa ginawa mo"

"Thank you for loving me aiden, pero mahal ko siya"

AIDEN'S POV

"Thank you for loving me aiden, pero mahal ko siya" sabi niya na ikinapiga ng puso ko.

shit aiden please not now... don't cry infront of her!

"I know. Hindi ko naman sinasabi ito para gustuhin mo din ako." Saad ko at ngumiti na mas lalong pagsakit ng puso ko.

"Bakit ganon? Nagkakagusto tayo sa hindi naman tayo ang gusto? Tapos kahit alam natin na hindi nila tayo gusto pinagsisiksikan parin natin yung sarili natin sakanila" Saad nya at tumawa ng mapait.

"Loving someone who doesn't love us back is like hugging a cactus, sa pag higpit ng yakap mo ganon din sakit ang ibibigay sayo. Don't push yourself to him just because you want him to love you back. Sinasaktan mo lang ang sarili mo sa ginagawa mo. Remember that you're not a robot. You have a feelings to and that is valid. Loving him is not a reason para saktan mo ang sarili mo. Tao ka nathalia, nasasaktan ka din. May taong nagmamahal sayo ng hindi mo lang alam, kagaya ko." 

The Unexpected Goodbye(On going)Where stories live. Discover now