Never click suspicious links
Reminder: Wattpad will never ask for passwords, payment information, or other sensitive account security details.

First Meet

6 0 0
                                        

"Today does not mark the end of our journey. Rather, it is just a beginning to a more challenging and uncertain future." I looked at everyone in front of me. They were sitting quietly as they listened carefully to the speech. Bawat estudyanteng nasa harap ko ay may suot na ngiti sa kanilang mga labi, gayundin ang mga magulang na nakaupo sa bandang likuran ng gymnasium kung saan kasalukuyang ginaganap ang isa sa pinakamasayang event sa buhay naming mga estudyante. I can't blame them. We have the right to be happy. Even if we still have a long way to go, at least we
are half way through it.

"In a world full of uncertainty, love is the only thing that remains certain. As we have been taught to love, let us be the one to share this love for others, and for the whole world. Thank you." The gymnasium was filled with the sound of applause and cheers from the audience. I was greeted with smiles and greetings as I marched my way back to my assigned seat. The only thing that I can do is to smile at them and say thank you to some of the greetings. Hindi ko naman kasi sila kayang pasalamatan lahat since ang dami nila.

"Congrats, boss! Galing mo talaga." Bungad na bati sa'kin ng katabi ko pagbalik sa upuan. Agad naman akong nagpasalamat sa kanya at hinintay na lang matapos ang ceremony. Hindi naman sa hindi ako masaya. Of course I'm very happy! It's my moving up ceremony today. It's what I've been waiting for my whole life. Hindi lang talaga ako sanay sa maraming tao. Ewan ko ba kung bakit ako nahihiya madalas. Ever since the pandemic happened and naging teenager ako, I've felt more insecure about myself. Feeling ko kasi palagi silang nakatingin sa akin. Buti nga na-overcome ko 'yong stage fright ko kanina habang nag-sspech ako sa stage. Also, hindi na rin ako sanay makipag-interact nang matagal sa mga tao. Sobrang bilis maubos ng social battery ko, especially kung hindi ko naman ka-close 'yong kausap ko.

My thoughts were cut off when the emcee announced that it is time to give our diplomas. Agad na akong pumila sa gitna kasama ang iba kong kaklase para maghanda sa pagtanggap ng diploma since nagsimula na kami tawagin isa-isa para pumunta sa stage. We were accompanied by our parents. Sadly, tatay ko ang kasama ko ngayon para kumuha ng diploma. Mas gusto ko kasi si mama pero pinilit niya na tatay ko na lang daw ang isama ko sa stage para siya naman daw ang magpipicture sa amin. No'ng binigay kasi 'yong awards ko kanina, walang maayos na picture na nakuha ang tatay ko habang sinasabitan ako ng medals ng nanay ko. Buti na lang may reserba akong pics sa mga friends ko. Hingi na lang ako mamaya after ng ceremony hehe.

"Melendez, Jozhua Andrae S." Sabay kaming naglakad ng tatay ko papuntang stage nang tawagin na ang pangalan ko. Kagaya ng mga usual na ganap sa mga gan'tong event, we shook hands with the principal as she greeted us.

"Congrats, 'nak." Sabi ng tatay ko bago iabot ang diploma sa'kin. "Thanks, 'dy." I was not expecting that he would hug me right after that. Is it bad that I feel a little cringey or embarrassed? Hindi lang talaga kasi ako sanay na ganito siya. Most of the time, magkaaway kami kaya hindi ko siya pinapansin pero ngayon...sobrang iba siya from the usual. Parang umalis 'yong demonyo sa katawan niya.

Agad naman ding natapos ang "sweet moments" namin ng tatay ko nang tawagin ni mama ang atensyon namin para kuhanan kami ng picture. Thank God natapos siya agad. Life savior talaga ang nanay ko kahit kailan.

Nang matapos na ang bigayan ng diploma, tinawag na ang batch namin para pumunta sa stage at kantahin ang aming graduation song which is also the final part of the program. It was a song of Bruno Mars entitled Today My Life Begins. Habang kumakanta kami, 'yong iba sa amin nag-iiyakan na. 'Yong iba naman deadma lang. And I'm one of them. Nakarelate ako sa lyrics ng kanta though.

Next school year, I'm already a senior high school student. Mas exciting siya since lilipat na ako ng school. I'll also learn how to be independent because malalayo na ako sa family ko. That also means na mapapalayo ako sa high school friends ko which made me sad pero siyempre hindi pa rin ako umiyak. I think that's part of life naman kasi talaga. There will come a time that we need to part ways for our career. For our future. Today my life begins nga talaga.

Summertime SweetnessHistorias para obsesionarse. Descúbrelo ahora