Chapter 4

1 0 0
                                    

I can't believe it. Dati nahihirapan kaming maghanap ng members pero ngayon halos 100 students na ang gusto sumali sa club sa dahilanan na diko alam.

"Ok, Guys we have a problem." Mauei announced.

Alam ko nato. Obvious na obvious na nahihirapan sya na mamili sa lahat ng participants na gusto sumali.

"Maliban sakin, 10 members lang dapat ang nandito sa club tapos 5 nalang ang natitirang spots since nandito na ang tatlo pero sa rami ng nag aaply ang hirap pumili." Dugtong nito.

"I'm sorry my beloved sister. It's not our fault kung ang mga fangirls namin gusto mag sign up sa club." Mahangin na sabi ni Ean na kapatid ni Mauie.

Totoo nga ang sabi nya. Simula nang pumasok sila sa club marami na talaga ang may balak na sumali. Hindi ko lang na ma imagine na may kapatid pala si Mauie na kambal. Mga gwapo ito at super talented din. Kasama pa nila ang best friend nila na si Marc na super talented pero si Pres padin ang pinakagwapo sa paningin ko.

"You'd better shut up!" Irita na sabi ni Mauie.

Tahimik lang si Pres ngayon sa hindi malaman kung bakit. Patingin tingin sya sa mga gustongag sign up. Tiningnan ko ito at napangiwi. Halos babae ang mag oauditon.

"Okay, We only need five Members to complete the team. Reece Help me mag pic ng members. Angel and Cris, kayo ang mag explain sa mga hindi qualified na there is no room left but do it in a nice way so that we can't offend them. And Boys buy this things. Supply natin nyan this month. Siguraduhin nyo na maganda ang quality ng mga strings at cord na bibilhin nyo." Pag sesegrate ni Mauie ng mga role namin.

I was amazed at this girl. Napaka Kind hearted nya talaga naisip pa talaga ang damdamin nang iba kahit na hihirapan na siya. Napaka considerate kaya I'm so grateful to meet her.

...

Natapos din ang crisis. Nakompleto na kami at ang sarap sa pakiramdam na kahit hindi kopa tuloyan na kilala sila lahat, kampante na ako sa kanila. Nag explain ulit si Mauie sa mga rules and regulations, Vision, and To Dos and Practice time namin. Kaya nakapahinga na ulit kami ng konti.

"Leanne, Sabi ni ma'am na pumunta daw tayo sa storage room para kunin ang test papers para sa exam natin bukas." Sabi ni Pres.

Tumango lang ako at sinundan siya. Ng umabot na kami sa Storage room may apat na box kaming nakita doon binigay nya sakin ang pinaka magaan na box at binuhat ang tatlong mabibigat.

"Hey, Ako na sa isa." Alalang sabi ko sa kanya.

"I can manage. Wag mong alalahin." Sagot nya naman.

"Eh? Gusto ko fair tayo." Tutol ko.

" I said na I can manage. Ayaw kong mahirapan ka at saka ang bibigat ng mga ito." Paliwanag nya na nakapangiti ng damdamin ko.

Atehhh!!!! Ano kayang shampoo ginamit ko kanina. Ang haba ng hair ko ngayon ha. Ayaw nyang mabigatan ako? Lord, Is this a sign. Pero nawala ang ngiti ko ng maalala si Mauie.

"Uhmn, pres... Curious lang. Matagal na kayung kilala ni Mauie?" Tanong ko sa kanya.

"Ever since we were kids." Tipid nyang sagot.

Ouch childhood best friends baka childhood sweetheart. Ayaw ko non. Hindi ko yata kakayanin pag si Mauie pa ang hadlang sa aming pag ibig. Charot.

"Kaya pala." Sabi ko.

"Naging crush mo?" Tanong ko sakanya.

Please sana "hindi kaibigan lang ang tingin ko sa kanya" ang sagot nya Lord. Ikaw Cristina pag ma broken sisihin mo sarili mo. Bat ang tagal nyang sumagot. Nangangatal nako dito.

"Alam mo ba na naging MU kami dati nung bata pa kami? Crush namin ang isa't isa noon pero wala ning isa samin ang umamin. Hanggang sa nag Grade 5 ako.Napunta at doon nadin ako nakatira for almost 2 years  sa Germany dahil sa work ng daddy ko. Tapos ang bruha may crush nang iba ang lala pa non crush din sya nang crush nya kaya naging broken ako nun. Secret lang to ha wag mong iakakalat." Kwento nito.

Ouch! Wag kang iiyak cristina! Kasalanan mo yan kung bakit ka nasaktan. Deserve mo yan. Pero ang sakit pre. Sa lahat ng babae na pwede kong maging karibal si Mauie pa talaga na ang pinakauna kong naging kaibigan sa school na ito. Nag aamoy love triangle sis. Ayaw ko nito. Dapat ako yung main character hindi yung best friend ng main character na may gusto din pala sa male lead. Ayaw ko nito. No!

"Ikaw ha... So crush mo parin ba hanggang ngayon?" Panunukso kung tanong sa kanya kahit na masakit.

"Crushless era ako ngayon. Focus sa School. Study first ang era ko ngayon." Pabirong sagot nito.

Sa sagot nya, gumaan ang pakiramdam ko. Akala ko Love triangle na ang magiging Theme ng Storya na ito, hindi pala. Yehey wala ng chansa na mag away kami ni Mauie sa iisang lalaki. Sana.

"Ikaw Leanne, Sino crush mo?" Tanong nya sa akin.

Nabigla ako sa tanong nya. Diko alam kung ano ang gagawin ko. Sumakit na ang tiyan ko dito dahil sa mga paroparo na nagwawala dito.

"Hey, I'm asking you." Sabi nya.

Huminga ako nang malalim at nagtangkang kantahin ang kanta ni Lola Amor.

"What if I told you that I fallen?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 18 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

His Rebound Friend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon