DONKISSS

44 0 0
                                    

WRICON!(ONE SHOT STORY)
Dominotrix

----

"I'm happy for you,"ani ko kahit ang  totoo ay hindi iyon ang nararamdaman ko, na halata naman o mababakas naman sa boses ko ang sakit at lungkot na kong ano man ang nararamdaman ko ngayon.


"Thank you,"he replied. Pero walang emosyon akong nakikita sa kaniyang mga mata ng banggitin niya iyon. Bago tuloyan ako nitong talikuran at maglakad palayo.

Na siyang dahilan naman nang biglaang panghihina ko at pagmamalabis ng mga luha ko sa pagtulo mula sa aking mga mata. Hindi kinakaya ang sakit na nararamdaman.

Tuloyan nang nawala ang taong pilit kong pinanghahawakan , na akala ko'y hanggang dulo'y aking maipaglalaban.

Ngunit hindi ko na kaya pang siya'y aking panghawakan. Sapagkat siya'y akin na lamang masasaktan, kung ipagpipilitan ko sa sarili ko na h'wag siyang pakawalan.

Masakit. Sobrang sakit. Habang nakikita ko siyang nag lalakad papalayo sa akin. Ngunit kailangan kong tiisin dahil ito'y aking naging desisyon.

Ang relasyon na meron kami ay wala naman kaming pinanghahawakan sa isa't isa, pero alam kong mahal namin ang isa't isa. Alam kong iniintay niya lang ako na hanggang sa maging handa na'ko. Dahil alam niyang hindi ko pa kayang pumasok sa isang relasyon.

Alam niya ang mga pinagdadaanan ko sa buhay. Kung paano ako maghirap at magsakripisyo para sa pamilya ko.  Kung paano ko natitiis magutom para lang may maiuwi akong pera at pagkain para sa pamilya ko.

Gusto niya na akong asawahin pero natawa lang ako sa suwest'yon niya kasi akala ko nagbibiro lang siya n'on pero nakita ko sa mga mata niya na hindi siya nagbibiro.

"Na'ko! Donny, masyado pa tayong bata para maging mag asawa,"natatawang sabi ko na lamang rito.

"Why not? Kaya naman na kitang buhayin. Kung gusto mo, tutulongan pa kita sa problema mo sa pamilya mo. Hindi mo na kailangan maghirap pa at magtiis,"seryosong saad nito. Habang matamang naka-tingin sa aking mga mata. Mababakas ang labis na pagmamahal para sa'kin.


"Donny, alam mong ayaw ko sa gan'yan. Ayaw kong gustohin lang kita dahil sa mayaman ka. Ayaw kong ipamukha sayo na sa sobrang hirap ko kailangan pa kitang gamitin para maka-ahon ako sa Buhay. Kaya ko ang sarili ko Donny at kargo ko ang pamilya ko. Sorry pero hindi ko kailangan ng pera mo at lalong lalo na ang awa mo,"nasabi ko dahil parang tila biglang uminit ang dugo ko.

Ang balak ko nang pagtalikod upang maglakad na paalis at layuan siya dahil baka makapagsalita lang ako ng hindi tama, ay naudlot dahil sa biglang paghila niya sa kamay ko at mabilisang pagyakap sa'kin.

"Sorry... Sorry... Alam mo naman kong gaano kita kamahal. Hindi sa naaawa ako sa'yo. Actually proud nga ako sa'yo dahil kinakaya mo lahat. Kahit na pati ako ay dumadagdag na rin sa problema mo. Sorry... Dapat ako nagiging pahinga mo, pero parang dumadagdag pa ko sa pasanin mo. I'm really sorry, Kisses,"sabi niya na siyang dahilan ng pagtulo ng luha ko at mahigpit na kong napayakap sa kaniya. Doon lahat nagsibuhosan ang sakit na pinagdadaanan ko at ang kirot na matagal ko nang ikinikimkim.


Marahan niyang hinahagod ang aking likod. Na para bang sa pamamagitan no'n ay parang nawawala ang mga sakit na dala-dala ko.

"Thank you, Donny. For coming into my life. Kahit wala pang kasiguradohan ay pilit mo pa rin akong hinihintay. Hayaan mo pag naging ready na'ko. Worth it naman ang paghihintay mo. Magiging sayo ako ng buong buo,"sabi ko na siyang dahilan ng pagkalas ng pagkakayakap niya sa'kin at hinawakan ang mga pisngi ko at pinakatitigan ako sa mga mata.

I WAS ENCHANTED TO MEET YOU Where stories live. Discover now