I Stole Cuppid Arrow

2 0 0
                                    

2NASA restaurant si AA ng isang five-star hotel sa makati isang gabi at kausap ang isang art collector na nais bumili ng ilang mga gawa niya. They had an early dinner.

"Your grandfather and father must be so proud of you, hija," wika ni Mr. Mchills, ang art and design collector. "I've seen some of your works. Malaki ang posibilidad na malalagpasan mo ang mga napatunayan nila sa larangan ng sining."

"Maraming salamat po, Mr. McCarthy." Compliments never failed to make her heart glow. Natutuwa siya kapag may mga taong nagugustuhan ang mga gawa niya. She loved what she was doing and she was happy doing it. Malaking bonus na lang para sa kanya ang perang nakukuha mula roon, pati ang mga compliments.

"I should get going, hija," anito habang tumatayo. "I have another engagement tonight." "Thank you again, Mr. Mchills Ipapa-deliver ko
na lang po ang mga paintings sa bahay ninyo," sabi niya. Nagkipagkamay siya rito. "Keep on painting and designing, AA, and I'll keep on buying, "
anito bago siya iniwan.

Umupo uli siya at inayos ang mga gamit niya sa bag. Hindi naman na rin siya magtatagal. Maaga pa ngunit nais na niyang umuwi dahil may tatapusin pa siyang design sa bahay na pinapagawa ng boss niya

Tatayo na sana siya nang bigla siyang natigilan. Nakita niyang papasok sa restaurant si Nathan Matutuwa sana siyang makita ito roon-kung wala lang itong kasamang magandang babae. Nakahawak pa ito sa bewang ng babae at napakaganda ng ngitian ng mga ito. Kahit sino ang makakita ay hindi maniniwalang magkaibigan lamang ang dalawa.

Pakiramdam niya ay may sumuntok sa sikmura niya. Hindi siya makahinga nang maayos sa sobrang sakit na naramdaman. How could this happen to her twice in a row?

Sinundan niya ng tingin ang mga ito hanggang sa makapuwesto ang mga ito sa isang mesa sa sulok, inalalayan pa itong makaupo nakala mo gentlemen. Hindi siya napansin ng mga ito. They kissed after they made their order.not in the forehead, cheek but in the lips my friend ba na ganon ?

Doon sumiklab ang galit niya. How dare him do this to her!

Ano ang nagawa niyang mali upang gawin nito ang bagay na iyon sa kanya? Minahal niya ito nang labis at inalagaan nang husto ang relasyon nila. Halos ibigay niya ang lahat ng nais nito. Ipinagtanggol niya ito sa kanyang magulang at mga kaibigan na may ayaw rito. Marahas na tumayo siya at matapang na nilapitan ang mga ito. Hindi siya napansin ng mga ito dahil abala
pa rin ang mga ito sa paglalambingan. Natigil lamang ang dalawa nang tumayo siya sa harap ng mga ito. She knew her eyes were blazing with fury. She had never felt angrier in her life.

"Who are you?" tanong ng babaeng kasama nito. Pinagtaasan pa siya nito ng isang kilay. makikita no rito ang pagiging bitch na muhka .

Hindi niya magawang magsalita sa sobrang galit, at ang hinayupak na boyfriend niya ay ayaw tumingin sa kanya. Tinitigan niya ito nang masama, kung ang pagtingin at nakakamatay panihuradong dinsdale na ito sa hospital or morgue . "Do you know her, honey?" tanong ng babae kay Nathan.

He looked at her with cold eyes, "No." Itinatwa siya nito! Hindi raw siya kilala ng taong minahal niya nang labis. Ang kapal ng mukha nito!

Lalong nadagdagan ang sakit na nadarama niya. Nahaluan iyon ng galit. Pakiramdam niya ay bubulalas siya ng iyak anumang sandali. Nais niyang tumakbo palayo ngunit hindi niya maigalaw ang kanyang mga paa. Hindi niya gustong makita ng mga ito ang mga luha niya. Ayaw niyang magmukhang talunan sa harap ng mga ito. Ngunit bakit hindi niya magawang utusan ang mga paa niya na lumakad palayo?

Bigla siyang napapitlag nang may umakbay sa kanya. Nang lingunin niya ang may gawa niyon, ang nakangiting mukha ni Liam Robertson ang kanyang nakita. Sa kabila ng ngiti ito ay mapanganib din ang anyo nito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 30, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I STOLE CUPID ARROW Where stories live. Discover now