CHAPTER ONE

30 23 0
                                    

***


Iesha's Point of View


Napabalikwas ako ng bangon ng tumunog ang alarm clock ko. Lintik na yan oh! Maghahalikan na sana kami ng bias ko na si Heeseung ng Enhypen ih! Bwesit na yan.

Padabog akong pumunta sa banyo para maghilamos at magsipilyo. Kinuha ko ang bagong bili kong iphone 14 pro. Nagpadala kasi yung bf kong kano kahapon. Charot! Hindi nga na crushback, magkaroon pa kaya ng boyfriend na kano!

Bumaba na ako at naabutan ko sa kusina si mama na nagluluto ng almusal. Umupo ako at nag scroll sa fb.

Napa-iktad ako ng padabog na ibinaba ni mama ang luto niya, Bacon at Egg pa yan ha. Tapos na pala siya. Sinundan ko ito ng tingin ng lumabas ito ng kusina hanggang sa nawala na siya sa paningin ko. Ano kayang problema ni mama, umagang umaga ang init ng ulo. Kumain nalang ako at di na pinansin iyon.


Di kami mayaman at di rin mahirap, sakto lang sa timpla, three in one kopiko blanka. Charot

Btw, nakatira kami sa Lapu Lapu City, Cebu alangan namang sa mars diba.


Pagkatapos kung kumain ay nagligpit na ako at naghugas sa kinainan ko bago bumalik sa kwarto para maligo.



Oversized t-shirt at maikling short lang ang suot ko total nandito lang naman ako sa bahay. Pagkatapos magsuklay ay bumaba ako at pumunta sa sala para mag chill chill.


Kung tatanungin niyo kung nasaan si papa ay nasa trabaho, Engineer siya at Ang Ate ko naman ay malamang ay nasa inuman yun kagabi kaya wala dito. Kaya siguro mainit ang ulo ni mader kasi hindi umuwi dito ang kaniyang prinsesa.


Habang nanonood ang ng palabas sa tv ako ay napalingon ako ng magsalita si mama sa likod ko. "Aalis na muna ako, ikaw na munang bahala dito." Walang emosyong saad nito bago tumalikod at lumabas ng bahay, di man lang hinintay ang sagot ko.


Siguro di talaga ako anak ni mama. Di ko kasi ramdam ang pagmamahal niya, puro nalang si Ate. Kaya nga nahihiya akong mag open up sa mga problema ko sa kaniya. Baka sabihin niya nag d-drama lang ako. Kung may kakampi man ako sa bahay si papa yun, pero wala siya rito eh.


Tumunog ang cp ko kaya kinuha ko ito. Nagchat sii Gianna sa gc naming magbabarkada, isa siya sa mga kaibigan ko.


MgaPunyetatoh

Gianna:
Galaaaaaaaa

Heartless Love (HS Series #1)Where stories live. Discover now