CHAPTER 27- Revelations

ابدأ من البداية
                                    

3

.

4

"Umupo ka na. Hindi na ako galit. Dito ka na ulit." -Bryle sabay higit sa akin paupo ulit ng sofa

sabi ko na hindi nya ako matitiis eh

"Hindi ka na talaga galit?"

"Hindi na nga!"

"Hindi daw? Eh sinisigawan mo nga ako."

"Eh kasi naman ang kulit mo!"

"So galit ka nga?"

"Ugh! Ewan ko sayo Nami."

"Haha. Hindi na. Hindi na. Peace na tayo Bryle. Ito oh susubuan pa kita ng pizza." sabay haya ko kay Bryle nung pizza

"Tsk." tapos kumagat naman sya

"Waah! Grabe naman! Ang laki naman nung kagat mo! Halos lampas sa kalahati eh!" sigaw ko sa kanya, ang unti na lang kasi nung natira sa pizza

"Sabi mo kumagat ako, edi kumagat ako. Wala ka namang sinasabing maliit lang dapat ang kagat." sabi nya sabay dinilian pa ako pasaway talaga

"In fairness huh Bryle nagkaka utak ka na ngayon, nauutakan mo na ako."

"Ngayon mo lang nahalata Nami?! Ang bobo mo talaga."

"Ayos lang, mas bobo ka naman sakin."

"Mas bobo ka!" -Bryle

"Mas ka!" -ako

"Mas bobo ka nga sabi eh!" -Bryle

"Ikaw nga sab-- ow Gintama na." natigil kami sa pag aaway nung sinabi ko yun at nag fix na lang ang mata namin pareho sa tv haha, lage na lang ganito, tv ang lageng nakakapagpatigil samin sa pagtatalo

Habang nanonood kami ni Bryle, napatingin ako sa kanya. Tawa lang sya ng tawa kasi nakakatawa nga yung Gintama. Ang ganda na ulit ng mood nya. Paano ko pa sasabihin sa kanya yung gusto kong sabihin? hays.

"Bryle.." napatingin sya sakin pagsabi ko nun

"Bakit Nami? natatae ka?--aw!" -binatukan ko sya

"Bakit naman natatae ang nasa isip mo dyan?"

"Wala lang, eh yun lang naisip ko eh. Bakit nga kasi?"

"Ah.. pa-pano .. ah wag na nga lang."

"Nami!"

"Tsk. Eh itatanong ko lang sana, pano, paano kung malaman mong, hindi ikaw ang first love ko?"

 pagkasabi ko nun, natigilan si Bryle

Aw. Sabi ko na nga ba dapat hindi ko na lang tinanong eh!

"Ah.. wa-wag mo na pala sagutin. Wala lang naman yun. Na-naisip ko lang out of the blue. Hehe. Wag mo ng isipin Bryle, nood na lang ulit tay--"

"Hindi. Gusto kong sagutin Nami." teka bakit biglang naging seryoso yung mukha nya?

"O-ok. Sige, ikaw ang bahala."

"Kung hindi man nga ako ang first love mo kagaya ng sabi mo, syempre sa una nakaka bwisit, kasi gusto ko ako lang yung minahal mo, pero on the other hand, hindi narin pala mahalaga yun. Una mo man akong minahal, pangalawa, pangatlo, pang apat, hindi na mahalaga yun sakin, ang mahalaga sakin ngayon eh yung ako ang kahuli hulihan mong mamahalin, wala ng susunod. Kaya sana ako na lang hanggang huli huh Nami?"

actually nakahinga ako ng maluwag nung sinabi nya yun, I'm glad he feels that way..

 "O-oo naman no! Hanggang huli ikaw na, promise yan." ngingiti na sana si Bryle pero napatigil sya nung

[GFFH Book 2] : OFFICIALLY HIS GIRLFRIENDحيث تعيش القصص. اكتشف الآن