Ay wag na baka masira yung GWAPO daw niyang muka.

Baka ako pa ang maging dahilan sa pagpangit ng muka niya.

Inirapan ko naman ito at sabay sabing...

"Wala!."tinawanan lang nito sabay iling.

Baliw bato? Lord konen nyo na poh si kaizer fles lang.

"Nga pala ilang araw nang nakalipas bago ka lumipat sa section D."bigla namang sumeryoso ang muka nito habang nakatitig sakin.

"...Ano nga pala pangalan ng mga magulang mo?"tanong nito sakin.

"Olivia Atenio Serrano ang pangalan ng mama ko."sabi ko sabay ngiti.

Bakit nga pala niya natanong? Type ba niya mama ko? O baka naman isearch niya fb tapos-

"Eh ang papa mo?"bigla naman akong nakaramdam ng lungkot sa tanong na lumabas sa bibig niya.

Bakit ganito ang nararamdaman ko kapag binabanggit ang salitang papa?

Bumibigat ang pakiramdam ko at  hindi ko na namalayan na tumulo na pala ang luha ko.

Ang sakit mula nung iluwal ako ni mama sa sinapupunan niya hindi ko nakita ang papa ko.

Ang akala kolang non ay nag abroad siya pero patay na pala siya.

Sa tuwing nakakakita ako ng mga bata na kasama ang mga papa nila, hindi ko maiwasang mainggit.

Bakit ganito? Bakit sakin pa nangyari ito? Matagal nang nangyari yon, wala pa akong sa mundong to wala na si papa.

Pero para saakin parang ngayon lang nangyari yon o sa nakaraang buwan lang.

Kapag kinukwento kase ni mama saakin ang nanyari kay papa, feeling ko nakita ko lahat ang nangyari. Feeling ko nandoon ako kung kailan at saan nangyari yun.

Kaya ang sakit isipin na lumaki akong walang ama. Ang sakit tanggapin kase pangarap ko nang kumpletong pamilya.

Hindi ko namalayan na nakahawak na pala ang kamay ni kaizer sa kamay ko.

Tinignan ko siya at puno naman ang pag-aalala nito sa mukha habang nakatitig rin saakin.

"Hey, jane okay kalang? May nasabi ba 'kong hindi maganda?"nag-aalalang tanong nito.

Binawi ko naman ang kamay ko at pinunas ang mga luha ko.

Ngumiti ako sa kanya at umiling. Gusto kong yakapin si papa, kahit hindi kona muli siya makikita alam kong nandyan siya para sakin para bantayan ako.

Uhaw na uhaw ako sa yakap ng isang ama.

Sana magpakita siya kahit sa panaginip lang.

Sana nga.

"W-wala okay lang ako. Naalala kolang kase si papa."yumuko ako at pinaglaruan ang mga daliri ko.

"Why?"

"Patay na kase siya kaizer."kita ko naman ang paglungkot ng muka nito.

"S-sorry jane, i didn't mean that-"pinutol ko ang sasabihin niya.

"Hindi okay lang. At tsaka wag ka mag sorry ano kaba?"sabi ko sabay ngiti.

Pilit kong pinapagaan ang sarili ko dahil ayokong makita ni kaizer na ganito ako kahina.

Ayokong isipin niya na iyakin ako. Sadyang nadala lang ako kase pilit ko siyang kinakalimutan tapos ipapaalala niya.

Pero okay lang yon. Siguro kailangan kolang tatagan ang loob ko para kapag binabanggit na ang papa sa harapan ko ay hindi na ako magiging emosyonal.

The Only Girl In Section D (On Going)Where stories live. Discover now