CHAPTER THREE

22 19 1
                                    

***

Iesha's Point of View

Good morning, rise and shine!

4:23 ako nagising kaya inaantok pa ako. Tumayo na ako at inayos ang kama bago pumunta sa banyo para maligo at ng mahimasmasan ang pagka antok ko.

4:45 akong natapos. Nagsuot muna ako ng t-shirt at maliit na shorts, mamaya na ako magpapalit dahil baka madumihan pa. Bumaba na ako at dumiretso sa kusina, nagpakulo ako ng tubig at kumuha ng isang tasa at kutsara, nilagay ko ito sa lamesa, nag toast narin ako ng bread.

Habang naghihintay ay sinimulan ko nang kainin ang tinapay at nang matapos kung pakuluin ang tubig ay nilagyan ko ang tasa at nilagyan narin ng kape. Hinigop ko muna ito dahil mainit pa. Nagluto na rin ako ng breakfast para kina Mama at Ate at nag lagay ng sticky notes sa ref para malaman nila na naka-alis na ako.

Nang matapos na ako ay hinugasan ko ito at bumalik sa kwarto dahil 5:25 na! Dapat ay 6:00 ay nandoon na kami sa Cebu Pacific Airport. Gising na rin ang mga buang at naka bihis na, papunta na daw sa Airport

I am wearing a white maxi dress, paired with heeled sandals, a sun hat and sunglasses.

Sumakay na ako ng taxi papuntang Airport. 5:50 ay nakarating na ako sa Airport at agad na lumapit kina Allison.

Pumasok na agad kami sa boarding gate para maghintay. Maaga pa naman kaya napag desisyonan naming kumain muna.

6:45 ay tumayo na kami at bumalik na dahil malapit nang mag boarding time. Nang mag announce na ay agad kaming pumila at ibinigay sa airline personel ang boarding pass bago umupo sa aming kaniya kaniyang seat number.

Nakaupo ako malapit sa bintana, katabi ko si Gianna, sa kabila niya ay si Allison at si Leyley ang sa pinakadulo. Nakatulog kami at nagising ng malapit ng mag land. 8:50 nang mag land na ito. Omggg, welcome Manila!

Pagbaba at pagbaba namin ay agad naming kinuha ang naglalakihan naming maleta.

Sinalubong kami ni Papa at agad naman akong napayakap dito. I miss him sm. "Ang laki muna." Naiiyak na sabi nito kaya napangiti ako. Bumitaw ito sa at bumaling sa mga kaibigan ko. Ngumiti ito. "Tara na, ihahatid ko na kayo." Nag nod naman kami, nagsimula nang maglakad.

Iba ibang building ng condo ang kinuha namin, mga parents kasi nila ang nag decide eh kaya we can't do anything pero same school pa rin naman kami. It's not condo pala, apartment ang kinuha ni papa para sa'kin. Sabi niya mga mayayaman daw ang nakatira doon! Yung bahay naman ni papa ay malapit lang rin naman, nasa isang subdivision daw iyon.

Kaya pala tumanggi siyang doon ako dahil isa lang daw ang kwarto doon.

Ang una naming hinatid ay si Gianna, nagpasalamat ito kay Papa at yumakap sa'ming tatlo. Sunod naman naming hinatid ay si Haisley at panghuli ay si Allison. Magkikita nalang daw kami sa Sunday.

We're on our way papunta sa apartment ko. Exited na ako! Pwede kaya akong magdala ng boys doon? Charot mapapatay ako ni papa.

"Kumusta sina Mama mo?" Tanong nito kaya mabilis akong napalingon sa kaniya.

"Okay lang naman siguro pa" Sagot ko. "Sure akong nagpa party na sila roon dahil wala na ako." Bulong ko pa at mukhang hindi naman niya dinig dahil nag nod lang ito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 24, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Heartless Love (HS Series #1)Where stories live. Discover now