Chapter 48

28 1 0
                                    

Camilla

Camilla's POV

I looked at the coffin of Sham. I still remember everyrhing that happened that night.

"Why not tell Zephyr about it?" Tanong ko sa kanya habang nagda-drive ako.

"Believe me if I say I really want to. Pero hindi pa 'to ang tamang oras. I'm also not ready. Saka na pag natapos na lahat ng 'to." Sagot niya.

"Fit yourself then." Sabi ko na lang. Natahimik kami dahil doon.

"Sino nga pala ang ama ng bata?" Tanong ko sa kanya. Napaiwas siya ng tingin sa'kin.

"That's not important Cam." Balewala niya sa tanong ko. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Don't tell me one night stan 'yan? Wala kang boyfriend ah." Sabi ko sa kanya habang nagpapalipat-lipat ng tingin sa kanya at sa kalsada.

"Who said I don't have one?" Mataray na sabi niya sa'kin.

"Meron? As in? So sino nga? Kailan pa?" Sunod-sunod na tanong ko. Tinaas niya ang kamay na parang sumusuko na habang natatawa.

"Okay, okay. His name is Shin. And this baby is not made by mistake."

"Kailan ka pa nagka-boyfriend?"

"Hm, 2 months ago. Sa New York pa."

"Malandi ka. 2 months pa lang tapos buntis ka na. Papanindigan ka ba ng kano na 'yan?" Panenermon ko sa kanya. I heard her chuckled.

"Hindi siya kano okay. Pilipino rin. Pero sa New York kami nagkakilala." I chuckled on what she said.

"Nasa loob din pala ang kulo mo. That means nanalo ako."

"Nanalo saan?" Nagtatakha pa niyang tanong.

"Talaga? 7 years ago nagpustahan tayo sino unang magkakaasawa. Kaya panalo na 'ko." Masayang sabi ko sa kanya.

"Tsk. Ilan ang pusta?" Ismid niya sa'kin.

"Mayaman na 'ko. Kaya 'di ko kailangan ng pera." Mayabang na sabi ko.

"So ano nga?"

"Gusto ko ako maghahatid sayo sa altar sa kasal mo." Nakangising sabi ko sa kanya. Napasulyap ako sa kanya.

"Hm, game." Nakangiting sagot niya sa'kin. 

I don't have a family. I grew up alone. I achieved everything on my own. I don't have anyone but myself. Pero nagbago 'yon ng makilala ko si Sham. Sa New York din kami nagkakilala. She lend me an umbrella nang minsan ay maabutan ako ng ulan sa daan at wala akong dalasang sasakyan.

And coincidentally, kaniya pala ang kumpanyang matagal ko ng ini-invest-an. 'Di rin kasi siya ang nagma-manage kung 'di si Pierre. Kaya hindi ko nalaman agad na kanya 'yon. Doon nag start ang friendship namin. I treasure her more than anything. More than myself.

Napansin ko ang isang itim na kotse sa likod namin. Nasa magkabilang gilid nito ay dalawang motor. Nasa kalsada kami kung saan wala masiyadong nadaan na kotse kaya kahina-hinala ang kotse sa likod.

Mukhang napansin din 'yon ni Sham dahil kumuha siya ng baril sa compartment.

"Sham, it's too dangerous." Pigil ko sa kanya nang marinig namin ang pagpaputok sa'min ng baril.

"It's more dangerous kapag wala tayong ginawa Cam." I hissed on her. Ang tigas ng ulo ng babaeng ito.

Mabilis kong kinalikot ang sasakyan upang makatawag kay Zephyr pero nagri-ring lang ang phone nito. Sinubukan ko ulit pero nakapatay na. I cursed at hinanap ang pangalan ni Pierre.

Devil's Disguise [Series Two] (✓)Where stories live. Discover now