Special Chapter [New Lives are Formed]

Zacznij od początku
                                    

Para saan pa ba yung katagang I hate you means I love you kung hahayaan ko yung sarili kong mainis kay Mianna dahil ganyan siya? Syempre, kahit ano pang mangyari... Mahal ko pa rin siya.

Dumating na yung orderpero bago yun, kinalahati ko muna yung coke dahil bawal sa kanya ang marami at ayun. Pinagsalo niya sa isang baso yung coke at sundae. Nasasarapan naman ako sa coke float ng McDo pero sa handmade coke float ni Mianna... even if it's also from McDo... I doubt.

After niyang kumain nun ay pinakain ko siya ng niluto kong gulay tapos natulog na siya.

8pm na rin kasi. Pinagmamasdan ko siyang matulog nang biglang kumulo yung tiyan ko. Lumabas ako ng kwarto at kumain tapos hinugasan ko ang pinagkainan ko. Ngayong panahon na 'to, ayaw niya kasi ng katulong kaya kaming dalawa lang ang nandito sa bahay.

Pagkalipas ng ilang minuto, tumabi na ako sa kanya at natulog.

***

"Good morning, husband." ^u^

Napamulat ako at nakita siyang nakatingin sa akin. Napangiti nalang ako. Kahit ang laki niyang tignan ngayon, maganda pa rin siya.

"Magagalit ka ba kung sasabihin kong mataba ka?" Tanong ko sa kanya na medyo kinakabahan dahil baka magalit siya.

"No!" nakangiti niyang sabi.

"Why?" takang tanong ko.

"Because I know I'm still pretty and if I'm not... You'll still love me no matter what, right?"

"Right." Sumaya ako doon sa sinabi niya. She trusts me. At totoo naman yung sinabi niya. Kahit ano pang itsura niya, siya pa rin ang nag-iisang babae sa buhay ko.

Hahalikan ko sana ang noo niya nang biglang may nag-doorbell.

Tumayo ako at naghilamos saka bumaba para buksan ang pinto.

"Too early." =__=

"Grabe ka talaga Charles. Pag kay Chessa ang bait bait mo na at sweet pa. Sa amin, wala. Same old Charles." ~ Josh, na kunwaring nagta-tampo.

"Tss. Do you want me to change?"

"Oo naman! Maging mabait ka naman sa amin kahit minsan. Daya mo eh. Pagsilbihan mo naman kami. Yung mga ganun."

"Really? Then work hard to be my wife too. Tsk. Just be thankful that I'm letting you enter this house. Come in. You're welcome."

"Nako! Di na talaga magbabago yan si Charles. Si Chessa nalang ang pag-asa natin para maging tame yan. Pero ayos lang. Mabait naman siya eh. Sadyang may pagka-masungit lang minsan." Sabi naman ni Nech.

Tumawa ako. Sa totoo lang, hindi naman talaga ako masungit eh. Nung high school, sadyang straight face lang ako tapos tahimik dahil may pinagdadaanan. Ngayon naman, pinagtri-trip-an ko lang sila. Saka ang aga kasi nila. Nag-uusap pa kami ni Mianna eh.

"Oh. Akala ko masungit lang. Baliw ka na rin pala." ~ Kelly, na medyo isip bata pa din hanggang ngayon kahit na malaki na din ang tiyan na parang nakalunok ng watermelon.

"Shut up. Hindi naman ako masungit, you know that. I'm just kidding you, guys. But believe me, nagbago na ako since the day that me and Mianna got married. I have a smiley face now." Sabi ko saka ngumiti.

"Asus! Yun oh. Iba talaga pag blue na yung buhok. HAHAHA. Himala rin na nagta-tagalog na talaga kayo eh!" Luigi, who became manlier now. ~~,

"Baliw. Sino kayang mas nakakatawang buhok sa atin? Sa akin blue, medyo matino pa taste ng asawa ko. Eh sayo, pink? O-kay?"

"Psh. Honey kasi bakit ba paborito mo pa ang pink at buhok ko pa ang napag-tripan mo?" Tanong niya kay Kelly.

Gangster's "I Hate You"Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz