"Kung ganon, manonood na lang ako tuwing practice niyo!"



"Are you really sure, Ms. Figueroa?"



"Yes. Mr. Class President."



Nagtawanan kaming dalawa. Pagkatapos ay muli kong tinuon ang atensyon ko sa aking binabasa.




Natapos ang free time namin. Sinabihan ko si Cali na mauna na muna sa building dahil may kukunin pa ako sa locker room. He insisted na samahan pa ako pero pinigilan ko siya. Nagpunta ako sa locker room habang wala pa masyadong tao. Kailangan ko kasi ang mga books ko for our next subject which is history and literature.




Nagulat na lang ako dahil paglabas ko, may tatlong babae na ang nag-aabang sa akin. Isa na sa kanila si Ciara Louisville. This bitch again.



Naka crossarm pa siya habang nakatingin sa akin. Ang isa naman sa kasama niya may dalang malaking gunting habang ang isa ay ngumunguya ng bubblegum.




"Transferee ka pa lang pero gusto mo agad na umangat sa taas. Last time si Gavin, the other day si Reverie and today are you with Calisto Morales, the team captain of the men's volleyball."



"Bakit crush mo rin ba si President Shio and Calisto? Kaya umiiral na naman yang sakit mo?" pambabara ko sa kanya.




Lalagpas na sana ako sa kanila pero bigla niya na lang akong hinawakan ng mahigpit sa braso. Sa sobrang higpit ay bumabaon na ang kuko niya sa balat ko kaya naoahiyaw ako sa sakit.




"I'm still talking! 'Wag kang bastos!" 



Mabilis niya akong sinampal sa pisngi. Now, that was the real deal.



Kung mahina lang sana ang pagkakasampal sa akin, papalampasin ko pa siya. Baka kasi nademonyo lang ang kamay niya pero napangiwi ako dahil pumutok ang labi ko. Damn! Ang walang hiya na 'to ay sinampal ako kung saan din ako sinampal ng ate ko.




"Wag kang aangal na parang hindi kita binaalan ah!" banta ko pa.



"Girls! Hold her!" utos niya sa mga asungot na dala niya.

PahimakasWhere stories live. Discover now