Pumayag ako sa kagustuhan niya na kuhain ang kakayahan kong mag-lucid dream. Tiyak na hindi ko kakayanin kung mananatili pa ako sa panaginip ko, sigurado na maaalala ko lamang siya.

Pumasok kami sa malaking kulay gintong pinto. Pagkapasok ay agad kong nakita ang mga tila duwendeng pinapanood ang mga crystal balls na nakalutang.

"'Yan ang crystal ball kung saan makikita ang panaginip ng mga tao, diyan ka unang nakita ni Drake," nakangiting aniya.

Pumasok siya sa isang kulay asul na pinto. Puro crystal ball din ang laman nito.

"Sa kwartong ito nakalagay ang crystal ball ng kagaya mong lucid dreamer," aniya niya at kinuha ang isang crystal ball.

Sa paglapit niya ay doon ko lang napagtanto na sa 'kin iyon. Mula sa crystal ball na hawak niya ay nakikitang ko ang binuo kong mundo.

"Sa oras na makarating ito sa kaniyang dapat paroonan ay unti-unting paglalaho si Drake sa mundong ito. Muli siyang babalik sa mundo kung saan talaga siya nararapat," paliwanag niya sa akin.

"Handa ka na ba, Zoey?" Tanong niya sa akin at tanging pagtango lang ang aking nagawa. 

Pinagulong niya ang aking crystal ball sa isang parang maliit na riles ng tren. Pinanood ko ito hanggang sa hindi na maabot ng aking paningin.

Nagpaalam saglit si Princess Calestina. Ang sabi niya ay maaasikasuhin lamang siya saglit.

Pinagmasdan ko ang buong paligid, muling namangha sa ganda nito.

Unti-unti kong inihakbang ang aking mga paa. Inilibot ang aking sarili sa palasyo ng Goddess of Dream.

Halos makalimutan ko ang reyalidad sa labis na pagkamangha. Maganda ang buong paligid, maaliwalas, at payapa ngunit sa kabila noon ay tila ba may kakaiba.

Napukaw ng isang pinto ang aking atensyon. Tila ba may ingay na nagmumula sa loob nito. Dahan-dahan ko itong nilapitan ngunit wala akong narinig na ingay.

Aalis na sana ako ng muli akong nakarinig ng kaluskos. Idinikit ko ang aking tenga sa pinto. Mula sa labas ng pinto ay dinig ko ang mahihinang pagdating, hikbi, at ang tila nagpupumilit magsalita.

Wala akong ibang ginawa kun'di ang maglakad pabalik-balik, nagtatalo ang aking isip kong bubuksan ko ba ito.

Sa huli ay napag-desisyonan kong umalis na doon at bumalik sa pinag-iwanan sa akin ni Princess Calestina. Ilang minuto lang ay bumalik na rin siya.

"Tara na, ibabalik na kita sa panaginip mo," naka-ngiting wika niya.

Aalis na sana kami ng biglang may pumigil sa kaniya. May binulong ito sa kaniya at dali-daling nagpaalam ulit siya sa akin at sabay silang umalis.

Kakaiba ang babaeng iyon. Mula sa maliwanag sa lugar na ito at sa puting kasuotan ni Princess Calestina ay masasabi kong ibang-iba talaga ang babaeng iyon. Ang lahat ng bagay sa kaniyang katawan ay itim.

Hindi ko alam pero agad akong dinala ng mabibilis kong hakbang sa pintong nakapukaw ng atensyon ko kanina. Muling tumubo ang kuryusidad sa aking puso.

Walang pag-aalinlangan kong binuksan ang pinto na siyang ikinagulat ko ng tumambad sa akin ang mga nakagapos na tao. Tatlong babae at isang matandang lalaki na walang malay na nakahiga sa sahig. Ang isa sa mga babae ay tila nakita ko na.

Agad kumawala ang butil ng luha sa kanilang mga mata.

Mariin kong tiningnan ang isang babae na sa tingin ko ay nakasalamuha ko na.

Dumaloy ang sari-saring emosyon ng mapagtanto ko kung saan ko siya nakita.

"P-princess C-calestina?" Naguguluhang tanong ko.

Naguguluhan man ngunit nilapitan ko pa rin sila upang tagkalin ang busal sa kanilang bibig at tagkalin ang pagkakatali nila sa kamay at paa.

"Nasaan si Morrisa?" Agad na tanong ng isang babae sa akin.

"Morrisa?" Balik na tanong ko sa kaniya.

Gulong-gulo pa rin ang utak ko. Muli kong pinagmasdan ang kahawig ni Princess Calestina. Isa lang ang pinagkaiba nila iyon ay mas maamo ang muka ng babaeng nasa harap ko.

"Sino ka?" Tanong ko sa babaeng ito.

"Zoey, ako ito si Princess Calestina," pakilala niya sa akin.

"Bakit mo ako kilala? Hindi ikaw si Princess Calestina."

"Naikwento ka sa akin ni Drake bago siya umalis. Ako ito, Zoey," nangungumbinsing wika niya.

"Hindi!" Dahil sa kalituhan ay nasigawan ko ito. "Kasama ko ang totoong Princess Calestina. Tinulungan niya ako upang mailigtas si Drake. Tinulungan niya ako upang maibalik sa reality si Drake."

Gulat na gulat siya sa sinabi ko. Tila ba may mali akong ginawa na tiyak na pagsisisihan ko.

"Buhay sa buhay," seryusong wika niya.

"Anong sinasabi mo?" Naguguluhang tanong ko sa kaniya.

"Buhay sa buhay ang ginawa mo, Zoey."

"Hindi ko maintindihan," naiiyak na wika ko sa kaniya.

Muli na sana siyang magsasalita ng bigla marahas na bumukas ang pinto.

Bumungad sa amin si Princess Calestina, ang babaeng kasama ko kanina. Ang babaeng tumulong sa akin. Ang babaeng pinagkatiwalaan ko ng lubos.

"The show is over," naka-ngising wika nito.

THE BOY IN MY DREAMWhere stories live. Discover now