Kabanata 14

202 7 0
                                    

Sunod-sunod ang naging bilin ni Almirah kay Lazarus nang nasa private plane na sila nito. She kept on reminding him to not make a scene when they arrive at Italy.

She's already expecting them to freak out dahil ngayon lang siya may dadalhin sa kanilang bahay at lalaki pa. It makes her anxious but she's trying to calm herself down.

"Kung tanungin ka man nila kung magkaano-ano tayo, just tell them that you're Almiah's father," bilin niya pa rito.

Alam na rin naman kasi ng pamilya ang tungkol kay Almiah. They actually love to see her, pero dahil hindi pa puwedeng isama dahil mayroon pa itong pasok, sa susunod niya na lang gagawin iyon.

Nakatitig lamang sa kaniya si Lazarus habang panay pa rin ang pagsasalita nito. Ayaw niya ng gulo kaya mabuti na iyong binibilinan niya ito ngayon.

As she was explaining everything to him, he was just watching her lips at it moves while she utters every word. Alam niyang nagsasalita ito pero wala siyang naririnig. It was like he's lost in his own world.

Ilang araw na rin silang magkasama pero ngayon lang siya nagkaroon ng pagkakataong pakatitigan ito at hangaan ang kapansin-pansing pagbabago ng mukha ng kaharap.

She's beautiful back then, pero mas naging maganda pa ito ngayon. Nag-mature din ang kaniyang aura na siyang dahilan upang mas madepina ang bawat detalye ng kaniyang mukha.

"Naiintindihan mo ba ako?" Doon lamang bumalik ang isip ni Lazarus sa kasalukuyan.

"Uh-huh," iyon lamang ang naging sagot ni Lazarus habang tumatango. Isang matalim na titig ang nakuha niya mula kay Almirah.

"Oh sige nga. Kung nakikinig ka sa akin, ano yung mga sinabi ko?" She raised a brow on him. Humalukipkip ito sa harap niya, then she tilted her head a bit. Nanghahamon ang mukha nito habang hinihintay ang anumang sasabihin niya.

He let out a deep sigh. "Fine. Wala talaga akong narinig sa mga sinabi mo," pag-amin niya sa huli.

"Uulitin ko na naman?" Iritado nitong sinabi. "Bakit ba kasi hindi ka nakikinig? Ang dami ko nang sinabi tapos wala ka palang narinig?" She clicked her tongue in annoyance.

"I was busy watching you, okay? I got distracted."

"H-Ha?" Nauutal na tanong ni Almirah. She was taken aback by his straightforwardness.

"I said I was busy watching you," ulit pa nito dahilan para mag-iwas ng tingin si Almirah dahil hindi niya matagalang salubungin ang mga mata ni Lazarus. His eyes watching her intimidates her for an unknown reason.

Halos isang minuto rin bago siya nakabawi. Tumikhim muna siya bago ito muling nagpatuloy sa pagsasalita.

"Ang s-sinabi ko lang naman kanina ay hayaan mo akong magpaliwanag sa pamilya ko kapag nandoon na tayo. You just need to agree on everything that I will say para wala na silang maraming tanong," pag-uulit niya sa sinabi niya kanina.

"What if I want to disagree? Lalo na kung hindi naman tama ang sasabihin mo, do I get to disagree and explain what really happened?" Lazarus asked as his brows were deeply furrowed.

Almirah rolled her eyes. Ito rin ang dahilan kung bakit nagdalawang isip siyang isama ito kanina.

"Sakyan mo na lang kasi ako!" Sa inis niya ay napalakas ang pagkakasabi niya roon, ngunit sa huli ah nanlaki rin naman ang mga mata niya sa kung anong nasabi niya.

"I mean... sundin mo na lang lahat ng sasabihin ko. M-Makisama ka, gan'on," pagtatama niya dahil alam niyang medyo malisyoso ang unang term na ginamit niya.

"Sakyan na lang kita, kung gan'on?" Ulit ni Lazarus sa tonong nanunuya. May bahid ng ngiti na naglalaro sa kaniyang labi.

"Sakyan mo ang sasabihin ko, hindi ako," pagtatama naman ni Almirah. "Paulit-ulit ka kasi kaya namamali ako ng sinasabi," dagdag niya, before for the nth time, rolling her eyes on him.

The Billionaire's Bedwarmer Where stories live. Discover now