Kabanata 6

1.1K 23 2
                                    

Name

"Do you have a girlfriend?" Nilingon ako ni Mavi habang naglalakad kami palabas ng gym matapos kong kunin ang student load ko na naglalaman ng subjects at schedule para sa pasukan sa susunod na linggo.

I didn't bother to look at his reaction and keep my eyes on the paper I'm holding. Si Mavi na ang sumama sa akin sa pagkuha ng schedule ko ngayon sa school dahil hindi nanaman ako nasamahan ni kuya dahil sa sandamakmak nitong trabahong kailangang tapusin.

"Since when did you get so nosy?" Bahagya akong napadaing ng hilain ni Mavi ang dulo ng buhok ko. Lumayo ako sa kaniya at sinamaan siya ng tingin.

"Alright, fine." Nagtaas ito ng dalawang kamay sa ere ng mahuli ang masamang tingin ko sa kaniya.

"Wala akong girlfriend, bakit may irereto ka?" Nakangising sabi nito sa akin bago kami nagpatuloy sa paglalakad.

Napairap ako, "Asa ka,"

Mavi chuckled before gesturing me to get inside his car. Hindi ito nakaducati ngayon dahil hindi naman siya papayagan ni kuya kapag nakamotor siyang kasama ako.

"But I do get steamy with other girls," Muling sumama ang tingin ko sa kaniya ng sabihin niya iyon matapos itong makapasok sa sasakyan at mapaandar ang makina.

"Why are you telling me that gross information?" Tanong ko sa kaniya at umaktong nasusuka sa harap niya.

Mavi smirked, "Curious ka e,"

"Yuck, are you sure you don't have aids?" Sabi ko sa kaniya.

Mavi again glanced at me with wide eyes while driving through the exit, one hand on the steering wheel and the other one is on the back of his neck.

"The fuck? Baby girl, I'm clean!" Pagdedepensa nito bago hindi makapaniwalang tumingin sa akin.

"Sige, kwento mo 'yan eh." I said then shrugged.

"For real, baby girl. I do get to know first the girls I'm going out before having sex—" Hindi ko na pinatapos pa ang eksplenasyon nito at agad ng tinakpan ang bibig niya gamit ang isang kamay.

"Oo na! Shut up, ang dami mong sinasabi!" Masama ang tingin na sabi ko sa kaniya.

"And don't call me that," I rolled my eyes at him.

Natawa si Mavi at hindi na nagsalita pa. Pinili ko ring manahimik na lang dahil baka kung anong impormasyon na ang masabi niya sa akin na hindi ko gugustuhin pang marinig.

"Tangina talaga," Rinig kong mura nito bago inihinto ang sasakyan. Nilingon ko ang harapan naming at nakitang traffic nanaman pala. Wala namang pinagbago, laging mabigat ang trapiko dito sa Dagupan.

Isinandal ko na lamang ang gilid ng ulo sa bintana ng sasakyan at hinayaan ang sariling lamunin ng isipan. Over these past few days, I couldn't help but to think what Iverson said to me back then. The way his eyes flickers, his jaw tightened, and the seriousness beyond his handsome face. It's scary.

Habang inaalala ko ay hindi ko pa rin maiwasang kabahan sa mga binitawan niyang salita. Hindi ko alam kung nagbibiro lang ba siya o hindi.

But Iverson is the type of guy that won't joke about something important I guess, sa kanilang magkakaibigan ay ito ang pinaka seryoso at si Mavi naman ang pinaka maloko.

Hindi nagtagal ay umusad na rin ang trapiko, iniliko ni Mavi ang sasakyan nito sa malapit na restaurant at nagpark sa harapan non. This is what I like about my brother's friends, you won't get to spend a penny if you're with them.

"Let's eat first," Sabi nito sa akin ng makalabas kami ng sasakyan at akbayan ako papasok sa loob ng restaurant.

Mavi and I decided that we should eat first before buying my school stuff at the mall nearby. Nakipagtalo pa nga ito sa akin kanina papasok kami ng eskwelahan dahil ang gusto niya ay siya ang magbabayad ng mga bibilhin kong gamit.

REST MY SOUL | Bloodline Series 2 By ArynvelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon