"I-I sacrifice my soul!" Sigaw ni Thana at saka niya sinasak sa bibig niya ang napakalaking Conjole at bigla ito nag-create ng black hole na naging dahilan para sipsipin nito ang mga nasirang katawan ng mga bangkay na kinokintrol niya kanina at ang mga bagay-bagay sa paligid niya, ultimong kami ay halos mahigop nito. Buti na lang at pumunta si Echidna sa harapan namin at gumawa ng barrier na naging dahilan para mapigilan ang tuluyang pagsipsip ng black hole samin. Tumayon naman sa amin si Arod para maiwasan din ang pagsipsip sakanya ng black hole na dulot ng ginawa ni Thana.

"Anong nangyayare?" Tanong ko.

"Iyan ang tinatawag na Sacrificial Lamb, master. Kung sainyo ay nakakapag-Morphine kayo, sa mga Nightress Necromancer naman ay ang Sacrificial Lamb ang way nila para makapag-Morphine sa kanilang mga Adjunctus na kung saan sinasakripisyo nila ang kanilang buhay para magawa ang Morphine na tatagal lang ng ilang araw. Hindi sila mamatay, pero hindi sila makagagamit ng Necromancy ng dalawang taon," Sagot naman ni Echidna. Katapos ng eksplanasyon niya ay bigla naman natangay ng black hole ang napakalaking two headed na bulate. Katapos itong mahigop ng buo ay umilaw naman ng kulay itim ang katawan ni Thana na may subong Orb. Unti-unti naman itong lumalaki, at may nabubuong kakaibang hugis.

"I'm back to kill you all. This is my new form—The Enigmatic Nightress Dragon Form!" Sigaw ni Thana habang tumatawa. Lumitaw sa harapan namin ang napakalaking bulate na may napakaraming kamay na naaagnas at mga ulo sa iba't ibang parte ng katawan niya. May dalawa naman itong pinakamalaking ulo—ang isang ulo ay ang mukha ni Thana, habang ang isa naman ay ulo na puno ng matutulis na pangil.

"You b*tch!" Sigaw naman ni Arod at susugurin na sana si Thana nang bigla na lang umuga ng sobrang lakas ang lupa.

"Mag-ssumon na naman ba siya ng mga undead?" Tanong ko. Pero nang makita ko ang natatakot ding mukha ni Thana ay nabahala ako.

"Hindi, mukhang bibigay ang floor na ito dahil sa ginawa kaninang damage ni Thana dito at dahil sa bigat niya ngayon," Sagot naman ni Invera. At bigla nga ay bumigay ang kinatatayuan ni Thana, at sumunod naman ang kinatatayuan namin. Kaya hinigit ako ni Calin para yakapin.

"Master!" Sigaw naman ni Echidna na agad kaming pinaluputan at ipinagaspas ang pakpak para makalipad. Doon nga ay tuluyang nahulog ang sahig, at isinama nito ang Enigmatic Nightress Dragon Form ni Thana. Dinig naman ang pagkasira ng iba pang mga floor na nababagsakan nito.

"Salamat, Echidna. Buti na lang at nakakalipad k—" Naputol ko ang sasabihin ko nang mapangiwi si Echidna.

"K-Kinagat niya ako," Sabi ni Echidna. Kaya tumingin ako sa may buntot niya at nakitang nakakagat ang ulo ni Thana na may napakahabang leeg ngayon sa buntot ni Echidna.

"Sabi na eh! May kakayahan siyang pahabahin ang leeg niya!" Inis na sigaw ni Arod. Ibinato naman nito ang chained-knife kay Thana, natamaan ito at sumabog pero parang wala lang sakanya ang atake ni Arod.

"Isasama ko kayo sa pagbagsak ko!" Sigaw ng isang ulo niya at pinaliit niya naman ang leeg niya na maging dahilan para mahila kami pababa. Sinubukan namang lumipad ni Echidna, pero napuruhan ang pakpak niya sa pagbagsak sakanya ng natirang malaking tipak ng floor forty-one. Niyakap naman ako ng mas mahigpit ni Calin, habang nakayakap naman si Arod kay Invera.

"S*ck it! Hindi pa naman ako makapag-focus dito at wala akong masusumon!" Gigil na sigaw ni Calin.

"Same!" Sigaw ni Invera.

"Extremely exhausted naman ako kaya hindi ako makalipad ngayon. D*amn!" Sigaw ni Arod. Nasama na nga kami sa pagbagsak ni Thana. Una namang lumalagapak ang tipak ng floor forty-one sa mga ibang floor kaya nasisira niya muna ang mga ito at hindi kami lumalagapak at tumitigil. Hanggang sa may natatanaw kaming floor na purong metal ang paligid. Pinaluputan naman kami ni Echidna para protektahan na nagpabahala naman sakin.

"Echidna, mapupuruhan ka ng malala!" Nag-aalalang sigaw ko. Kita ko namang lumagapak at tumigil ang floor forty-one doon. Kaya tumingin ako may Echidna habang umiiling-iling. Pero, ipinauna pa nito ang sungay niya.

"Ayos lang iyon, basta ligtas kayo," Sabi niya. At lumagapak na nga siya sa floor ng metal na nagpatigil samin sa pagbagsak. Hindi nga nakayanan ng sungay ni Echidna ang impact kaya naputol ito na naging dahilan naman ng panghihina niya.

"Woah! Nalingap lang tayo saglit sa kupunan ng Malevolent Phoenix ay ito na agad ang nasaksihan natin! Bumagsak sila sa twentieth floor—The Metal Paradise!" Dinig kong sabi ni Princess Tweqty. Pero hini ko na sila pinansin at nilapitan ang ulo ni Echidna at hinaplos-haplos ito.

"Echidna, pababalikin na kita sa Gahena para makapag-recover ka," Sabi ko at inilabas ang payong ko, "Rally, Echidna!" Sigaw ko. Papasok na sana si Echidna nang magulat kami sa paghigit ni Thana sakanya.

"Kakainin ko siya para mabawi ang lakas ko!" Sigaw ni Thana at saka kinagat ng isa pa niyang ulo si Echidna at ilahin papunta sakanya. Hindi naman makapagpumiglas si Echidna dahil sa panghihina. Sinubukan naman siyang sugurin ni Arod, pero nahuli naman siya ng isang ulo ni Thana dahil sa sobrang nanghihina narin ngayon si Arod dagil s amatagal niyang paggamit sa Morphine.

"N-No! Calin, Invera, help Echidna and Arod!" Umiiyak na sigaw ko. Kaya ibinuka ni Invera ang bibig niya at nagpalabas ng Bolt Dragon Fly.

"Roll in, Lornt of Water!" Sigaw naman ni Calin, at nang lumabas si Lornt ay ibinuka ni Calin ang bising niya, "I command you to do the Morphine!" Sigaw nito. Kaya nag-Morphine sila at tumingin namam sakin si Calin pagkatapos.

"Quinn, dito ka lang. Kami na bahala. Hawakan mo na lang ang mga gamit natin para hindi sila masira," Sabi ni Calin. Tumango naman ako at pinunasan ang luha ko. Sumugod naman sila at aatakae na sana nang biglang naglabas ng apoy sa kanilang bibig ang iba pang ulo na nasa katawan ng Enigmatic Nightress Dragon Form ni Thana, na hindi naman inaasahan nila Calin at Invera kaya natamaan sila nito at tumilapon.

"H-Hinde!" Sigaw ko at bumagsak na naman ang luha ko. I feel so useless, wala man lang ako magawa, "I am a big useless trash!" Sigaw ko habang sinasabinutan ang sarili ko.

"Yes you are, wala ka man lang magawa. Mahina!" Sigaw ni Thana habang ipinapasok sa bibig ang nanghihinang si Echidna.

"M-Master, don't listen to her. If I die, it's never be your fault. It's mine, because I am not strong enough to serve you," Nanghihinang sabi ni Echidna. Napaiyak naman ako ng matindi. Pero, nakuha ng atensyon ko ang pag-ilaw bag ni Calin. Kaya kinuha ko ito at binuklat. Doon ay nakita kong umiilaw ang lalagyanan ng mga Tarot of Stars, kaya out of curiosity ay binuksan ko ito at nagulat ako nang biglang lumutang ang umiilaw na Tarot of Aquarius.

"I need your blood for our contract," Sabi ng Tarot Card na nagpabigla sakin...

...

Woah! What was that, charing! Bitinin ko muna kayo! HAHAHAHAHA

Don't forget to vote, comment, and share my story (These three things matter for the growth of my story and of myself personally.)

THE ADVENTURE OF THE HERETICAL SANE SUMMONER (BXB)Where stories live. Discover now