Part 9

10 11 0
                                    

Mizumi Pov

Busy akong nakikinig ng music habang nagawa ng assignment at nag-aaral ng may tumawag ng pangalan ko kaya tinignan ko yun.

"Ate Hwa Young" sabi ko

"Sabado na sabado ng aaral ka?" tanong niya sakin kaya ngumiti ko

"Di po pwede mag paka chill chill malapit na ang midterm isa pa tambak ang mga school work, ayaw ko naman pong mambakan" sabi ko tsaka Tumayo

"Sana katulad mo si Eun, matalino naman yun kaso tamad kaya wala den" sabi niya tsaka lumabas ng study room kaya sinundan ko siya

"Ano po palang kailangan Ninyo?" tanong ko bago Umupo sa kama siya naman nakatayo lang doon sa pintuan ng kwarto ko

"Kala ko nandito sila Eun" sabi ni kuya tsaka nilibot ang mata sa kwarto ko

"Sila Eun?" takang tanong ko

"Nag paalam siya na mag boboding daw sila ng barkada niya kaya akala ko kasama ka at nandito sila" sabi ni Ate Hwa Young

"I'm sorry but I don't know anything about that" sabi ko

"Ok lang sorry sa istorbo" sabi ni Ate

"Ayos lang po" sabi niya tsaka hinawakan ang doordob para isara na ang pinto

"Study well" sabi niya bago isara ang pinto ng tuluyan

Bago bumalik sa study room tinignan ko muna si Chico sa kulungan niya pero nabaling ang tigin ko sa bintana kaya binuksan ko yun, usok yun mula sa

"Garden" sabi ko ng marinig ko ang boses ni Ate Hwa Young na tinatawag si Tita kaya dali dali kong kinuha yung jacket ko para lumabas

"Mom bakit may usok doon sa garden?" malakas na tanong ni Ate Hwa Young

Lagot mukhang alam ko na kung nasaan si Eun

"Di ba sabi ko sirain na yun" malakas na sigaw ni Ate Hwa Young bago bumaba ng hagdan susundan ko sana siya ng makasalubong ko si Tita na may hawak na mga kumot

"Tara" sabi niya tsaka ako sinama pababa ng hagdan

"Hwa Young ano ba yun?" tanong ni Tita pagbaba ng hagdan nasa sala si Ate habang tinitignan yung usok sa bintana

"Ano yung usok na yun?" tanong nito tsaka tinignan si tita "Mula yun sa garden ni Dad" seryosong sabi nito

"Ahh sabi ko sayo di ba papasira ko na yung mga tanim doon kasi papatayuan ko nga ng pool area" kalamadong sabi nito

"Sa gantong oras?" takang tanong nito "para saan naman yang hawak mong mga kumot?" tanong nito habang nakatigin sa mga bitbit ni Tita

"Dadalhin to ni Mizumi sa mga kaibigan niya doon sa isang garden nandoon sila mag babarkada nag pipicnic" sabi ni Tita tsaka binigay ang dala niya sakin

"Ako na ang mag dadala" sabi ni Ate at aakmang lalapit ng mag salita si Tita

"Si Mizumi na, ng maayos nila ang problema nila ni Eun" seryosong sabi nito tsaka tumingin sakin "ilang linggo na kayo di nag kikibuan ayaw naman Ninyo sabihin ano problema kaya ayos na to para kahit papaano mag usap kayo dahil nasa harap kayo ng mga kaibigan ninyo" sabi ni Tita tsala hinigit ako papuntang back door "Matulog ka na Hwa Young sure akong pagod ka na, ako na bahala dito" sabi ni Tita bago kami tuluyan umalis

"Anong ibig sabihin nito tita" sabi ko habang palabas kami sa backdoor "Kailangan ko rin matulog na may club meeting kami bukas" sabi ko

"Linggo?" takang tanong niya

"Yap, aalis po kasi kami ng Monday, linggo lang ang bakanteng oras namin para mag usapa usap" sabi ko

"Pero birthday mo yun" malungkot na sabi niya

"Ok lang po I don't celebrate my birthday either" sabi ko na kinalungkot niya

"Ok kung ayaw mo talaga pero pwede dalhin mo to kila Eun" sabi ni tita nga tinap yung dala ko

Ng nood lang naman ako at sinunod ang utos niya habang papalapit ako ng papalapit nakakarinig ako ng ingay parang nag kakagulo

Paglapit ko kila Eun doon ko na kita na ng papanic sila dahil yung apoy lumalaki kaya siguro malakas yung usok, nakita ko sila na kanya kanya silang bato ng bottle water mga tanga ba sila, tinignan ko yung paligid ko at may nakita akong balde ng mga lupa kaya kinuha ko yun at nilapag yung dala ko bago sila lapitan st binuhos yung balde ng lupa sa apoy. Mukhang nagulat pa sila sa ginawa ko.

"Mizumi" sabi ni Eun

"Hindi Ninyo talaga mapapatay ang apoy na yan kung bubuhusan Ninyo ng tubig lalong Lalo na kung nasa plastic bottle pa" inis kong sabi tsaka sila tinignan ng masama "Due to the plastic, you are merely increasing the fire's size and the color of the smoke" sabi ko tsaka tinignan ang palagid "Mas mabuti kung lilipat na lang kayo sa garden ni tita, kitang kita sa bahay ang usok na ginawa Ninyo mabuti na lusutan ni tita kung di nandito na sana si Ate Hwa Young at pinapagalitan kayo" sabi ko tsaka binalikan yung iniwan ko na kumot tsaka sila tingnan "Gagalaw ba kayo?" iritang sabi ko kaya sumunod naman sila

Pinagunahan ni Eun ang lakad papuntang garden ni Tita inayos nila yung set up nila kanina tsaka Umupo binigay ko naman yung mga kumot na dala ko sa kanila

"Ang lamig" sabi ni Byeol

"Wag na kayo gumawa ng apoy mas Lalo lang tayong mamatay ng maaga" sabi ni Ichica at tinignan ako "at baka ma sermonan na naman tayo" sabi niya tsaka ako inirapan

"di naman kasi kayo marunong" sabi ni Rico tsaka ng balot ng kumot

"parang marunong ka ah" sigaw ni Eun

"Ako na ang gagawa" sabi ko na kinatigil nila

Pumunta ako sa gitna nila at nag hukay ng di naman kalaliman tsaka ako inabutan ni Min-jung ng mga kahoy

"Thank you pwede ka rin ba kumuha ng mga bato" tanong ko

"Sige" sabi niya tsaka humanap ng bato di naman siya nahirapan dahil may nakita siyang balde ng mga bato, binigay niya yun sakin tsaka ko pinalibot sa hukay na ginawa ko.

"Do you have lighter and some gasoline?" tanong ko at bigla naman inabot ni Eun yun sakin "Salamat" sabi ko

tsaka ko sinimulan apoyan ang bonfire

"Wow" sabi ni Byeol "See boys ganayan gumawa ng bonfire" Masayang sabi ni Byeol

"Kapag lumaki ang apoy wag ninyong papaypayin o buhusan ng tubig, find sand and pour it slowly so that the fire goes down" sabi ko tsaka Tumayo at doon ko nakita si Ichina na pilit binabalot ang katawan sa malaiit na kumot kaya hinubad ko yung jacket ko at inabot yun sa kanya, tinignan lang niya ako ng masama pero ako na mismo ang ng sout nun sa kanya tatangalin pa sana niya kaso ng salita na ko "don't worry it's branded, at isa pa wag ka na mag inarte kung ikakabuti mo naman" sabi ko kaya tumingin siya sakin

"Kung may galit ka sakin I don't care dahil wala naman akong ginagawa sayong masama, kung gusto mong magalit your free to do that wag mo lang tanggihan ang kabutihan na pinapakita ko sayo but don't think na paraan to para suyuin ka at para makipagbati sayo because I will not do that to people who are angry with others for unknown reasons" sabi ko

Unexpected LoveNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ