"Mavius," Sabay naming nilingon ang kakapasok lang sa gate na si Iverson.

Mariin nitong tinawag ang pangalan ni Mavi, napapabuntong hininga na lumayo ito bago tumayo at inilagay ang dalawang kamay sa batok. Pinagmasdan ko ang dalawa na maglakad papalapit kay kuya.

Speaking of the devil, I remember how shocked I am when I came to view his examination papers. Alam kong matalino si Iverson—actually, silang tatlo—hindi lang halata kay Mavi. Pero wala namang nakapagsabi sa akin na ni isang tanong sa papel niya ay wala siyang mintis.

"The fuck?" Narinig kong malutong na mura ni Iverson kaya nilingon ko silang tatlo.

Si Mavi na ang may hawak ng hose na pandilig ni kuya at nakatutok iyon sa basang basa ng si Iverson. Gaya ni kuya ay wala na ring damit pang itaas si Mavi at tanging nakasuot na lamang ito ng pantalon at puting sapatos.

Iverson on the other side is still wearing his wet black shirt, masama itong nakatingin kay Mavi na tuwang tuwa naman na binabasa ang kaibigan. Pinapanood lamang ni kuya ang dalawa at kung minsan ay nakikitawa pa sa kalokohan ng isang kaibigan.

"Fuck you," Muling mura ni Iverson kay Mavi bago nito mabilis na hinubad ang basang basa nitong damit.

Oh...My...God.

Wala sa sariling napapaypay ako sa sarili kahit na mahangin naman dahil nasa labas kami.

"Pass, kita ko yung sa'yo. Masakit yan," Nakangising biro sa kaniya ni Mavi bago muling itinutok ang hose sa mukha ni Iverson dahilan para mabasa uli ito.

Iverson is now dripping wet.

Mas lalong dumilim ang mukha ni Iverson dahilan para mapatakbo ang isa ng humakbang ito para habulin siya. Iniwas ko ang tingin sa kanila, tumayo na rin ako at pumasok sa loob.

Pakiramdam ko ay biglang uminit ang paligid kahit pa na ang hangin hangin. Napasampal ako sa magkabilang pisnge ng makapasok ako sa loob ng mansiyon.

Ano bang nangyayari sa akin? Hindi naman na bago sa akin ang makakita ng hubad barong lalaki, may kapatid akong lalaki at may ama rin ako, hindi na bago 'yon sakin.

And Mavi, ilang beses ko na rin siyang nakitang topless dahil pagka naglalaro sila noon ni kuya ng basketball ay wala silang damit pang itaas.

B-But I-Iverson...

Earl freaking Iverson! He's...he's...

"Gilian, samahan mo muna ako rito,"

Natauhan lamang ako ng marinig kong tawagin ako ni kuya na nasa kusina na pala, napapalunok na lumapit ako sa kaniya at nakita itong naghahanda ng meryenda.

Napapabuntong hininga na tinulungan ko siyang dalhin ang meryenda sa labas, naabutan namin ang dalawa na parang batang naglalaro pa rin sa damuhan.

"You're going to pay for this," I heard Iverson's threatening voice. Hindi ko na ito nilingon dahil baka mamula nanaman ako.

"Magkano ba?" Tumawa ni Mavi, tunog nang aasar pa rin.

Maya maya ay naramdaman ko ang yabag ng dalawa kaya naman lumapit ako sa tabi ni kuya at doon dumukot ng meryenda. Tatawa tawang lumapit sa amin ang dalawa, parehong basang basa ang katawan.

"Ano 'yan, juice? Gusto ko ng alak, Kyros!"

I rolled my eyes on Mavi's complaint and request.

"Tanghaling tapat, tanga." Iverson scoffed.

"Wag kang mag meryenda kung ganon," Sabi ni kuya.

Imbes na magreklamo uli ay mas lalong natawa si Mavi, napailing na lamang ako. Panay na lang talaga ang katarantaduhan ng lalaking 'to, magugulat ka na lang talaga na nagseseryoso pala siya sa pag-aaral. Ugaling dugyot kasi.

𝐑𝐄𝐒𝐓 𝐌𝐘 𝐒𝐎𝐔𝐋 | Bloodline Series #2 𝓐𝓻𝔂𝓷𝓿𝓮𝓵Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon