Misunderstanding

20.7K 499 5
                                    

Cianna's Pov:

Yown wednesday na siguro naman pwede na akong pumasok, ilang days rin akong napahinga sa bahay pano si ate fria apura ang sermon saakin, gusto ko na daw bang magpakamatay dahil ayaw kong magpahinga, dahil sa sobrang rindi ko sa kanya pinagbigyan kuna, hindi ako pumasok ng monday at tuesday. Nakakabagot dito sa mansion,dahil puro maids nalang ang lagi kong nakikita, kahit nga si ate ayaw akong iwan, buti nga dun natulog sa kwarto niya ngayon. Tumayo na ako at naligo, pagkatapos ay nag ayos na ako ng gamit medyo, nakakaramdam parin ako ng konting kirot pero ok lang kaya ko naman tiisin.

Knock... knock...

Come in "sabi ko ng hindi tumitingin sa pinto, dahil inaayos ko nga yung gamit ko.

Eodie gayo? ( where are you going?) "Dahil sa narinig ko, alam ko na si ate yung nagsalita, kaya naman humarap ako sa kanya ng seryoso.

Ae kakoisseoyo hakkyo ( im going to school) "sabi ko sa kanya at humarap na ulet sa mga gamit ko.

Cia napag usapan na naten yan diba, na hindi ka pa papasok hanggat hindi pa tuluyan magaling yan sugat mo - ate fria "galit na sabi niya saakin, hindi ko siya pinansin at lalabas na sana ng kwarto, pero bigla siyang humarang sa pinto.

Ate magaling naman na ako, isa pa inip na inip na ako, kaya pwede ba umalis ka jan sa dinadaanan ko, habang naiisip ko na ate pa pala kita "inis na sabi ko at nilagpasan siya, pero pagdating dun sa baba tinawag niya yung mga guards at si butler lee para harangan ako.

Wag nyong hayaan makalabas yan, bantayan ninyong mabuti - ate fria "at tumingin saakin ng masama, napangisi naman ako.

Subukan nyo kong pigilan, hindi na kayo makakalabas ng mansion nato ng buhay "kaya naman biglang nagsilayuan yung mga guards at si butler lee. Ate pwede ba sinunod ko naman na yung gusto mo, but this time ako naman ang masusunod para sa sarili ko, masaktan ako mamatay ako then fine wala na akong pakialam "sabi ko kaya naman mas lalong sumama ang tingin saakin ni ate.

*slap* kung ikaw walang pakialam sa sarili mo, pwes ako meron dahil im you're sister, hindi mo alam kung anong nararamdaman ko sa tuwing nasasaktan ka, alam mo ba nung nalaman ko yung nangyari sayo halos mamatay ako sa sobrang kaba. Now cia tell me, if you really want to go to your school, then fine but make sure, na hindi ako ang sisisihin nila mom at dad, kapag may masamang nangyari sayo - ate fria " hindi ko lubos maisip na nasampal ako ni ate dahil hindi niya kayang gawin saakin yun, ngumiti ako sa kanya at lumakad.

All this time ate ikaw ang sinusunod ko, pero bakit yung gusto ko hindi mo mapagbigyan, you're selfish "sabi ko at umalis na ng mansion, nagpahatid na ako kay manong.

Buong biyahe akong tulala, dahil hindi parin ako makapaniwala sa ginawa ni ate. Ngayon lang niya ako nasampal, hindi ko alam kung magagalit ba ako sa kanya pero hindi ko magawa, nandito na ako sa school papunta na ako sa room, ng makasalubong ko sila bricx sa hallway. Huminto sila sa harap ko kaya tumingin ako sa kanila ng walang emosyon.

Nag iisa ka yata nerd? - calix

Baka iniwan na nung mga kaibigan niya, sumama sa ibang nerd - matthew

Tinignan ko sila ng masama bago ko sila sagutin, wala ako sa mood ngayon dahil sa nangyari.

Tumabi kayo sa dadaanan ko kung ayaw nyong masaktan, wag kayong sumabay ngayon "inis na sabi ko, nakita ko naman napangisi si bricx at calix, si saimon naman tinignan ako ng masama, habang si matthew ngumiti lang.

The Four Legendary Eyed PrincessesWhere stories live. Discover now