MAHAL MO, BA'T MO PINALAYA?

48 2 0
                                    

MAHAL MO, BA’T MO PINALAYA?
__

Sabi nila pagmahal mo, ipaglaban mo.
Pero kaya pabang ipaglaban iyong pagmanahal kapag alam mong hindi na kaya.

“Pagod kana? ”

“Sobra, pagod na ako sa kakaintindi ng ugali mo. Pagod na ako sa kakasuyo sa’yo. Pagod na akong mahalin ka. ”

Nick said habang ako ni kahit pag iyak hindi ko na nagawa.

“Napagod din naman ako, pero nag stay ako. Napagod din naman akong mahalin ka pero nagstay padin ako. Alam mo kung bakit? Kasi nangako akong mamahalin ka hanggang sa huli kung hininga. ”

“pero ayukong magstay pa. Kasi hindi ko na kaya. ”

“Hindi nga ba? O may iba na? ” tanong ko.

He’s Nick Salvador, a doctor. Highschool kami nong makakilala. Niligawan  n’ya ako hanggang sa sinagot ko s’ya. 10 years naging kami tapus ganito lang ang mangyayari.

Plano nanga ng parents namin kung kailan ang kasal namin e.

May invitation na.
Ang mga bisita kumpleto na. Kasalan nalang ang kulang.

“Please—Kyla. Itigil na natin ito. ”

“Ok.” diritsang sagot ko.

“Ok? Ganon nalang ok? ”

“Bakit? Anong gusto mo? Ang magmakaawa ako sa’yo na huwag mo’kong iwan? Na lumuhod ako sa harapan mo para mag stay kalang? Na magmakaawa ulit ako  para ako ulit piliin mo? Mahal kita at tama ka don kaya nga pinapalaya kita diba.Kasi alam kung don tayo pareho magiging masaya.”

Saad ko, tumalikod ako para  umalis. Pero bago iyon nagsalita muna ako. “ Gusto kitang ilaban, pero sa tuwing ginagawa ko iyon lalo akong nasasaktan.  Sa ating dalawa ako iyong mas nasasaktan. Kasi sa tuwing nakikipagkita ka sa kaibigan mong babae sa tuwing nagtatawanan kayo. Halos madurog ang puso ko kaka overthink na baka ipagpalit mo’ko kasi mas napapasaya  ka non. Pero hindi ko nagawang magreklamo kasi sabi mo magtiwala ako diba? Tang*na naman nick sa’yo may tiwala ako pero sa mga babaeng kasama mo wala. Ramdam mong nagsisilos ako pero binabalewala mo. Kasi alam mong hindi kita kayang iwan kasi sobrang mahal kita. Kaya nga sa sobrang pagmamahal ko. Kahit ikakasakit ko basta ikakasaya mo pinaya kita ,papalayain kita.”

“She’s special to me. ”

Para akong binagsakan ng malamig na tubig dahil sa nadinig ko. Don nadin tuluyang tumulo ang luha ko.

Tama nga ang kutob ko.

“A-Alam ko. ”

“Alam mo? Alam mo pero di mo sinasabi sa’kin.”

“KAILANGAN PABA IYON! ”sigaw ko sabay harap sa kan’ya. “ Kung mahal mo’ko iiwas ka padin don kahit bestfriend mo iyon, kasi girlfriend mo’ko. Kahit sabihin mong kababata mo iyon kaya sobrang close n’yo magsisilos padin ako.  Pero ok lang tapus nadin naman na tayo. ” saad ko saka pinunasan ang luha ko at umalis.

Tumakbo hanggang sa madinig kung tinawag ako nito.

Napahinto ako at sa paghinto ko ramdam kung may kung anong bumangga sa’kin na kinatilapon ko.

Sa pagbagsak ko ramdam kung tumama ang ulo sa isang matigas na bagay dahilan ng pagkalabo ng paningin ko.

“K-Kyla? Wait up. ”

“KYLA—NO! P-LEASE WAKE UP! ”

Iyon ang huling salitang nadinig ko bago ako nawalan ng malay.

___

Unti unti kung dinilat ang mata ko at nilibot ang paningin ko. Nasa langit naba ako? Ba’t parang puro naman yata puti.

“K-Kyla? Iha. Thank god your awake. ”

“M-Mommy? ” saad ko.

Niyakap ako nito habang umiiyak. “A-Ano oras na po? ” tanong ko.

“Anak isang buwan kang tulog alam m-moba?”

“I-Isang buwan? ”

Tumango lang ito, saka ulit ako niyakap. Hanggang sa napalingon kami pareho ni mama ng bumukas ang pinto at niluya doon si Nick na kasama ang gbf  n’ya. Tssskk! Isang buwan lang akong tulog sila na.

Akay akay pa s’ya nito habang papalapit sa’kin na kinakunot noo ko.

“K-Kumusta, gising kana pala. ”

“Oh, ngayon? ”

“Nag alala ako sa’yo. Kala ko napano kana. ” saad nito.

“Ikaw? Wag mo sabihing bulag kana? Tsskk! Iyan naba ang karma mo?”

Nanatiling tahimik ang lahat pati si Nick napayuko din.

“I’m s-sorry. Pero hindi kita niloko. ”

“Hindi? HAHHAHA paawa effect ba iyan kasi bulag kana? Grabi isang buwan lang akong tulog tuluyan kana ngang hinarap ng gbf mo. Sabagay bago nga pala ako nasagasaan break na tayo. Kaya ok lang stay strong nalang sa inyo. At pwede ba huwag kana magpakita sa’kin. Hindi naman na tuloy ang kasal e. But don’t worry handa akong magbigay ng pera pampagamot sa mata mo. Kaya makakaalis kana. ”

Kita ko kung pano magalit sa’kin iyong gbf n’ya kaya tinaasan ko nalang ng kilay.

Sinundan ko din sila ng tingin ng makaalis ito.

“Tssskk!! Ang bilis ng karma. ” bulong ko.

“Sana hinayaan mong mag explain si nick. Anak. ”

“Para ano pa. Para lokohin ulit ako? Wag na oy. ”

“ni hindi ka manlang nagpasalamat. ”

“Pasalamat saan? Na nasagasaan ako dahil sa kan’ya. O naghanap s’ya ng iba. ”

“Na Dahil sa pagmamahal n’ya sa’yo. Binigay n'ya ang mata n’ya makakita kalang. ”

“A-Ano?”

—Clia writer’s
Don’t copy or repost

CLIA WRITER'S : ONE SHOT STORY By Inskyte (COMPLETE) ✔️Where stories live. Discover now