Chapter two

14 0 2
                                    

*knock knock*

'Ano ba yan ang ingay. Leche oh.'
Lalo akong bumaluktot at itinakip sa tenga ko ang unan na lagi kong niyayapos.

"Gumising at kumain ka na!"

Napaungol ako. Naman eh, sarap ng tulog iistorbohin.

"Sì sì, arrivo mamma."

Tumayo na ako at nagunat unat. Tumingin ako sa labas ng bintana, pagabi na pala. Lumapit ako doon at tumingin sa baba. Ang mga puno ay wala ng mga dahon, nawalis na rin ang mga walang kulay at lantutay na dahon.
Nagmumuni muni pako ng biglang may kumatok sa pinto.

"Lillienne malamig na ang pasta mo!"

Dali dali akong pumunta sa pintuan at lumabas. Nung mapansin kong wala akong tsinelas bumalik ako sa loob ng kwarto upang isuot sila at baka mamura na naman ako ni mama.
Pagkapasok ko sa kusina nakita ko ang plato ko sa lamesa. Habang kinukuha ko iyon, pakinig ko sina mama at papa na nagtatawanan sa salas kasama ang nakababata kong kapatid na si Dylan. Dalawang taon lng sya at napakacute na hindi mo mahihindian. Napangiti ako ng mapait. 'Atleast ngyon happy sila.'
Kumuha ako ng inumin at bumalik sa kwarto ko para dun na kumain. 'Pasta carbonara, grabe favourite ko to. Yay!' Habang ninanamnam ko ang pagkain ko, tumawag sakin si Giada.

"Hoy bukas punta ka ha!"

"Hello, ok lng ako thanks." Note the sarcasm.

"Oo na oo na. Basta pupunta ka ha?09.00pm sharp sa piazza Venezia para maginom muna."

"Sure, pero kung magiinom tayo, kanino tayo sasabay pauwi?"

"Di yan, mahuhulasan na naman tayo bago mag 4am. Tsaka ikaw pa!"

"Ge."

"Wow ha, ang haba ng sagot mo!" Napakunot ang noo ko.

"Edi wow." Ano pa bang sasabihin ko? Sa wala akong masabi eh.

"Bukas anong susuotin mo?" Oo nga no?

"Ewan, bahala na si Batman. Ikaw?"

"Di ko parin alam. Naghahanap ako ngyon."

"Aaah."

Di ko na sya tinuunan ng pansin, hinayaan ko lng syang magsalita ng magsalita. Kesyo yun daw, kesyo ganto daw. Ge, pagbigyan na ang kadaldalan neto, basta ako carbonara na lng.

"Huy! Nakikinig ka ba?"

"No." Sorry naman, pranka ako eh.

"Thank you ha? Ang sama mo!" Naiimagine ko na tong nagpapout, ohmygod, childish.

"Kelan pa naging masama ang pagsasabi ng totoo?" Sagot ko at natememe naman sya.

"Sì okay, ho capito! Ge na, sa isang bukas na lang ulit. Wag mong kakalimutan ang lakad ha? Ciao!" Sagot nya.

"Certo, ciao."

Pagkatapos kong kumain, humiga na lng ulit ako at inilagay ang sa iPod ang favourite band ko, ang Linkin Park. Weird nga daw ako, bihira lng daw ang babae na kakaiba ang taste sa music, yung hindi masyado nakikiuso?
Habang nakikinig ako ng music nakahiga lng ako at makatingin sa door-sized na bintana sa mismong tapat ko. Nasa province kami sa Italy kaya ang nakikita ko sa labas ay bundok at langit. Madilim na sa labas at medyo makulimlim ang langit. Baka uulan, hindi ko makikita ang mga bituin na nagsisiningningan sa langit. Seryoso? Ganto na ba ako ka-poet? Ang lalim ata nun ah? 'Nagsisiningningan'. Ughh nacocornyhan ako sa sarili ko.
Saglit akong napatigil at napaisip uli. Okay, I think randomly. Pero.. Ilang taon na rin ang nakalipas. Wow, three fucking years since my life stopped to be so misery. At ngyon pa lng ako nakakabangon. Bullies, heart break, family problems. Yeah, that's why I hate being a teenager, and that's also the reason why I'm just being cool with everything. Ayaw kong mastress.

Ang daming nagbago sa tatlong taon. Bukod sa physical improvement ko, naging silent at observer ako. At dun ko napatunayan, na madaming tangang kabataan ngyon. Hindi ko tinutukoy ang mga may bisyo kasi kasali ako dun pero hindi ko nakakalimutan gamitin ang isip ko. Ang tinutukoy ko ang mga iba dyan na mga papansin. For example, one time pumunta kami sa disco. Wala kaming masakyan kaya nag tren na lng kami, tutal 20mins lang naman yon. May mga teenagers na ok lang ang damit, may tatak, pero ang pagcocombine ng kulay? One word: jeje. Pero baka ako lng iba ang taste sa pananamit at puro black ang gusto ko. Gothic, I know. Btw, papunta rin sila sa disco, halata naman. Pero ang nakakabadtrip ay yung ang lakas ng music nila, nagdala kasi ng speaker. Nagkumpulan sila sa isang bahagi ng tren, sa mismong entrance. Ang iba nakatayo, ang iba nakahilata sa sahig at naninigarilyo. Tanga lang no? Nakasulat nga na bawal mag yosi kasi di aircon dito. Pero sila? Kow, papeymus eh, anong gagawin. Syempre sinita sila ng mg tauhan ng treno pero ang mga papeymus nagpasikat at nangatwiran pa. Sinigaw sigawan nila ang empleyado at tinulak tulak. Ang result? Napatigil ang tren ng halos 15mins at dumating ang mga pulis. At ang 20mins? Naging halos 40mins.
Yan, yan ang mga taong papansin na nagmamarunong na tinutukoy ko. Halata namang magaling lng sila sa porma. Ang iba nakaporma na hiphopster di naman marunong sumayaw. Ang iba nay dala dalang penny na akala mo marunong gamitin, nakasabit lng nmn sa bag. One word: baduy.

*Kinabukasan*

Tinatamad akong pumasok, pero gusto kong maentertain muna kaya dadaan ako sa tapat ng school bago pumunta kung saan ko trip. Nakita ko na naman sina Mara at Federica. Sakto.
Napatawa uli ako ng maalala ko ang nangyari kahapon. Sorry pero sila na naman ang pinili kong flavor of the day. 'Oh wait, sorry not sorry!'
Lumapit ako sa kanila.

"Hi." with matching fake smiling face. Mukha namang nagiba ang aura ng dalawa at tiningnan ako ng masama.

"Chill, hindi ako manggugulo, nakakasawa kayo eh." Depensa ko.

"Allora bakit ka nakikipagusap samin?" Mataray na sabi ni Mara. Ha! Tingnan natin kung magmamataray ka pa.

"Eto naman, gusto lang sana kitang icongratulate." natatawa kong sagot sa maala Cherry Gil nyang tanong.

"Congratulate? Haha. Para saan?" Tila kabadong tanong ulit ni Mara.

"Kasi kayo pala ni Francesco, nakita ko kasi kayong magkasama. Napadaan kasi ako sa park nung pahapon. Nagjojogging ako nun eh."

Nakita kong namutla ng bahagya si Mara at nilingon sya ni Federica na nagtataka. At para ispice up ang entertainment ko ngyon, nagsalita pa ako. 'Let's go with the details, baby.'

"Nagulat nga ako. Akala ko ang girlfriend ni Francesco si Federica? Pero nung nakita kitang nakaupo sa lap nya habang naghahalikan kayo, sabi ko 'Ah mali, si Mara pala'. So yun lang, congratulations uli." At ang bilis ng pangyayari guys. Sinabuyan ni Federica si Mara ng coffee iniinom nya at nagsigawan na sila. Lahat ng nasa paligid nagulat.

"Baliw ka ba?! Kita mong mainit yan!" Sigaw ni Mara.

"Malamang kape yan! Ikaw! Ang landi landi mo! Tinuturing pa naman kitang bestfriend!" Sigaw pabalik ni Federica.

"Naniwala ka naman agad kay Eulienne?! Tanga ka?! Hindi kami ng boyfriend mo!" At napatigil naman si Mara dun. Actually lahat napatigil. Wala nang magsisibulungan at hindi na nagbubulyawan ang dalawang babaeng to. At dahil napapatawa talaga ako kanina pa sa kanila, narinig nila ako.
Tiningnan ko sila ng painosente at nagsalita uli.

"Oopss?" Mala anghel kong sagot.
Akmang susugurin ako ng dalawa nung nagsalita pa ulit ako.

"Hep hep hep. Hindi si Federica yun, pero pinicturan ko ang babae ng oh-so-boyfriend mo." At ipinakita ko sa kanya ang cellphone ko.

"A-anong ibig sabihin neto?" Pabulong na tanong ni Mara. Syempre totoo naman ang sinabi ko na nakita ko ang boyfriend nya na may kasamang iba, kaya lng bored talaga ako kaya sinabi ko na si Federica yun. 'Talino ko talaga.'

"Pasalamat ka sinabihan kita." sabi ko. At habang tinitingnan pa nila yung picture natanaw ko na si Francesco at napairap ako. Seryoso? Sabay pa talaga kayong papasok ng kabit mo? As in, seryoso? Gago gusto atang mahuli eh. 'Ah, wait. Bistado na pala sya. Hahaha.' At boom, news of the week po mga kababayan. Nagkakagulo na po sila ngyon at parang may mapapaaway pa.
I'm sooo entertained. Oh well, good mood na ako. Off to my next destination na. lol

---
Baci, Kes x

Nonchalance.On viuen les histories. Descobreix ara